“ALRIGHT! So our next game is Newspaper Dance!” ‘Darn it!’ lihim na lang siyang napapamura. Kung pwede lang siyang magback-out ginawa na niya. Kaso kapag ginawa niya iyon sigurado siyang mag-ngangangawa na naman itong artistahin niyang pamangkin. “Yehey! Tita galingan mo ha?” excited na sabi ni Zharick habang inilalatag ang diyaryo sa harap nila. Napakamot na lang siya sa sariling kilay. Mukhang mapapasubo yata siya nang wala sa oras. Ilang sandali pa’y nagsimula na ang laro kaya naman ay wala siyang choice kundi ang panindigan ang kalokohang iyon. At some point ay hindi niya maiwasang matawa nang makita kung paano sumayaw si Zharick. Ang cute nitong tingnan. Maging ang ibang participants ay natatawa na rin sa mga moves nito. Paano kasi, mukha lang naman itong kumikendeng

