"Sybil, nakahanda na ba ang mga gamit mo?" Napatigil ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga gamit upang tignan kung sino iyon. Nakita ko si Tiya Waenar na nakatayo banda sa pinto ng kwarto ko. Humarap ako sa kaniya sabay iling. Ito na ang araw na pupunta ako sa Edifice, ang main city ng Odiacus. Sa lugar na ito ay sasalubungin kami ng buong Odiacus galing sa iba't-ibang houses. Ito rin ang araw kung saan makikilala at makikita ko na ang mga makakasama ko sa Upbringing. Hindi ko rin alam kung anong dapat kung maramdaman. Dapat ba akong kabahan, matakot, o matuwa? Sa totoo lang, hindi ko mahanap ang kaba sa sarili ko. Mas nangingibabaw sa akin ang pangamba. Kahit na ilang taon na akong naghanda para sa pagkakataon na ito ay hindi pa rin maalis sa akin na huwag mangamba para sa mangyayar

