CHAPTER 36 Pagkatapos naming kumain ay nagtambay muna kami ni Uno sa garden ng mommy niya. Sabi niya ay gusto niya akong masolo kaya mas kinilig na naman ang mommy niya. Maganda ang garden na tinambayan namin ngayon. Kahit madilim na ay maliwanag parin ang pwesto namin dahil sa buwan at bituin sa langit. Nasa damuhan kami habang tinitingnan ko naman yung mga bulaklak na nakapaligid saming dalawa. This place is perfectly romantic for us. "I'm happy now that you're here." Sabi ni Uno. Nakaupo ako sa gilid niya habang siya naman ay nakahiga lang sa damuhan. Medjo humiga rin ako sa damuhan at tiningnan ang langit. "I'm happy, too." Nakangiting sabi ko. Napansin kong medjo yumuko siya at tiningnan ako. "You're really different today. I want to see that everyday." "To see, what?" "The rea

