Biglang tumahimik ang kampo nina Reyna maging si Venice kasi hindi na makahirit dahil sa katarayan ni Julliene lalo nang pinakialaman pa nito ang kanilang sitting arrangement. Naiinis man sila pero wala na silang magagawa dahil ito ang bida sa kanilang table.
“Pabida talaga sis! “ bulong ni Venice.
“Shhh.. huwag ka na ngang maingay d’yan pahamak ka eh hayaan mo ang bruhang iyan. “ saway naman ni Reyna at pekeng ngumiti ng matalim na tumingin si Julliene.
Nagulat si Harry ng biglang bumalik si Julliene at may kasama pa na magandang babae pero sa tingin n’ya sa restaurant lang din ito nagtatrabaho dahil sa kanyang suot.
“Babe saan ka naman galing at ngayon ka lang bumalik? Kanina ka pa hinahanap ni Macoy, saan ka ba pumunta? “ nag-alalang tanong ni Harry.
“Dyan lang sa bar counter at may nakilala akong bagong kaibigan, gusto ko s’yang ipakilala sa’yo dude. “ ngumiti ng makahulugang si Julliene.
“Aba ang bilis mo naman yata nagkaroon ng kaibigan? Kararating mo lang may kaibigan ka na agad? “ nagtatakang tanong ni Harry.
“Syempre ganyan talaga dude kapag maganda ka at hindi katulad ng iba d’yan nagmamaganda lang. “ sadyang inirapan pa si Reyna.
“Anyways, dude this is my friend Ruiz Mae De Vera she’s the Restaurant Manager and girl this is brother Harry business partner naman si kuya Macoy. “ pakilala ni Julliene para maagaw ang pansin ng lahat.
“Hi it’s nice to meet you, Ruiz. “ nakangiting saad ni Harry at hinalikan pa ang likod ng kanyang kamay.
“Same here Harry I'm glad to meet you and I’m happy as well meeting your sister Julliene. “ matamis nitong ngiti.
Biglang dumaan si Myrah sa kanilang table kaya tinawag muna ito ni Ruiz ipang ipag-utos para kunin ang ipinahanda dessert kay chef Mia at pinadagdagan pa nito para sa mga new guests ng restaurant.
Sumimangot ang mukha ni Reyna dahil alam niyang para sa kanya ang patama ni Julliene pero nagtitimpi lang ito dahil ayaw niya ng g**o. Ginamit pa nito ang kanilang Manager para makuha lang ang attention ni Harry. Kaya hinayaan na lamang n’ya ito at nagpatuloy na lamang ito sa pag-inom ng kanyang drinks. Medyo tipsy nang kunti si Reyna kaya umariba na ang kanyang kakulitan.
Naging masaya na kulitan nina Reyna at Venice kaya sinabayan na ito ng kwentuhan at tawanan nina Harry, Macoy at Venice ang nangyari habang hinihintay ang next set ni Mary Ann.
“Sir Macoy marunong ka po bang kumanta? “ tanong ni Reyna.
“Ahmmm. Kunti lang Reyna, bakit mo naman natanong? “
“Sir Macoy pwede po bang magrequest? Kantahin n’yo naman po iyong favorite song ko na "I’ll be there by Martin Nievera" please po.. “ nagpa-cute pa si Reyna.
“Ano ka ba Reyna, nakakahiya ka kay sir Macoy? Pasensya na po kayo sa kanya sir medyo tipsy na eh. “ nahihiyang sambit ni Mary Ann.
“Don't worry medyo alam ko naman ang kantang iyan at dahil special request ito ni Reyna kakantahin ko iyan mamaya. “ kumindat pa si Macoy sa kanya kaya mas lalong lumukso sa tuwa ang kanyang puso.
“Be my special guest for tonight sir Macoy. Sa next set ikaw na ang kakanta para mas masaya. “ excited na sagot naman ni Mary Ann.
Pero bago pa sila tuluyang magsaya binasag na naman ni Julliene ang kanilang kasiyahan at si Harry naman ang kanyang pinupunterya para asarin lang si Reyna kaya pinagtulakan na n’yang pumunta sa stage si Mary Ann para pakantahin na si Macoy.
Muling tinawag si Mary Ann ng host para sa kanyang second set. Malakas ang applause mula sa audience.
“Good evening everyone, before we start in our second set please allow me to say thank you especially to my bestfriends Reyna Egam, sissy I know you love me, so I’m very thankful for your full support. “ naiiyak n’yang sabi. “And Venice Santiago, my greatest rival ever. Sis I’m also proud of you and I’m happy that the two of you became part of my life. “ a little sob but still continued for her speech.
“I’m sorry everyone for being emotional but anyways help me introduce my special guest for tonight. He’s one of the business tycoon in the Philippines, hot and gorgeous hunks. “ biglang tumili si Venice sa sobrang excitement.
“Ahhh.. totoo iyan sis! “ sigaw ni Venice.
“And no other Mr. Macoy Delos Reyes. “ applause from the audience again at umakyat na sa stage si Macoy.
“Thank you for a perfect introduction, Mary Ann. Am I really that hot and gorgeous? “ nakangiting tumingin si Macoy kay Mary Ann na nakatulala lang sa kanyang tabi.
“Of course sir Macoy. Di ba guyys?? “ sigaw naman ni Mary Ann sa audience.
“Well, this song is for you sweetie, Reyna as for your special request. “ he smiled before he started singing the song “I’ll be there” .
[Macoy ??]
When you wake up each mornin'
And you feel like callin'
I'll be there for you
When the road seems uncertain
And you can't stop the hurtin'
I'll be there for you
When there's no one beside you
I'll be there to guide you
Catch you each time you fall
When the stars won't shine anymore
I'll be there
When the world is unkind
And your dreams they need more time
I'll be there for you
If the rules they keep breakin'
And the future is fadin'
I'll be there for you
The rainbow will end in the palm of your hand
Don't ever let it go
When the stars won't shine anymore
I'll be there..
Nag-pause saglit si Macoy. “ I need someone to sing with me here at the stage. “ Biglang tumili si Venice at kumaway kaya lumapit agad si Macoy sa kanya. Kinuha n’ya ito at hinila sa gitna ng stage.
Nagngitngit sa inis si Reyna dahil nautakan na naman siya ni Venice. Dahil sa sobrang inid hindi na n’ya napansin si Harry na nakatabi na pala ito sa kanya at nakatitig pa kaya ng biglang lingon n’ya nahuli niyang titig na titig ito sa kanya.
“Harry! May problema ka ba? Bakit ganyan ka makatingin sa akin? “ kunot-noong tanong ni Reyna.
“Wala naman nakakatawa lang ang haba ng nguso mo d’yan eh. “ nakatawang saad ni Harry.
“Nakakainis ka na Harry. “ sabay batok nito sa kanya pero tinawanan lang s’ya. Hindi nalang n’ya pinansin si Harry at naging focus na sa pakikinig ng kanta ni Macoy habang katabi nito ang baklitang si Venice.
[Macoy ??]
Who knows where we'll go
What will tomorrow bring
But we have each other
Just hold on tight
We can touch the skies and fly
I'll be there for you
I'll be there for you
The rainbow will end in the palm of your hand
Don't ever let it go
When the stars won't shine anymore
I'll be there..
I’ll be there..
“Thank you Venice and to all of you especially to you sweetie Reyna. “ he smiled and continued singing.
[Macoy ??]
The rainbow will end in the palm of your hand
Don't ever let it go
When the stars won't shine anymore
I'll be there..
I'll be there..
“That was a very special song ftom our special guest Mr . Macoy Delos Reyes! Thank you sir Macoy for jammin’ with us. “ lumapit si Macoy kay Mary Ann at hinalikan pa ito sa pisngi na bigla pa s’yang nag-blush. “
“Sir Macoy, thank at hinaharanahan mo pa ako kaya umuusok tuloy ang ilong ni sweetie Reyna.” mapang-asar na tawa ni Venice.
Sa sobrang asar ni Reyna hindi n’ya namalayan na nawala ang attention ni Harry sa kanya kaya nabitiwan na n’ya ang kamay nito dahil biglang hinila ang upuan para makalapit uli kay Ruiz. Iniwan muna ni Julliene si Ruiz sa kanyang kapatid para mag-order ng additional food and drinks. Tuluyan ng nakuha ni Myrah ang buong attention ni Harry kaya naging totally out of place na si Reyna.
Labis na nasaktan si Reyna dahil s’ya ang ka-date ni Harry pero heto ang loko nag-eenjoy sa company ni Ruiz kaya tumayo nalang si Reyna at agad dinampot ang kanyang pouch sa mesa. Kung kailan paalis na si Reyna tsaka lang s’ya napansin ni Harry.
“Saan ka pupunta Reyna? “ takang tanong ni Harry.
“Pupunta lang ako sa cr pakisabi nalang ky Venice at Mary Ann kapag hinahanap ako. “ tipid nitong sagot at agad na umalis. Nakatingin lang sa kanya si Ruiz habang busy pa rin sa pakikipag-usap kay Harry. Nadaanan lang din n’ya si Julliene sa bar counter pero parehong deadma lang sa isa't.isa at nagtuloy na agad sa cr.
Pagpasok ng cr doon n’ya ibinuhos ang lahat ng galit n’ya para ky Julliene at inis naman para kay Harry na ang bilis siyang nakalimutan ng makita lang si Ruiz. Tapos na s’yang mag-emote kaya agad nag.ayos at nagpaganda sa sarili. Naging kalmado na siya paglabas nya ng cr.
Pero laking gulat noya dahil ito lang naman ang nakita n’yang eksena between Harry and Ruiz. Ang saya nilang tignan, nagtatawanan habang nagkukwentuhan, malagkit ang bawat titig ni Harry kaya tuluyan ng nilamon si Reyna sa kanyang selos at inggit kay Ruiz. Kaya pumasok uli siya ng cr at doon n’ya ibinuhos muli ang luhang pinigilan dahil sa sobrang sakit at sama ng loob.