“OMG! What is the meaning of this?!” nanlalaki ang mga matang napatili si Ate Hazel nang makita sila ni Rayven na papasok sa living room ng mansion na magkahawak kamay. Dahil sa reaction nito ay napatingin sa kanilang dalawa ang lahat ng mga tao sa living room. At halos ay napasinghap ang lahat nang makita sila. Just like what she expected, they got everyone’s attention. Nakaramdam siya ng hiya dahil doon. Namumula at nag-iinit ang pisnging binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Rayven ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang muli nitong hulihin iyon at hinawakan iyon nang mas mahigpit. As if trying to tell her that he’s not going to let her go. Isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago nito hinalikan ang ibabaw ng kamay niya na ikinagulat niy

