"THIS is your third attempt to poison me this month but you still failed." Bumuntong hininga ang lalaki habang hinihilot ang sentido dala ng stress. "What the hell, Eira? How are you gonna kill me sucessfully if you kept on tasting the poisoned wine first before giving it to me?"
Hindi naman nakasagot ang babae dahil kasalukuyan itong nakahiga sa sahig habang hawak-hawak ang leeg na tila ba hindi makahinga. Nagsisimula na rin bumula ang bibig nya kaya natataranta nyang itinuro ang bag na nahulog nya kanina matapos syang madali ng sarili nyang lason.
Walang nagawa si Koen kundi ang damputin ang bag na itinuturo nito. Binuksan nya iyon at hinanap ang antidote para sa lason na ginamit nito. Agad na nangunot ang noo ni Koen ng makuha ang malaking injection na may label na 'Antidoteee :*' doon at naglalaman ng kakaibang likido.
Nagpakawala sya ulit ng malalim na hininga tsaka nilapitan ang babaeng nawalan na ng malay. Pangatlong beses na nyang gagawin 'to kaya alam na alam na nya kung saan ituturok ang antidote.
Bakit nga ba pangatlo na? Eh sino ba namang assassin ang titikman muna ang nilason na pagkain o inumin bago ibigay sa target? Si Eira. Sya lang at wala ng iba.
Lumipas muna ang ilang minuto bago nagmulat ng mata si Eira tsaka naghahabol ng hiningang bumangon. Hawak pa rin nito ang leeg habang malakas na umuubo.
"Wow. Muntik na ako doon ah." Tumingala sya kay Koen na nakasimangot at matalim ang tingin sa kanya. "Bakit kasi ang tagal mong umuwi? Kasalanan mo 'to eh."
Ramdam ni Koen ang pagtibok ng ugat nya sa noo at leeg dala ng inis. Ang kapal naman kasi ng mukha ng babaeng 'to para sisihin sya sa sarili nitong katangahan.
"Bakit mo kasi tinikman yung wine kung nilagyan mo na pala ng lason?"
Ngumuso ang babae tsaka nag-isip saglit. Maya-maya pa ay ngumiwi ito.
"Hindi ko maalala kung bakit eh." Pumalatak ito. "Ah, bakit ba naman kasi mukhang masasarap yung mga pagkain at wine mo dito? Alam mo, kasalanan mo talaga 'to eh."
Gustong sabunutan ni Koen ang sarili nya dahil hindi nya maunawaan kung anong naisipan ng mga kalaban nya at itong babaeng ito pa ang inatasan para patayin sya. Wala ba silang budget para kumuha ng nakakatakot at epektibong assasin na madaling makakapatay sa kanya? Bakit sa dinami-rami ng assassin na pwedeng kunin, eh ito pang mas bobo pa kay Patrick Star?
Sa asar nya ay hinugot nito ang panyo mula sa likurang bulsa ng slacks nya tsaka ibinato sa mukha ni Eira. Wala syang pakialam kahit na na-shoot sa nakangangang bunganga ng babae ang panyo na ikinasamid nito. Dumiretso sya sa kama tsaka nagsimulang maghubad ng sapatos.
"Hoy! Koen! Papatayin mo ba 'ko?" Reklamo ni Eira habang papalapit sa kanya, bitbit ang panyong na-shoot sa bibig nya.
"No." Saad nya bago ngumiwi. "Kung may papatay man sayo dito, walang iba kundi ikaw lang rin 'yon."
Kumunot ang noo ng babae habang bahagyang nakaawang ang labi. Hindi nya naunawaan yung ibig sabihin ng sinabi ni Koen, dahilan para muli na namang bumuntong hininga ang lalaki bago padabog na binawi sa babae ang panyo.
"When are you gonna kill me again?" Kaswal na tanong nya.
Hinila nya palapit ang babae sa kanya at pinaupo ito sa hita nya. Hinawakan ni Koen ang baba nito bago nya sinimulang punasan ang labi nitong may foam-foam pa ng laway dahil sa pagkakalason kanina.
"Hmn... Kailan ka ba hindi busy ulit?"
"My schedule is packed this week. We're preparing for a big business event for next monday."
Pinag-ekis ni Eira ang dalawang braso sa harap ng dibdib nya na parang batang nagtatampo. Sinabayan nya kasi yon ng pagnguso at pagkunot ng noo.
"Ano ba yan, bakit ba ang dami nyong business-business event na 'yan?" Tumaas ang kilay nito. "Paano kita papatayin nyan? Tulungan mo nga akong mag-isip."
Koen clicked his tongue. Hindi sya makapaniwala sa tanong nito. Talagang sya pa ang tinanong nito? Ano bang malay nya, eh sya 'tong target.
"They didn't taught you anything else aside from poisoning your target?"
"Tinuruan!"
"Oh, ayun naman pala." Hinawi nya papunta sa likod ng tenga ng babae ang iilang hibla ng buhok na dumikit sa pisngi nito. "Why don't you try to jog your memory so that you can think of a new way on how to kill me next week?"
She tilted her head, confused again by Koen's words.
"Naja-jog ang memory, Koen? Paano yun? Saan ko pwedeng i-jogging yung memory ko?"
Dismayadong napahilamos ng mukha si Koen gamit ang sariling palad.
"Just snipe me next monday, Eira. There's plenty of tall buildings around the venue that you can use. Just snipe me, okay?"
Nagliwanag ang mata ni Eira sa narinig kaya napapalakpak ito. Nakatitig lang naman si Koen sa kanya.
"Okay! Lilinisin ko mamaya yung McMillan TAC-50 ko, yun yung gagamitin ko sayo." Lumitaw ang napakagandang ngiti ni Eira bago pinisil ang magkabilang pisngi ni Koen. "Humanda ka, Koen. Patay ka talaga sa'kin next week."
Koen rolled his eyes. Ayaw na nyang umasa pa. He's been hearing the same 'threat' from Eira since last month and here he is, still alive and busy kicking his enemies asses. Kung may mamamatay man next week, it's either one of his guards na aksidenteng matatamaan ng bala ng sniper rifle ni Eira dahil sa ka-clumsy-han nito or baka si Eira mismo ang mauna sa kanya dahil mas malaki ang tsansang matalisod ito habang papaakyat ng rooftop or mahulog sa building kung saan ito pi-pwesto.
Kung bakit ba naman sa dinami-rami ng assassin sa mundo ay ito pang si Eira, na syang tinaguriang 'worst assassin', ang napunta sa kanya? Ang kunsumisyon at stress pa yata mula sa pag-aalala sa babaeng 'to ang makapapatay sa kanya eh.