Napatingin ako sa itaas at nakita ang dalawang nilalang na nahuhulog. "Sab. Ellios. Miro." Mabilis kong tawag sa tatlo. Sumakay agad ako sa likod nila atsaka lumipad. Sinalo ko ang isa at nagulat nang makitang si Sandra ito ngunit wala siyang malay. Sinalo ko din ang isa at nakitang si Valentine din ito at ganon din, wala siyang malay. Napakunot ang noo ko nang makita ang katawan at mukha niya na punong puno ng galos. May masamang nangyari sakanila. Nasaan si James? "Hiro!" Tawag ko sakaniya pagkalapag namin sa lupa. Agad siyang lumapit saakin at binuhat si Sandra. Sila kuya at Jasper naman ay kinuha si Valentine. "There's something wrong, Hiro. Look at him." Aniko nang maihiga sila sa kama. "Si James." "We need to know where the hell is him." Sambit ko sakaniya. Tinitigan ko ma

