"WE'RE home!" nakangiting pumasok sila ni Zharick sa loob ng mansion nang makauwi na sila. Tinatamad at hapung-hapong napasalampak siya ng higa sa mahabang sofa sa living room. Halos ay mahigit dalawang oras din siyang nagdrive kaya naman pakiramdam niya'y bugbog sarado na ang mga braso at likod niya dahil sa matinding pangangalay. "My baby!" tuwang-tuwang sinalubong ni Ate Hazel ng yakap si Zharick. "You almost made me worried baby nang sumama ka sa Tita mo. Don't ever do that again next time okay?" "Yes mommy and I'm sorry for making you worried. Promise I will not do it again," pangako nito at nanlalambing na hinalikan sa pisngi ang sariling ina. "And one more thing, Tita Ganda took good care of me. She also bought a lot of food for me," pagbibigay-alam at kwento nito. Mukhang masayan

