Chapter 13. Jessie Alfonso

2486 Words
Benj Pov. FLASHBACK " Makinig ka mayroon akong sasabihin sayo isang katotohanan na maaaring makatulong o makasaira sayo" " Sabihin mo sa akin" May kinuha siyang larawan sa bulsa niya " Tingnan mo ng mabuti at makinig ka" Natulala ako ng makita ang larawan na ibinigay niya si Gray ang bumaril kay Irish. "Sandali paano mo to nakuha?" Naguguluhan kong tanong " Sinusundan kita ng palihim sa safehouse habang naglalakad ako sa paligid nakita ko siyang binaril si Irish" paliwanag niya halos hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. " I really thought na si Jess ang pumatay sa kanya" " Kahit isang kriminal hindi kayang pumatay ng mga taong mahal nila Benj" Nakaramdam ako ng guilt sa loob ko dapat naniwala ako sa kanya. " I'm sorry Jess" bulong ko bago kumawala ulit ang mga luha sa mga mata ko. " Huwag kang umiyak mayroon pa akong sasabihin" " Tungkol ba kay Gray?" Tanong ko tumango naman siya bilang tugon. " Isa siyang sikat na assassin sa underground marami na siyang pinatay mga innosent at kriminal na tulad niya pumapatay siya dahil sa pera" " Sandali assassin?" Gulat kong tanong " Tama ang narinig mo kunti lang ang nakakaalam tungkol sa pagkatao nila kaya malaya silang nakakakilos" " Bakit hindi mo siya hulihin?" " Hindi siya parte ng mga nagdaan kong trabaho pero kapag inutos mo gagawin ko" Natahimik ako bigla medyo mabilis ang mga pangyayari " I can't blame you matagal na kayong magkaibigan tapos bigla mong nalaman ang tunay niyang pagkatao talagang magugulat ka" " Blue bigyan mo ako ng oras kailangan ko munang pag- isipan ang lahat" " Huwag kang mag aalala hindi ako nagmamadali pero isang bagay lang ang sasabihin ko sayo malaki ang posibilidad na siya ang pumatay kay Nick" saad niya " Paano?" " Diba sinabi ko na mukhang may makapangyarihang tao ang involve sa pagkamatay ni Nick. Kung ako ang mastermind ng krimen kukuha ako ng pinakamagaling na assassin para ipagawa ang pagpatay" May punto siya pero hindi parin ako naniniwala na kayang patayin ni Gray si Nick. " Impossibly yun" sabi ko " Minsan kong gusto mong mahuli ang isang kriminal kailangan mong mag isip ng katulad nila" END OF FLASHBACK Kaya ng pumunta ako sa ikalimang loop pinakiusapan ko si Blue na hulihin silang dalawa. Tanging top detective lang ang kayang tumapat sa isang magaling na assassin. Nagawa niyang makuha si Irish at Gray ikinulong niya sila sa isang kwarto habang walang malay. Doon ko napagtanto na wala sa kanila ang pumatay kay Nick. Kaya ang prime suspect sa krimen ay isang taong nagngangalang Jessie Alfonso kailangan ko lang siyang hanapin para pagbayarin sa mga kasalan niya. Kring... Kring Kinuha ko ang cellphone ko ng biglang may tumawag Detective Wan is calling..... " Hello Detective" bati ko sa kabilang linya " What?" Dahil sa gulat napatayo ako sa kinauupuan ko " Sige papunta na ako diyan" sabi ko bago ibinaba ang tawag. Dali dali akong lumabas ng condo para puntahan ang bahay nila Irish. Natagpuang wala ng buhay sina Tito at Tita ng madaling araw. Pagdating ko sinalubong ako ni Detective Wan . " Pwede ko ba silang makita?" Tanong ko habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot. " Nasa loob sila ng kwarto paalala lang medyo brutal ang pagkamatay nilang dalawa" Sinamahan ako ni Detective sa loob pagdating namin sa taas nakita kong nakahandusay ang mga katawan nila sa sahig. Maraming dugo ang nakakalat sa buong kwarto. " Sir malaki ang posibilidad na pinatay ang mga biktima" " Nakausap niyo na ba ang mga kapit bahay nila?" " Opo Detective pero hindi nila nakita ang suspect isang sigaw ang narinig nila mula sa bahay ng mga biktima kaya pinuntahan nila para tingnan kung ano ang nangyari. Nadatnan nalang nila na walang buhay ang dalawa" " Mr. Montefalcon ayos ka lang ba?" Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Tito sa akin, lahat ng taong malapit sa akin ay napapahamak. " Mr. Montefalcon ayos ka lang ba?" Tanong ni Detective Wan. " Ayos lang ako" mahina kong tugon bago naglakad palabas. " Huwag kang mag aalala gagawin ko lahat para mahuli ang taong pumatay sa kanila" seryoso niyang saad. " I'm counting on you Detective" Pumasok ako sa sasakyan ko at bumalik sa condo " Kuya happy birthday" isang masiglang boses ang sumalubong sa akin pagpasok ko. " Mom, Venice" "Kuya I miss you" niyakap ako ni Venice " Happy birthday" bati ni Mommy saka ako hinalikan sa pisngi. " Bakit ganyan ang mukha mo?" " Mom diba kilala mo ang mga magulang ni Irish?" " Oo bakit may nangyari ba?" " Pinatay sila kaninang madaling araw" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya "Alam na ba ng mga pulis kung sino ang pumatay sa kanila?" "Hindi pa po" " Huwag mo ng isipin yun dapat maging masaya ka dahil kaarawan mo ngayong araw" Hindi na ako umasa na magpapakita si Daddy sa kaarawan ko dahil galit siya sa akin. " Mom someone knocking the door" sigaw ni Venice na kasalukuyang nakaupo sa sala. Si Mommy naghahanda ng pagkain sa kusina " Venice tulungan mo si Mommy ako na ang magbubukas ng pinto" " Benj" " Blue may nangyari ba?" Seryoso ang kanyang mukha at kumatok siya sa pinto hindi siya dumaan sa binatana ng condo ko. " Sumama ka sa akin gusto kang makausap ni Gray" " Huh! Hinuli mo siya?" " Malalaman mo rin mamaya" tugon niya " Mom aalis muna ako babalik rin ako mamaya" sigaw ko " Mag iingat ka" Pagdating namin sa police station nakita kong nakaposas ang mga kamay ni Gray. " Gray anong nangyari?" "Benj I'm sorry" saad niya bago yumuko " Ano ba ang nangyari?" Naguguluhan kong tanong " Siya ang pumatay sa mga magulang ni Irish" tugon ni Detective Wan. Napaupo ako sa sahig matapos marinig yun " Gray bakit mo yun ginawa?" " I'm sorry napag utusan lang ako" " Sino ang nag utos sayo?" " Hindi ko kilala" "Papaano------- "Isa yun sa mga patakaran sa underground hindi kilala ng mga assassin ang taong nagbibigay sa kanila ng trabaho" singgit ni Blue sa usapan namin. " Handa akong panagutan ang mga ginawa ko" " Sir sandali lang po huwag kayong magwala dito" Napatingin kami sa labas ng marinig ang mga sigawan mula sa labas ng police station . " Si Tito yun" sabi ko ng makitang nakikipagtulakan siya sa mga pulis. " Detective ikulong niyo na ako" sabi ni Gray kaya dinala siya ni Detective sa loob ng selda. Napaiwas ako ng tingin hindi ko siya kayang tingnan na pinapasok sa selda. Kahit na isa siyang assassin naging mabuti siyang kaibigan sa akin. " Na saan ang anak ko" " Mr. Salvador pakiusap galangin niyo ang opisina namin" pakiusap ni Detective Wan habang hinaharangan ang dadaanan niya. " Na saan ang walang hiyang batang yun gusto ko siyang makausap" " Dad please tumigil kana" saad ni Gray na nasa loob ng selda. " Huwag mo akong tawaging Dad wala akong anak na isang kriminal" pagwawala ni Tito alam kong masakit yun pakinggan para kay Gray. " Tito tama na po" saway ko " Benj huwag mong ipagtanggol ang taong yan" " Anong nangyari dito?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses " Goodmorning Sir" bati nila kay Daddy habang nakasaludo " Ako na ang bahala sa kanya" saad niya bago hinatak si Tito palabas ng police station. Narinig ko ang paghikbi ni Gray habang nakatabon ang kanyang kamay sa mukha niya. " Gray huwag mong isipin yun" sabi ko para pagaanin ang loob niya kahit kunti lang. " I killed someone at sarili kong Ama kinamumunghian na ako tapos ikaw nagawa mo pang sabihin yun" pabiro niyang sabi. " Hindi ko alam kung paano ka napasok sa pagiging asssassin lahat tayo may dahilan kung bakit ginagawa natin ang isang bagay. Alam mo I'm dissappointed with you pero naging isa kang mabuting kaibigan sa amin ni Nick" Humagolhol siya sa pag iyak alam kong hindi niya ginusto ang pumatay ng tao. Gusto ko ring malaman ang kanyang dahilan kung pera lang din ang pag uusapan mayaman naman ang pamilya nila at kilala na may magandang reputasyon. Pero ang tanong na bumabagabag sa akin kung bakit ginawa niya yun. Maybe it's not the right time to asked him dahil alam kung hirap na hirap sa ngayon. Fast forward Gabi na ako nakauwi ng condo pagdating ko wala na si Venice at Mommy nasa lamesa parin ang mga pagkain at cake. Kumuha ako ng lighter para sindihan ang kandila. " Happy birthday to me" sabi ko sabay blow ng candle Bumalik ako sa sala at binagsak ang katawan ko sa malambot na sofa. " Nick I miss you" saad ko habang nakatingin sa larawan niya. Kinuha ko yun bago niyakap ng sobrang higpit. " Alam mong gulong gulo na ang utak ko sino ang mag aakala na ganito ang kahihinatnan ng lahat. Nick gusto kitang yakapin ngayon, you're my comfort at taong lagi kong sandalan" sambit ko habang umiiyak. " I miss you so much and I love you" On the next day " Benj gising" " Uhmm give me 10 minutes" Nang maimulat ko ang aking mga mata nakita ko si Kathlyn na nakatayo sa harap ko. " Anong oras na ba?" " Alas diyes na ng umaga" tugon niya Mabilis akong bumangon sa couch at inunat unat ang mga buto ko. Ibinalik ko sa lalagyan ang larawan ni Nick bago naglakad papuntang banyo. Naghilamos muna ako at bumalik sa kitchen. " Kathlyn anong nangyari sa binti mo?" Tanong ko ng makita ang isang pilat sa balat niya. Ngayon ko lang siya nakita na nagsuot ng maikling short " Ah! Nadapa kasi ako dati" tugon niya Magkasabay kaming kumain ng almusal kinain namin ang mga pagkain na niluto ni Mommy kahapon. " Bakit nga pala wala ka dito kahapon pumunta pa naman ako dito para makiparty pero wala ka" " Pinuntahan ko si Gray sa police station" " Anong nangyari sa kanya?" Nakulong siya dahil sa pagpatay sa mga magulang ni Irish" Hindi man lang siya nagulat sa kanyang narinig mula sa akin patuloy lang siya sa pagsubo ng pagkain. " Bakit Benj may problema ba?" Tanong niya napatitig yata ako sa kanya ng matagal. " Wala naisip ko lang bakit hindi ka man lang nagulat sa mga sinabi ko" Napatigil siya sa pagsubo saka tumingin sa akin " Tungkol ba kay Gray alam mo Benj sa totoo lang hindi maganda ang kutob ko sa kanya nang una ko palang siya nakita" " What do you mean?" "Alam mo ba ang pakiramdam....parang may kakaiba sa kanya" tugon niya naman. " Okay huwag nating pag usapan yun" Took.....Took "Sandali lang" tumayo ako sa upuan para buksan ang pinto " Detective Wan pasok ka" " Hindi na gusto ko lang ipaalam sayo na nakatakas si Gray" " What?" Napatingin kami kay Kathlyn na nakatayo sa likuran ko " Bakit ganyan ang reaksiyon mo?" " Ah! Diba mapanganib kapag wanted ka" saad niya " Tama ka pero para sa kanya pabor yun" " Sandali paano siya nakatakas sa loob?" " Siguro mali ang salitang nakatakas mayroong taong tumulong sa kanya para makawala siya sa selda" tugon ni Detective Wan " Maraming salamat sa information Detective" " Kapag may nalaman ka tungkol sa kanya nakikiusap ako na ipaalam mo sa akin" " Huwag kang mag alala kahit hindi mo sabihin yan ipapaalam ko talaga sayo" " Siya aalis na ako" " Benj may gagawin pa pala ako" saad ni Kathlyn mabilis niyang dinampot ang dala niyang bag saka lumabas. " She's acting to weird" bulong ko saka isinara ang pinto ng condo. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Gray nag aalala na ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Out of coverage ang phone niya sinubukan ko ring tawagan si Blue pero hindi rin siya ma contact. " Ano ba ang nangyayari please sumagot ka Gray" 8:00 pm Isang text message ang natanggap ko 12:00 pm Suot suot ko ang isang jacket at mask lumabas ako ng condo. Tinahak ko ang madilim na daan patungo sa isang kanto. Habang naglalakad napapalingon ako baka mayroong taong nakasunod sa akin. Isang taxi ang nag aabang sa akin sa pinakadulo ng kanto. Bumukas ang bintana ng sasakyan " Passcode?" Tanong ng taong nakasuot ng maskara " Red candy" tugon ko binuksan niya ang pinto sa front seat ng sasakyan. " Pasok" Nang makapasok ako sa loob may kinuha siyang isang panyo sa bulsa niya. " I'm sorry" bigla niya nalang ako hinila at idiniin sa ilong ko ang hawak niyang panyo. Nakaramdam ako ng matinding antok hanggang sa mawalan ako ng malay. " Gising....gising" " Aray bakit ako nakatali?" Sigaw ko pagkatapos kong magising. Nasa loob ako ng isang kwarto nakatali ang buo kong katawan sa isang upuan. " Blue hindi magandang biro to" kinakabahan kong sabi Sobrang dilim ng buong kwarto tangging pwesto ko lang ang mayroong ilaw.. " Mabuti naman gising kana" boses ng isang babae ang narinig ko malapit sa akin. " Sino ka?" Kalmado kong tanong " Hulaan mo" " Jessie Alfonso?" Tumawa siya ng malakas mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Pero kahit na takot na takot ako ngayon pinilit kong tatagan ang aking loob. "Magpakita ka" Narinig ko ang mga yabag papalapit sa akin hindi ako kumurap hanggang sa makarating siya sa harap ko. Nang masilayan ko na siya maihahalintulad siya sa isang rosas, siya ay maganda pero mapanganib. Wala akong nakitang kahit anong emosiyon sa mga mata niya. Sobrang lamig ng kanyang bawat titig. " Ngayon na nakita mo na ako may gusto kabang sabihin sa akin?" Nakangisi niyang tanong " Ikaw ba ang pumatay kay Nick?" " Tama ka ako nga" " Bakit mo siya pinatay?" " Dinurog niya ang puso ko isang pagkakamali ang pinili ka niya over me. Pero ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ikaw ang pinili niya, napakagwapo mo, mayroon kang maganda at innosenteng mga mata, mapupula at malambot na labi, mahahabang pilit mata, nakakaakit ka rin tingnan" saad niya habang hawak hawak ang mukha ko. "Bitawan mo ako" sigaw ko kaya napaatras siya Kahit na ilang beses kong isigaw na lumayo siya wala parin akong magagawa dahil nakatali ako ngayon. Dahan dahan ulit siyang lumalapit sa akin. " Anong gagawin mo?" Bigla niyang sinunggaban ang labi ko I want to push her pero hindi ko magawa. Isang bagay lang ang magagawa ko para tumigil siya kinagat ko ang labi niya kaya siya napasigaw. " Fvck" mura niya bago pinunasan ang dugo sa kanyang labi Bumunot siya ng baril at itinutok sa akin nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang galit. " Kung gusto mo akong patayin gawin mo na dahil kapag nakawala ako dito hindi ako titigil hanggat hindi ka mabubulok sa kulungan" " Goodbye" * BANG*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD