"Gather yourselves according to your empire," utos sa amin ng head steward habang nasa likod kami ng napakalaking stage ngayon kung saan ilang oras na lang ay lalabas na kami para ipakita ang sarili namin sa buong Odiacus. Nag-antay kami sa susunod niyang sasabihin pero bigla siyang umalis. Kaagad na lang namin sinunod ang sinabi ng head steward at grinupo ang mga sarili. Pumunta naman ako kung saan nakapuwesto ang iba pang mga houses na galing sa Water Empire. Habang nag-aantay ako sa magiging hudyat nila ay hindi ako mapakali sa suot ko dahil kanina pa ako ayos nang ayos sa dulong parte ng mahabang damit na ito. Nakasuot kasi kami ngayon ng damit na nakabase sa mga houses namin, bilang galing sa House of Pisces ay nakasuot ako ng kulay bughaw na mahabang damit. Nakapalibot ang istilo n

