Chapter 1.
"Class dismissed." Agad naman nagsitayuan ang mga istudyante at dumiretso na palabas.
Nilingon ni Uno si Winter sa gilid niya. Hindi man lang ito tumayo. Nanatili lang itong nakaupo habang nakayuko.
"Uno, let's go." Sabi ni Avo. Sinulyapan naman nang dalawa ang tinitingnan ni Uno saka sila sabay na lumabas. Bago tuluyang makalabas si Uno ay sinulyapan niya muna ulit ang dalaga.
'She's weird.' Hindi niya maipaliwanag kung bakit iba ang pakiramdam niya sa babae. Hindi naman sa gusto niya ito pero parang may gustong sabihin ang mata nito.
**
"Dude," humarap naman si Seb kay Uno, "Orientation daw after nitong break. Do we have to attend? It's a waste of time."
Napabuntong hininga si Uno at nilibot ang paningin niya. May mga istudyante na patingin-tingin sa kanila. ‘Yung iba naman ay kinukuhanan sila nang litrato. Ang mga lalaki naman ay nakayuko lang at hindi man lang sila makuhang tingnan.
Sa Wilson Academy ay batas ang lahat nang sasabihin nila kaya walang kahit sinong pangahas ang kumalaban sa kanila. 'Nakakasawa na ang ganito.' Sabi niya sa kanyang sarili.
"Let's attend to the orientation." Nagkatinginan naman si Seb at Avo saka tumango.
"You freak!" Nalipat ang atensyon nila sa sigaw ni Bella. Natapunan kasi nang juice sa uniform niya.
"Sorry." Nakayukong wika nang dalaga.
"You are a transferee at pinili mo pa talagang banggain ako!? How dare you!" Inis na inabot ni Bella ang isang basong pineapple juice at tinapon ito sa puting blouse nang dalaga.
Napakunot naman ang noo ni Uno habang nakatingin sa kanila. Hindi na pinansin ang dalaga ang pagpapahiya sa kanya ni Bella at deritso nalang itong lumabas habang dala ang pagkain niya. 'Hindi man lang siya nagulat na binuhusan siya nang juice? Weird.'
"She's hot." Bulong ni Avo. Nilingon naman agad ni Uno ang binata.
"Who?" Napatingin naman si Seb kay Avo.
Tinuro naman nito si Bella saka naman ngumisi si Seb.
"Bella has a weird face .... and idiot. Well, bawi naman sa katawan. Cocacola body. Big butt dude." Nag apir pa ang dalawa. Napailing nalang si Uno saka ito tumayo.
"Where are you going, dude?" Tanong nang dalawa.
"Don't follow me." Walang emosyon na wika nito. Naglakad siya palabas at dumiretso sa locker niya.
Nasa mahabang corridor lang kasi nang Wilson Academy ang locker nang mga istudyante kaya nakita ni Uno sa di kalayuan ang bago niyang kaklase na tinapunan nang pineapple juice ni Bella kanina.
Kinuha nang dalaga ang P.E uniform niya at sinirado ang locker niya. Bago siya naglakad at nilingon niya muna ang binata. Nakatitig lang ito sa kanya kaya nilabanan niya rin ito nang titig. Pinagmasdan nang dalaga ang gwapong mukha nito. Makinis ang mukha, mapupulang labi pero halatang-halata na medyo bad boy.
Nag iwas nang tingin ang dalaga at naglakad palayo sa binata. Muling nahugot ni Uno ang kanyang hinga habang nakatingin sa dalaga.
'Why do I feel something in her eyes?' Sinirado niya ang locker niya at pumasok na sa loob nang silid nito.
**
"Dude, where have you been?" Tanong ni Seb ang makapasok si Uno sa loob nang silid. Agad naman nagsibalikan ang mga ka klase nila sa mga upu-an nila nang maglakad si Uno.
Hindi sumagot si Uno at deretsong umupo sa upu-an niya. Nilingon niya saglit ang katabi niyang upu-an saka niya nilingon ang inuupo-an nang dalaga kanina.
'Where is she?'
Parang sinagot naman ang tanong niya dahil bumukas ulit ang pinto at pumasok ito sa loob. Nanatili itong nakayuko at halatang kakabihis niya lang.
"Ops! Sarrey!" Maarteng wika ni Bella nung matapilok ang dalaga dahil sa nakaharang na paa ni Bella.
"It's okay." Saka siya naglakad sa upu-an niya. Nagsimula namang magtawanan ang buong klase pero hindi man lang ito pinansin nang dilag at kinuha nalang ang libro nito sa bag biya at nagsimulang magbasa.
Hindi namalayan ni Uno na nakatitig na pala siya sa dalaga at ramdam na ramdam ito nang dalaga pero nagkibit balikat lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa.
"What a loser!" Narinig pa nilang sigaw ni Carla.
**
"Dude, papasok ba tayo bukas? Nakakatamad. Wala man lang akong bagong kalaro." Wika ni Seb.
"Tss. Kahit naman sino basta nakapalda ay papatusin mo." Tawa-tawang wika ni Avo at kumuha nang beer sa ref.
Nasa condo sila ni Uno at kinukulit ito. Naiinis na nga si Uno kasi walang ibang gawin ang mga kaibigan niya kundi ang kulitin siya. Wala siya sa mood para pumunta nang bar at wala rin siyang oras para patulan ang mga lumalandi sa kanya.
"Napansin niyo ba ‘yung bagong chix sa section natin?" Tanong ni Seb at umupo sa sofa. Agad namang tumabi si Avo rito at nakinig. Nakuha nito ang atensyon ni Uno kaya pasimple rin niyang tinunga ang beer niya.
"Si Winter ba? Why dude? Don't tell me type mo siya?" Tumatawang tanong ni Avo pero seryoso lang naman si Seb.
"She's weird." Bulong ni Seb pero sapat lang para marinig nilang dalawa. "May something sa kanya eh. Hindi ko lang alam kung ano."
"Woooaaaah .. Nag iba na talaga ang taste mo bro!" Inis na nilingon ni Uno si Avo pero hindi naman sila nakatingin sa kanya.
"It's not like that dude. Weird lang kasi parang palagi siyang walang emosyon. Kanina ‘yung nasa cafeteria tayo at tinapunan siya nang juice, wala man lang siyang reaksyon pati rin ‘yung pinatid siya ni Bella?! Parang wala lang sa kanya." Napabuntong hininga naman ito at ininum ang alak.
"Ito pa ha, kanina nung paalis tayo nang school nakita ko siyang nakaupo lang sa bench tapos nakayuko. Alam ko siya ‘yun."
"So, may pagnanasa ka talaga sa kanya at nagawa mo pang kabisaduhin ang katawan niya?" Tinunga ulit ni Uno ang beer niya.
"Hindi nga. Alam mo naman na halos lahat ng istudyante sa Wilson Academy may kotse. Kahit naman ganun ‘yun dude hindi mo rin maitatangging maganda siya. ‘Yun nga lang.....napaka simple niya para maging istudyante nang Wilson Academy."
"So, anong gusto mong palabasin?"
"Wala naman, na curious lang ako at para sakin hidi siya mukhang mayaman."
"Malay mo may hinihintay siya." Tumayo na si Uno at in-off ang flatscreen na tv niya saka hinarap ang dalawa.
"You two, get out!" Inis na sabi niya. Bigla siyang nainis sa pinag-uusapan nila. Kahit siya kasi ay nagiging interesado sa dalaga pero ayaw niyang aminin sa sarili niya.
"Dude naman," parang tangang wika ni Seb pero tumayo rin silang dalawa nang makitang seryoso ito.
Umupo si Uno sa sofa at napatingala. Hindi lang pala siya ang nakapansin na may kakaiba sa babaeng ‘yun. Ayaw niyang isipin na baka nagiging interesado na siya sa dalaga. Iniisip pa lang niya parang masusuka na siya. Ayaw niya mabihag siya ng isang babae, nagiging mahina ang lalaki pag nagmamahal na.