CHAPTER 41 Dumaan ang Marso at malapit na ang moving up namin ni Uno, Seb, Avo at Trinity. Pagkatapos ng exam ay pinaghahandaan na namin ang practice at mga activity na dapat naming taposin. "Saan ka mag gre-grade 11?" Tanong sakin ni Avo habang nakaakbay kay Seb. Nandito kasi kami ngayon sa club house at nagpapaahinga. Katatapos lang ng praktis sa social hall kanina kaya dumeretso na kami rito. "Look, pre. I'm not gay so can you please take off your hands.." maarteng sabi ni Seb at tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya ni Avo. "Ganun ba pre? Pasensya ka na pero patay na patay na ako sayo." Biro pa ni Avo na tinawanan lang namin. Tiningnan ko si Uno sa tabi ko na hinihimas ang balikat ko gamit ang kamay niya na nakaakay sakin. "Ulol! Kadiri!" Saka tumayo si Seb at dumeretso sa ref para

