“HI COLEEN! It’s good to see you here!” Pakiramdam niya’y para siyang ipinako sa kinatatayuan at tila binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Rayven sa likuran niya. Nang mga oras na iyon lahat ng katanungan niya’y nasagot na. Ngayon ay naliwanagan na siya. Her intuitions are right from the very start. The girl she just met is Rayven’s first love. “Same here. I’m glad you came.” Hindi man niya nakikita ang mukha ng dalawa ay alam niyang nakangiti ang mga ito at masayang-masaya na makita ang isa’t-isa. It seems like Rayven attended that event to see his first love. And thinking of that idea pained her. It’s killing her bigtime. Nanggigigil na ikinuyom niya ang kamao. Yes, she already made a decision, decision to forget him and all her feelings for him but she

