Chapter 9
"Ms. Alonzo, Fuentes, Revira, Garbon, kayong apat, sa principal office, now!" Nagulat ako sa sinabi nang advicer namin. Umagang-umaga palang pero pinapatawag na kami sa principal office.
Siguro dahil sa nangyari kahapon. Nilgay ko ang mga gamit ko sa loob nang bag at napalingon ako sa katabi ko. Parang wala siyang pakialam habang nakatingin sa harap. Hindi ko nalang ito pinansin at kinuha ang bag ko saka umalis.
"I'm so sorry Mr. And Mrs. Alonzo. Kasalanan talaga nang mga anak namin."
"The school will take responsibility for the messed, ma'am."
Mula kanina ay wala akong ibang narinig kundi ang sorry nila. Hindi pa nga nila alam ang nangyari humihingi na sila nang tawad.
Ang totoo niyan ay nag sumbong ang tatlong bruha sa ginawa ko sa kanila kahapon kaya naman pinatawag ang mga magulang naming apat. Nagulat nalang ako nang pagkarating ko sa principal office ay nilapitan ako ni dad at mom at niyakap.
'Umaakto na naman silang may pakialam sakin kahit ang totoo naman ay wala.' Nang malaman nila kung sino ang mga magulang ko ay parang nanliit sila. Lalo na't pinapakita nang mga magulang ko na sila ang may kasalanan dahil hindi nila ako nabantayan nang maayos.
Haist! Mapagpanggap! Mapagkunwari! Hindi ako nagsalita at hinayaan lang sila. Narinig ko pang humingi nang tawad ang tatlong bruha sakin na hanggang ngayon ay parang gulat na gulat.
Isa ang pamilya ko sa mga board members sa school nato. Meron rin isang paaralanan na pinapatakbo ang nga magulang ko kaya hindi na katakataka kung dati madali lang akong nakakakuha nang sarili kong lecturer.
*
"Lapastangan ka talagang bata ka!" Naramdaman ko ang sampal ni mom sa kaliwang pisngi ko. Andito kami ngayon sa parking lot nang school kasama ang mga body guard nila. Tahimik ang lugar dahil tuloy parin ang klase at hindi pa time nang recess.
"I'm sorry." Nakayukong sabi ko sa harap nilang dalawa.
"Isa kang kahihiyan! Pati ba naman rito Winter ipapahiya mo kami?"
"Helen.. tama na. Baka may makarinig satin." Narinig ko pang sabi nang aking ama. Dati palang hindi na ako kinakampihan o dinadamayan nang ama ko sa twing pinapagalitan ako ni mommy.
"Itong tatandaan mong bata ka," tinuro niya ako, "Sa oras na ipapatawag kami ulit rito, siguradong wala ka nang maasahan samin. Kami pa ang dinamay mo! You're always a disappointment to us!" Tinulak niya ako saka siya pumasok sa kotse nila.
Sumunod naman si dad sa kanya at hindi man lang ako nilingon. Yumuko ang mga body guard nila sakin bago tuluyang pumasok sa kotse nila at umalis.
Nanatili akong nakatayo sa lugar kung saan nila ako iniwan. Lagi nalang bang ganito? Napapagod na ako sa ganitong sitwasyon. Ilang taon ko pa bang mararamdaman ang ganitong sakit?
Pinilit kong wag pansinin ang sakit nang nararamdaman ko at tumalikod saka naglakad pabalik sa room namin.
Pero bago ako maglakad ay napansin ko ang lalaking nasa gilid nang parking lot. Nakatayo siya run at nakatitig lang sakin. Hindi ko mabasa ang itsura niya pero isa lang ang nasisiguro ko.
'Narinig niya ang sinabi nang mga magulang ko.
**
Tiningnan niya ako na parang ito ang unang pagkakataon na nagkita kami. 'Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba hindi pa tapos ang klase?'
Pinilit kong ipakita sa kanya na wala akong pakialam sa nakita niya at naglakad papalayo sa parking lot. Ang ayaw ko talaga sa buhay ay ang mag paliwanag sa ibang tao.
"Are you okay?" Narinig kong tanong niya sa likod ko. Hindi pa kami nakakalayo sa parking lot kaya naabotan niya ako.
"I want to be alone." Hindi siya sumagot at deretso lang din ako sa paglalakad. Saan ba ako pupunta? Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag isip, at malayo muna sa lugar nato.
Hindi ko namalayan narating ko na pala ang rooftop. Nakatingin ako sa malawak na rooftop at tumingala sa langit. 'This is what I want.'
Naglakad ako sa gilid nang clubhouse. Sa likod nito ay may mahabang dingding at pag umakyat ka run ay makikita mo ang kabuohan nang paaralan. Ngumiti ako. Ang ganda nang iskwelahan na to. Lahat ba nang school ay ganito ang itsura?
"What are you doing?" Nilingon ko siya sa baba.
"Ba't andito ka?" Napahinto ako, "Oo nga pala. Sa inyo tong clubhouse sa likod ko." Umiling ako. Hindi ba pwedeng ako nalang muna mag isa rito? Gusto ko ang lugar nato at bukod sa tatlong lalaking kaklase ko ay wala na akong nakikitang istudyante na umaakyat rito. Teka?
"Kayo lang bang tatlo ang pwede rito sa rooftop?" Gulat na tanong ko. Ngumisi naman siya na tila nahulaan ko ang sekreto niya. Napailing ako.
"This is our territory." Nakita kong lumapit siya sa pwesto ko kung nasaan ako pero may distansya parin sa pwesto namin.
"Kaya pala." Bulong ko at tumingala.
"Di ka ba aalis?" Seryosong tanong niya.
"Pinapaalis mo ba ako?" Sagot ko habang hindi siya tinitingnan. Ang ganda nang panahon ngayon. Kahit maaga pa ay hindi mainit. Paniguradong uulan ngayon.
"Gusto ko ang lugar na to." Bulong ko. "Ang ganda rito." Ngumiti ako.
"You look like idiot." Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya at prenteng nakaupo sa tabi ko. "You like this place? Then, okay. Feel free na pumunta rito."
"I'm not asking a permission." Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.
"Whatever." Sagot nito. Nakatingin lang ako sa kanya. Kung tutuusin ay gwapo talaga si Uno Wilson. Kahit sino magkakagusto sa kanya dahil sa itsura niya. Maputi, hindi masyadong matangos ang ilong, mapupulang labi, makinis ang mukha at parang babae ang mukha niya pero kung manamit siya akala mo sinong astig.
"Are you done drooling?" Tanong niya habang hindi nakatingin sakin. Umiwas naman agad ako nang tingin.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinakiramdaman ang lugar. Hindi ko alam pero mula nung nangyari kahapon ay hindi na ako kinakabahan kay Uno. Siguro dahil alam kong wala siyang plano sakin. Siguro nga curious lang siya sa pagkatao ko at sa tingin ko...siya ang kailangan ko ngayon.
Sighed. Ano ba tong iniisip ko? Napahawak ako sa kwentas ko. Sana dumating ang panahon na maiintdihan ako ng mga taong nakapalibot sakin. Sana dumating ang panahon na may mahanap akong tulad nang kuya ko. Yung kaya akong protektahan at intindihin sa kabila ng kakulangan ko.
"Are you okay?" Nilingon siya at nagtama ang paningin namin. He look so handsome, hot and... mysterious at the same time.
"I'm fine," saka ako napayuko. Now I understand, sometimes, people just say "I'm fine" because it's difficult to find someone who actually listens and cares about your life. That's the reality.
Even if I tell him the story, he wont listen, he wont care. No one will understand. No one. No one. Napailing ako. I want to set this free. I want to be happy. And maybe, just maybe, he can help.
"You sure?" Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sakin. Alam ko kung ano tong nasa loob ko at kung bakit ko to nararamdaman bigla.
'Gusto ko na siguro siya.' Napailing ako. Ito ang unang pagkakataon na nagkagusto ko. Gusto ko nga ba talaga ang lalaking to sa harap ko? Okay na ako pag nasa harap ko siya. Siguro siya ang nag iisang lalaking nakakaparamdam sakin nito. But...he's a gangster. I hate gangsters. I hate violence.
"Yes," bumaba siya sa mula sa kinauupu-an namin at inangat ang kamay niya para abutin ko. Tiningnan ko lang siya at hindi ko inabot ang kamay niya. Kailangan ko parin maging maingat.
"Wala ka bang planong bumaba? Sa loob na tayo mag-usap." Seryosong sabi nito.
"H-ha? Bakit?" At parang nakuha ko ang gusto niyang sabihin nang magsimula nang lumakas ang ulan.
"Aaahhh!" Napatili nalang ako nang hinila niya ang paa ko para makababa ako sa mahabang kinauupu-an ko saka niya hinila ang kamay ko.
Pumasok kami sa loob nang clubhouse nila na parang basang sisiw. Myghed! Bakit naman biglang lumakas ang ulan?! Anong gagawin ko ngayon?
Naramdaman ko ang towel na nilagay sa ibabaw nang buhok ko. Nang inangat ko ang paningin ko ay nagtama ang paningin namin ni Uno. May towel rin na puti sa ulo niya katulad nang sakin.
"Punasan mo muna yang mukha mo." Ginawa ko naman ang sinabi niya at pagkatapos ay niyakap ko ang towalya sa katawan ko. 'Ang lamig.'
Pumunta siya sa counter sa kitchen saka may kung anong ginawa run. Naglakad naman ako papunta sa sofa at umupo.
"I don't have any shirt here so hindi tayo makapagtutuyo nang damit. Tiisin mo na muna." He said coldly saka niya nilapag ang dalawang baso nang hot chocolate.
"Sakin to?" Tiningnan niya naman ako nang masama.
"Alangan naman inumin ko ang dalawang basong tsokolate nang mag isa?!" Ngumiwi ako sa sinabi niya at inabot ang baso.
Sobrang tahimik at tanging ingay lang nang ulan sa labas ang naririnig namin. Could this be more awkward? Napahawak ako sa kwentas ko. Wala akong tiwala sa kanya sa ngayon pero...darating kaya ang panahon na pagkakatiwalaan ko siya?
Sinulyapan ko siya. Hindi naman siya mukhang masamang tao kahit gangster siya. Hindi rin siya nagwawala at kahit kailan hindi niya rin ako sinaktan.
"Are you really a gangster?"
"You hate gangster," hindi yun tanong kaya hindi ako sumagot. Halata ba na ayoko sa mga gangster?
"My older brother was a gangster." Pag-aamin ko. Hindi ko tiningnan ang reaksyon niya pero alam kong nagulat siya.
"Then why you hate gangster?" Tanong niya. Nilingon ko siya at seryoso parin ang mukha niya. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang tumawa o ngumiti. Well, maliban nung dance fest. Nakita ko siyang nakangiti habang sumasayaw kami. *Blushed*
Umiwas ako nang tingin. Ano ba Winter?
"Long story."
"I have lot of time."
"I don't want to tell you why." Sabi ko para hindi niya na ako pilitin pang sabihin sa kanya. Mas sumeryoso ang mukha niya pero hindi ako nagpatinag.
"Okay, then, where is he?" Tanong niya. Yumuko ako at nilikotlikot ko ang dulo nang puting towel. Should I tell him? He can help me. And maybe, just maybe, he can protect me. Maybe he will believe me.
"Nakakulong siya."
"What?" Gulat na tanong niya.
"Yes, Uno, nakakulong ang kuya ko." Lumakas ang pintig nang puso ko. Sobrang sakit nang ulo ko at hindi ko maintindihan ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
'Pag may sinabi ba ako, maniniwala ba siya? Could I trust him? Kaya niya ba akong protektahan gaya nang ginawa nang kuya ko?' Napailing ako. Ako ang ang makakatulong sa sarili ko. Ang sarili ko lang ang kakampi ko.
"Almost 1year ago nang makulong siya." Tiningnan ko siya, "He protects me. He trust me. He's my knight in shining armor. Pero," hinawakan ko ang kwentas ko.
"Dahil sa pagliligtas niya sakin, nakulong siya." Blanko akong nakatingin sa kanya habang inaalala ang nakaraan. "No one believes me. No one understand me."
"He protects you from whom? Is their someone out their threatining you?"
"No," tiningnan ko ang mata niya, ang mukha niya, "Something happened. My parents didn't believe me but my brother does. He protect me from them. And then, nakulong siya. Nagalit ang mga magulang ko sakin. Because of me. Because--" napahinto ako. Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa.
Hindi ko masabi sa kanya ang lahat. May pumipigil saking sabihin sa kanya ang tungkol sakin. I have an issue in trusting people. I trust once, and that is enough.
"Sssshhhhh..." naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at parang pinapatahan ako at parang sinasabi niyang pwedeng pwede akong umiyak. Inangat ko ang paningin ko sa kanya. He looked at me with concerned in his eyes. Those adorable eyes.
Ito ang pangalawang pagkakataon na naging mahina ako sa harapan niya. Siguro nga kahit ganito ang lalaking to ay alam ko namang mabait siya. Napabuntong hininga ako habang nakayuko. Inalis niya ang kamay niya at nanatiling nakaupo sa tabi ko.
"Anak ako ni dad sa labas. My mom seduced my dad nung nag away sila nang mama ni kuya." Tiningnan ko siya pero nakatitig lang siya sakin, "He's my half brother pero siya lang ang kakampi ko at dahil sakin..dahil sakin..." ngumiti ulit ako ng pilit.
"Wala akong pinagsabihan ng lahat nang to. I used to have my class in our house. My parents hired a personal lecturer for me. Nahihiya sila sakin. Kinakahiya nila ako. Tinanggap ko yun nuon. Dati pa nga tinatanong ko bakit si kuya pwede tapos ako hindi?" Napatawa ako.
"Nung mamatay ang tunay na mom ko dun ko lang nalaman ang lahat at dahil dun mas naintindihan ko kung bakit hindi pantay ang trato nila mom at dad samin ni kuya." Pinilit kong ngumiti at tiningnan siya.
"That's explain why." Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko ito pero hindi niya man lang binitawan. "You can cry Winter." Umiling ako.
"Ilang beses ba dapat maging mahina ang isang tao?" Umiwas ako nang tingin at pilit tinatanggal ang kamay niya pero hindi niya yun binitawan.
"Gusto kitang intindihin." Napahinto ako sa pag iisip.
'Intindihin? Mula nung bata ako walang ibang umintindi sakin kundi ang kuya ko.'
"Just tell me something about your self."
"Eager for information huh?" Napangisi ako pero umiwas lang siya nang tingin.
"I just want to know you, that's all." Bulong niya na parang hindi sigurado. Hiniga ko ang katawan ko sa likod nang sofa.
"The moment you feel like you have to prove your worth to someone is the moment you need to walk away from them. However, I didn't succeed. They never saw my worth. They don't care. They never cared." Bulong ko.
"I'm just a disappointement to them." Tuloy ko.
"Then prove them wrong," sagot niya.
"I hope it easy that way. I did that already. But there are times that you even prove something to someone, it always end up nothing. I'm just nothing."
"You're very negative to yourself." Sabi niya at mas hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko. "Is that the reason why your eyes always saying something to us?" Napatawa ako.
"Ano ba talagang meron sa mata ko?" He growled at me. "What?" Umiwas siya nang tingin.
Napansin kong tumitila narin ang ulan. This is cutting classes! Sighed. For the first time. Hindi naman siguro mapapatawag ulit ang mga magulang ko dahil rito. Baka sa susunod na pabalikin sila dito ay talagang sasakalin na ako ni Helen. Haist!
"Your eyes," nilingon ko siya at nakatitig lang siya sa mga mata ko, "They are beautiful." Tuloy niya pero pakiramdam ko ay sa mukha ko siya nakatingin. *Blushed* Umiwas ako nang tingin.
"Your eyes are beautiful and...they are telling us something."
"Something?"
"Yes. That behind those orbs, behind those cold-weak-fragile-eyes, there is a story. A story that change everything of the life of the owner." Napayuko ako.
"You're telling nonsense."
"I'm serious. I want to know more about you."
"There's nothing more to know about me." Sagot ko.
"But your eyes are telling me something."
"They can't speak." Sinulyapan ko siya but he looks bemused at my answer. Napailing siya.
"Please let me." He's serious but his nervousness is palpable.
"Let you what?"
"Let me know you," he said darkly as if I shouldn't say no.
"We could be friends." Kinakabahang sabi ko at nilingon niya ang hawak ko. Hindi ko namalayang nakahawak pala ako sa kwentas ko.
"Fine. Friends." He said coolly.
"Hey dude!-- Oh! Alonzo, you're here." Napahinto kami sa pag uusap nang pumasok ang dalawang kaibigan niya. Anong oras na ba?
"Dito nalang tayo mag lunch dude. Puno yung cafeteria eh." Narinig ko pang sabi ni Avo habang may dalang mga take out na pagkain.
"Teka, lunch? Lunch break na ba?" Gulat na tanong ko. Ilang oras pala kaming nandito ni Uno? No way! Dalawang subject na ako absent! Lagot! Tumayo ako at pag tayo ko umangat ang kamay ni Uno na nakahawak sa kamay ko. Parang na pause naman ang dalawang lalaki sa harap namin.
"H-holding hands?" Parang tangang sabi ni Sebastian.
"Nakakadistorbo ba kami bro?" Tanong ni Avo habang binabalik sa kamay niya yung mga dala niya kanina at parang aalis.
"No. Just prepare the food. Sasabay siya satin." Saka niya ako tiningnan.
"Wait. Wag na. Okay lang."
"Sasabay ka samin. That's an order." I pouted. Parang nagulat naman ang dalawa samin kaya panay ang lingon nila. 'This is awkward.'