Chapter 4

1138 Words
Napipikon na si Tiff kakalakad at kaka pasa ng resume at wala paring tumatanggap sakanya na trabaho, mukhang uuwi na talaga sya ng Pilipinas. Di na talaga mapantayan ang lungkot nya. Nagulat sya ng biglang tumunog ang kanyang Cellphone. Kinuha nya kaagad iyon at sinagot ng makitang si Nica ang tumatawag. "Hello Beshie! Bakit napatawag ka? Diba kakatapos lang ng kasal?" Excited na tanong nya. "Hmmmp! Galit ako sayo besh. Diba sabi ko na kahapon, yung makakasalo ng garter and bouquet ang kasama namin dito sa cruise? We're here na bakit ba wala ka parin?" Kahit di sila magkaharap ay nakikinita nya itong nakalabi ngayon. Ang totoo hindi naman nya nalimutan dahil pinaalala pa ni Nica sa kanya bago siya umalis kagabi. Yun lang ay kailangan muna talaga nyang makahanap ng trabaho. At isa pa, she can't face Mason lalo na pagkatapos ng huli silang mag usap. "Ahh.. hehe beshie sorry na. Babawi nalang ako sayo, kasi need ko muna makahanap ng work. Alam mo naman na sitwasyon ni Papa diba?" Masuyong paliwanag nya. Hindi sumagot ang nasa kabilang linya that made her feel uneasy. "Uyy.. Wag ka naman magalit oh..." Nalulungkot na pakiusap nya. Beshie ikaw nalang meron ako please lang sana intindihin mo ako... "Come here Tiffany and I'll hire you. Take my wife's place." Nagulat sya ng boses ng lalaki ang sumagot. "S-sir Lee?" Nakaawang pa ang bibig na sagot nya. "Oo beshie sya nga. Wag ka na magdalawang isip kasi umoo na sya." Si Nica. Nakagat ni Tiff ang ibabang labi nya ng marinig ang sabi ng kanyang kaibigan. Kung sa LeeMaz talagang malaki ang pasahod at baka nga hindi na nila kailangan pa maghirap pa sa pang gastos sa ospital para sa tatay nya. Pero si Mason... "Don't worry di mo makikita si Mason doon dahil sa Korea din naman ang base nya. Pinapatigil na rin kasi ako ni Lee sa work kasi gusto na nyang sundan namin si Lhea." Dugtong ni Nica na bigla syang napangiti. Hindi dahil sa hindi nya makikita si Mason pero dahil sa katotohanang hindi sya makakapag lihim dito. "Shh. Ikaw talaga. Hindi naman yun ang iniisip ko nakakahiya lang kasi. Tsaka ienjoy nyo nalang ang honeymoon nyo. Panira lang ako dyan." For sure di naman pupunta si Mason dyan. Dugtong nya sa kanyang sarili. "Actually nandito si Mason. So dalawa kayong iistorbo samin. Nandito din naman ang mga pinsan nila." Napangiti sya bigla sa tinuran ng kaibigan and she don't know why she felt excited about it. "Beshie, New York to Port Miami is an 18 hours journey. 3hrs by plane. I can't really go there anymore." Nalungkot bigla si Tiff ng maisip yon. "Beshie its fine, we have 4 more hours bago sumakay sa Azamara. We can wait for you." Sabi ni Nica na ayaw sumuko kay Tiffany. "Besh its not that easy to book a flight this days you know?" Sabi nya. "Yeah I know. Kaya nga di ka mag bubook ng flight here. You'll ride Mason's private plane." Sabi ng kaibigan nya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Muling nabuhayan ang kanyang loob. Grabe nga naman sinong hindi mangangarap na makasakay sa Azamara Club Cruises? It is known to be a Premium-Luxury Cruise Line na tanging mga bilyonaryo lamang ang kayang magbook doon. "Wag ka ng umangal kasi nag usap na sila ng asawa ko, di mo na rin need ng damit beshie kasi namili ako kasama ka sa pinamili ko so everything is set here. See ya!" "Wait lang besh, where can I find the plane?" Tanong nya sa kaibigan. "Now we're talking." Sabi ni Nica sounded satisfied with what she heard from her friend. "You go to Le Bernardine and Williard will meet you there. Kasama kasi silang dalawa ni Steep so sasabay ka kay Williard since steep is here na rin." Sumunod si Tiffany sa instructions sakanya ni Nica at pumunta s sinabi nitong restaurant since malapit lang naman iyon sa kung nasaan sya. Halos lumuwa ang mga mata ni Tiff ng papasukin sya ni Williard sa Private plane ni Mason. Agad agad syang umupo sa sofa na naroon. Ahhh.. So comfy. Isinandal nya kaagad ang kanyang ulo sa malambot na foam nito. "Miss Co, do you want to eat anything?" Tanong ng isang babaeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Tila nagulat sya at hiyang hiya na nag ayos ng upo.   "Aw. Ahh. No. Thanks anyway." Wika nya ng hindi tumitingin sa mata ng babae. "By the way my name is Shynette and I'm your personal flight attendant for today." Wika nito at saka magalang na tumungo sakanya. "Just dial 1 from the phone over here so if you need anything." Turo nito sa telepono sa may mesita sa gilid nya. Tumango lang sya dito. "I'll be at the attendants cabin then, please make yourself comfortable." Sabi ulit nito sakanya at saka na umalis. Isinandal ulit ni Tiffany ang kanyang ulo sa sofa. Maya maya ay ang gwapong mukha na ni Will ang naka harang sa mukha nya na may hawak na champagne flute at alak. " "You want?" Alok nito sakanya ng alak. Kahit istorbo ka dahil gwapo ka d kita susungitan. Umayos ulit sya ng upo at saka tinapik ang sofa sa kanyang tabi at doon naman umupo si Williard at saka ibinigay sakanya ang flute at binuhusan iyon ng alak. "How long have you been working for Mason?" Wala sa sariling natanong nya kay Williard. Ngumiti lang ito at saka uminom ng alak, "Just last year. We're friends, met him at Joe's Pub 5 years ago." Uminom ulit ito ng alak, at ginaya naman nya. Wow tapang nitong binigay niya ah. Sharap.. Agad na namula si Tiffany sa alak nya. "That was the time that Lee had an accident. Since then we always meet at that dance club. Every week meeting girls, and doing you know." Tumango tango lang sya alam naman nya ang ibig sabihin ni Williard dahil noon pa lang alam na nyang hindi matino si Mason. Mismong si Nica nga pinag nasaan nya. Naalala nya tuloy ang masayahing Mason. Nasaan na ba yon. Tinungga nya ng bottoms up ang alak nya. At iniabot kay Williard. Nilagyan naman niyon ng laman ang kanyang flute. "I know he's such a jerk. You and all boys are such jerks, you play with people's feelings." Aniya at saka biglang sininok. Nagkatitigan sila ni Williard at sabay na tumawa. "Your such a funny girl. Kaya pala ganun si Maze sayo." Ani nito na nakatingin sakanya. Maze, such a great nickname. Nagtataka naman sya. Sa bagay hindi yung tipo nya ang ikakama o magugustuhan ni Mason. Hindi nga niyon sinagot ang tanong nya nung gabing kasal ni Nica. Hindi na sya nag salita pa dahil pagtungga nya ulit ng flute nya ay napasandal na sya at nakatulog sa sobrang pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD