"SIGURADONG wala na syang takas ngayon." Bulong ni Eira habang dahan-dahang inaakyat ang pader na patungo sa kwarto ni Koen gamit ang lubid at safety harness na suot nya.
Nakasukbit ang paborito nyang baril sa gun pocket na nakakabit sa safety harness nya, ganon na rin ang iilang klase ng kutsilyo sa gilid ng bewang nya. Mabagal at maingat ang pag-akyat nya sa pader dahil nasa ikalawang palapag ng mansyon ang kwarto ni Koen.
Dalawang araw ang pinalipas ni Eira bago sya nagpasyang bumalik sa mansyon ni Koen para tuluyan itong patayin. Pinag-isipan nyang mabuti kung paano nya ito tatapusin, sa sobrang ganda ng plano nya ay inabot sya ng dalawang araw sa pag-iisip. Pinaghandaan nya ng mabuti ang plano nyang pagpuslit kaya naisipan nya na lang na akyatin ang pader nito.
Sobrang abala sya sa pag-iisip kung anong magiging reaksyon ni Koen kapag nakita sya nito. Malamang ay magugulat ito sa kanya at matatakot, baka nga lumuhod pa ito at magmakaawa. Aba, may konting inis na syang nararamdaman para kay Koen ah. Hinagisan ba naman sya nito sa mukha ng lilibuhin na nakatali ng goma para tantanan nya raw ito? Grabe lang, walang konsensya. Ano ba naman ang one hundred pesos na hinihingi nya pang-motor taxi lang?
Napangiti sya ng makitang bukas ang bintana nito at may mahinang ilaw na nanggagaling sa bedside lamp.
"Humanda ka sa'kin, Koen."
Sa labis na pagkasabik nya sa plano ay ni hindi man lang nya naramdaman na may sumusunod sa kanya na kapwa assassin. Nakakapit rin ito sa parehong lubid na gamit nya at marahang umaakyat.
Lumitaw ang malisyosong ngisi ng lalaking assassin na nakasuot ng purong itim habang nakatingin kay Eira.
"Good thing na sinundan ko ang tanga-tangang si Eira." Bulong nito habang humahagikgik. "Kung sakaling pumalpak na naman sya sa pagpatay kay Koen, ako ang tatapos ng trabaho nya at isasama ko na rin sya."
Nagpatuloy sa pag-akyat ang walang malay na si Eira, hanggang sa marating nito ang bintana. Ngiting-ngiti syang sumampa doon at walang kahirap-hirap na pumasok. Abala pa rin sa paglutang ang isip nya kaya hanggang ngayon ay hindi nya pa rin napapansin ang assassin na nakasunod sa kanya. Maski si Koen na syang mismong target nya ay hindi nya namalayang nakatingin na sa kanya.
He's sitting comfortably on his bed, holding a thick romance novel book as his back is resting on the soft headboard and currently wearing his reading glasses. Suot ang pares ng navy blue silk pajama habang ang buhok ay medyo magulo dala ng hindi nya pagsuklay doon pagkatapos maligo. Koen had to blink twice just to make sure that he's seeing Eira entering his room by the window—which is on the second floor of his mansion.
"What the f**k is she doing...?" Bulong ni Koen.
Pinagmasdan nya si Eira na humuhuni-huni habang hinuhubad ang harness na suot. Akmang huhugutin na ng dalaga ang baril na bitbit ng may maalala ito.
"Ay wait, sabi ni sir Jay dapat hindi nag-iiwan ng bakas ang isang magaling na assassin." Tumango-tango pa sya bago hinugot ang maliit na patalim tsaka sinimulang putulin ang lubig. "Putulin ko muna 'to tapos tsaka ko na lang kukunin yung tali mamaya bago umuwi."
Walang kahirap-hirap nyang naputol ang lubid na ginamit nya, ngunit pagkatapos 'non ay nakarinig sya ng malakas na sigaw sa labas kaya dali-dali syang sumilip sa bintana.
There, she saw the other assassin who tailed her and supposedly gonna kill her. Nahulog ang lalaki na ngayo'y duguan at wala ng buhay na nakahandusay sa labas.
"Ay, hala!" She exclaimed. Nagsimula nyang kagatin ang kuko sa hinlalaki dala ng kaba at nerbyos. "Patay na sya..."
"What the f**k did I just witnessed?" Hindi napigilang komento ni Koen.
Nataranta lalo si Eira at agad na hinugot ang baril tsaka itinutok sa binata. Koen didn't even flinched and just raised an eyebrow, genuinely confused about what he just witnessed seconds ago.
"H'wag kang gagalaw! Ano, babarilin na kita!" She said as her hands starts to tremble.
Koen pursed his lips and put his eyeglasses on top of his head. "Seriously?"
Nagsimulang mamasa ang mga sulok ng mata ni Eira. Hindi naman parte ng plano nya ang makapatay ng kapwa nya assassin. Sino ba kasi 'yon? Malay ba nyang may nakikigamit ng lubid nya? Tsaka bakit hindi man lang natatakot ang lalaki sa kanya? Hindi ba sya nakikita nito bilang assassin?
Napansin ni Koen ang pamumula ng ilong at pisngi ni Eira, kitang-kita nya rin kung paano gumalaw ang ilong nito para suminghot tsaka ang pagsisimula ng pagtulo ng luha nito. Sunod-sunod syang napalunok.
'Why the hell is she crying?' Tanong nya sa sarili nya habang nalilitong nakatingin kay Eira.
"Ikaw kasi eh!" Biglang saad nito tsaka nagsimulang pumalahaw ng iyak.
"What—I didn't even do anything!?" Depensa ni Koen tsaka sarkastikong ngumiwi. "Ako ba 'tong pumutol ng lubid? I didn't even move an inch."
Matapos sabihin yon ay mas lumakas ang iyak ni Eira. She even dropped the gun to the floor and just stood there crying like a lost child.
Koen was caught off guard by Eira's unexpected action. She acts like a freaking child, he swears that he's seeing a clumsy and helpless little girl instead of a professional assassin. Sino bang kumuha dito para patayin sya? Whoever hired Eira as his assassin, that person is as foolish as this woman.
Mukhang matagal-tagal pa bago tatahan ang babae kaya naman malalim ang paghingang bumangon si Koen mula sa kama. Ibinaba nya ang libro at nagsuot muna ng slipper bago halos kaladkarin na ang sariling naglakad palapit kay Eira.
"What are you even crying for?" Tanong nito ng makalapit. Ginamit nya ang manggas ng pantulog nya para punasan ang luha nito. "Tumahan ka na. Para kang bata."
"Eh hindi ko naman kilala 'yun eh..." Mahinang sagot nito na muling nagpataas ng kilay ni Koen.
"Oh, eh hindi mo naman pala kilala. Bakit iniiyakan mo? You're really weird."
Sumisinghot na pinunasan ni Eira yung sipon nya gamit ang laylayan ng sariling damit. Koen grimaced out of disgust when he saw the slimy snot on Eira's shirt after wiping it from her nose.
"Sira na yung plano ko." Ngumuso ito habang nakayuko at ang mga kamay ay naglulumikot. "Aakyat ako dapat eh tapos babarilin agad kita ng 'di mo alam. Bagong bili pa naman yung silencer ko."
He heaved a deep sigh, bagay na napapadalas nyang gawin dahil sa babaeng kaharap nya. Yumuko sya para damputin ang baril na may silencer mula sa sahig tsaka iniabot kay Eira.
"Then just finish the job. Problem solved."
Lalong nanulis ang nguso ni Eira pagkakuha ng baril mula sa kamay ni Koen. "Pero... pero paano na yung patay sa labas?"
"Ano pang gagawin natin eh patay na nga." Koen rolled his eyes and took her hand with the gun to point it directly to his chest. "Pull the trigger. After killing me, I'll go straight to hell then I'll look for that man's soul. Then sasabihin ko na hindi mo sinasadyang ihulog sya."
Eira went silent for a minute. Medyo hindi na-gets agad ang gustong sabihin ni Koen kaya naman nakasimangot ang lalaking nakatitig sa kanya. Maya-maya pa ay tumabingi ang ulo ng dalaga.
"Ang kaso lang, pagagalitan ako ng mga supervisor ko."
"Why? Because you killed another assassin?"
"Hindi. Magagalit sila kasi wala sa budget nila yung additional na bangkay. Mahal kasi maningil yung mga Cleaners." Anya na nagsisimula na naman mangilid ang luha kaya inagapan agad ni Koen na punasan 'yon.
He frowned. "What 'Cleaners'?"
"Yung mga taga-linis. Yung mga nagdi-dispose ng bangkay tapos naglilinis ng lugar kung saan sila namatay tapos babayaran mo sila. Mabilis kasi sila magtrabaho tsaka pulido, tapos literal na tahimik sila kaya mahal yung charge nila per dead body." Kumurap-kurap ang dalagita. "Hala, hindi mo alam yung tungkol sa Cleaners?"
"No. I never heard them." Iling ni Koen bago muling hinawakan ang kamay ni Eira. "Anyway, don't mind the charge about the dead body outside. You can charge it to me. Tapusin mo na lang ang trabaho mo at umuwi ka na."
"Okie..."
Humigpit ang hawak ni Eira sa baril na nakadikit na sa mismong dibdib ni Koen. Nag-angat sya ng tingin sa lalaki na seryosong sinalubong ang tingin nya.
Bakit ba hindi man lang tinatablan ng takot ang lalaki? Hindi ba ito takot mamatay? Sobrang bait naman nya at gusto na nya agad isauli yung buhay na ipinahiram lang sa kanya. Gwapo naman ito ah, wala ba itong maiiwan na pamilya kung sakali?
Umiling-iling si Eira tsaka nag-focus. Bakit ba parang naaawa sya sa lalaki? Eh target nya nga ito eh. Malaki ang pabuya kapag napatay nya si Koen Moretti kaya dapat lang na tapusin nya ito.
Mariin syang pumikit tsaka nagbilang sa isip bago kinalabit ang gatilyo. Ngunit agad rin syang napadilat ng hindi iyon pumutok.
"Bakit hindi pumutok?" Takang tanong nya tsaka sinilip ang nguso ng baril na mabilis na inagaw ni Koen.
"Don't hold it like that, stupid! You might misfire and kill yourself instead." Pumalatak ito tsaka ibinaba ang safety lever ng baril. "Guns like these have safety manual lever, you need to pull this mini lever down first before firing the gun. It was made for safety purposes, specifically to avoid misfire accidents."
"Ah, okay-okay."
Ibinalik ni Koen sa kanya ang baril na agad naman nyang itinutok sa dibdib nito. Hindi na sya pumikit pero muli syang nagbilang sa isip nya tsaka walang pag-aalinlangang kinalabit muli ang gatilyo.
Ngunit wala pa ring lumabas na bala sa baril kaya sabay na nangunot ang noo nila habang chine-check ito.
"The hell? Saan mo ba binili 'to?" Si Koen habang ini-examina ang baril.
"Bigay ng supervisors namin yan. Okay naman yan kahapon ng gamitin ko eh."
"You used it yesterday?" Nauwi sa ismid ang labi ni Koen ng tumango si Eira. "I see. Looks like it's empty, that's why it's not firing."
Hinablot ni Koen ang extrang bullet magazine na nasa bewang ni Eira at sya na rin mismo ang naglagay 'non sa baril.
"Why does it feel like I'm doing your job?" Bulong nya.
"Ha? Ano?"
"Nothing." Sa pangatlong pagkakataon ay ibinalik ni Koen ang baril kay Eira tsaka muling itinutok sa sarili. "Okay, do it now. End it."
Hindi na nagbilang pa si Eira dahil maski sya ay naiinip na rin sa paulit-ulit na aberya. Diretso na nyang kinalabit ang gatilyo.
Koen bit his lip, waiting for the silent gunshot and the pain that the bullet will caused once it is buried to his chest. However, nothing happened for the third time. Wala rin syang naramdamang sakit o kahit na ano kaya asar syang dumilat tsaka nameywang sa inis.
Namumula naman sa kahihiyan ang mukha ni Eira, nagsimula na rin syang pagpawisan ng malamig.
"Are you gonna kill me or not?"
Tarantang tinuktok ni Eira ang baril. "Eto na nga eh! Huhu, bakit ba kasi hindi sya naputok?"
"It's probably defective." Nababagot na sagot ni Koen na sinundan pa ng pagpalatak. "Is it your employer that's broke or is it your whole assassin organization?"
"Uy hindi! Mayaman yung organization namin ah!"
"Then why is your firearm not engaging!?" Singhal nito.
"Hindi ko ngani alam!" Tumaas na rin ang boses ni Eira habang tinataktak ang baril tsaka winasi-wasiwas. "Brand new 'to eh, ako pa nga nag-unboxing—"
Nahinto sa pagsasalita si Eira ng biglang pumutok ang baril sa hindi malamang dahilan. Sabay silang nanigas sa kinatatayuan dala ng gulat, pero hindi ang biglaang pagputok ng baril ang ikinagulat nila kundi ang malakas na pagbagsak ng kung anong mabigat na bagay mula sa labas ng pinto ng kwarto.
Nagpalitan muna sila ng tingin bago magkasabay na nilingon ang direksyon ng pinto. Bumaba ang tingin nila sa dugong umaagos sa ilalim ng pinto na mukhang nanggagaling sa taong tinamaan ng 'ligaw na bala' ni Eira.
Eira pouted while Koen sighed again. Mas malalim kaysa sa unang buntong hininga nya kanina. Namulsa ang kamay nya sa suot na pajama habang ang kanang kamay ay pumatong sa ulo ni Eira at marahang ginulo ang buhok nito.
"Do those Cleaners accept cash or cards?"