Chapter 2

1054 Words
Malakas na tunog ng bell ng school na tila nagsasabing dapat ay nasa loob ka na ng room, dahil oras na ng klase. Nanlaki ang mata ni Keizha nang marinig ito. “No, I’m late! First day of school late ako, hindi puwede ‘to!” sigaw niya dahil nasa gate pa lang siya at medyo malayo pa ang  building ng classroom niya. Hinihingal niyang narating ang tapat ng room.Buti na lang bago pa man magpasukan ay alam na niya kung saan dapat ang room niya. Nagdadalawang isip siya ngayon kung bubuksan ba ang pinto, baka kasi mapahiya siya at pagtawanan dahil late siya. Pikit mata na sana niyang bubuksan ito ng may magsalita sa tabi niya. “Hi! Dito ka rin? Naku! Mukhang pareho tayong late! Lagot tayo nito.” Nakangiting sabi nito kay Keizha. Paglingon dito ni Keizha ay nakita niya ang isang cute na babae, kuntodo itong nakangiti sa kanya. “Oo eh!” Nahihiya niyang sagot dito. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Ang ine-expect niyang may guro na ay hindi iyon ang nangyayari, dahil ang lahat ay nagkukuwentuhan at ang iba ay may nakasalpak na earphone sa tainga. Ang iba nagpapayabangan sa bago nilang accessories at kung ano pa na pwedeng ipagyabang. “Haist!  Wala na talaga silang pinagbago.” Nasa sa loob niya. Karamihan kasi sa mga ito ay mga kaklase rin niya noong nakaraang taon. Kinalabit siya ng babaeng nakasabay niya sa pinto. “Mukhang ‘di pa naman tayo late dahil wala pang teacher.” Nakangiting sabi nito sa kanya. “Oo nga, swerte natin! Hahaha! Mukhang bago ka lang dito.” Nakangiting sambit ni Keizha. “Oo, transfer ako from other school. I’m Alliyah by the way.” Nakangiting pakilala nito. “Ah! Kaya pala ‘di kita namumukhaan. Ako naman pala si Keizha! Sana maging friend tayo.” nakangiting sabi ni Keizha sabay lahad ng palad dito. “Waaaah! Sure, sure! Magkakaroon ako ng magandang friend, yes!” tuwang sabi nito at tinanggap ang paglahad ng palad ni Keizha. “Ako maganda?” tila ayaw maniwalang tanong ni Keizha.  “Hmmmp! Pa-humble ka huh?” tudyong sabi nito.  “Tara na nga at umupo na tayo, kung anu-ano pang pinagsasabi mo.” natatawa niyang sabi dito.  “Pssst!” Sitsit sa kanya ng lalaking tinabihan niya. Nanlaki ang mata niya. “Elay, my alalay! Hahaha! Buti nandito ka pa rin? Akala ko umuwi na kayo sa states at titira na doon for good?” tuwang sabi niya dito at niyakap ito. Di niya ini- expect na dito pa rin ito mag-aaral, balita kasi niya ay magmamamigrate ito sa U.S.  “Ayokong sumama baka mabuking ako nila mommy at daddy. Naku! Bugbog ako for sure.” mahinang bulong nito sa kanya. Sa kabila kasi ng pagiging gwapo nito at matikas na katawan ay may lihim ito na tanging sila lang dalawa nakakaalam. Isa itong darna pag gabi. Nabuking niya ito ng makitang tumititig ng larawan ng mga hubong lalaki. “Bakla ka!” sigaw niya dito. “Pssst! Wag kang maingay! Sasabunutan kita!” nanggigil na sabi nito sa kanyang pabulong. Kinalabit naman siya ni Alliyah.  “Ang gwapo naman niya! Sino siya?” tila kinikilig na tanong ni Alliyah.  “Ah bestfriend ko nga pala si Elijah.” Pinakilala niya ang dalawa sa isat-isa. Mukhang tinamaan si Alliyah kay Ellijah. Napatirik naman ng mata ang bakla nang palihim ng makatunog ito. Totoo naman kasing napakaguwapo ni Ellijah at maganda rin ang hubog ng katawan. Mababakas ang muscle sa braso nito at kung itataas ang damit ay may abs din. Way niya rin kasi ang pag-ji-gym para makasalamuha ng mga macho at gwapong lalaki. Mayamaya pa ay natigil sila sa paghuhuntahan ng pumasok ang isang matandang lalaki.  “Im one of the deans here! Unfortunately, may nangyaring hindi maganda sa inyong guro. Kaya naman ako muna ang subtitute ngayong araw, ngunit bukas na bukas din ay darating ang bagong nyong guro. Lalaki siya, kaya umayos kayo sa bago ninyong prof dahil istrikto iyon. 'Wag kayong padadala sa itsura niya dahil pag nahuli niya kayong gumagawa ng kalokohan ay matatanggal kayo. Sapagkat hindi lamang siya basta isang professor, kundi siya rin ang may-ari ng eskuwelahan na ito. Nauunawaan ninyo bang lahat?” mahabang paliwanag nito at buong galang naman nilang sinagot. Matapos ang mahabang pagkaklase, break time at klase ulit ay dumating na rin ang oras ng uwian. Pinuntahan niya ang kuya para sana sumabay dito pero sinabi nitong mauna na siya dahil may dalawang subject pa itong papasukan. Malungkot siyang nagpaalam dito. “Shems! Mahabang lakaran na naman ito” buntong hininga niyang sabi sa sarili. Sa lalim ng pag-iisip ay hindi niya napansin ang isang lalaki at bumangga dito.  Paupo siyang napasalampak dahil sa biglaang pangyayari. Ihahanda na sana niya ang sarili para magalit sa kung sinumang bumangga sa kanya, ngunit napatulala na lang siya ng makita kung sino ang taong ito. Dahil ang taong nakabungguan niya ngayon ay ang lalaking nadisgrasya niya ang sasakyan nitong umaga lang. Akmang hahawakan sana siya nito para alalayan ay bigla siyang tumayo at iniiwas ang kamay dito. Naalala pa niya ang muntik na nitong paghalik sa kanya, kaya naman sadya talagang kinakabahan  siya sa presensiya nito. At mukhang nagulat ang lalaki sa naging aksiyon niya. “Baby! Anong nangyari sa iyo?” Sigaw ni Ellijah ng makita ang nangyari at tinakbo ang direksiyon niya. Inalalayan siya nitong tumayo. “Ayos lang ako hon.” Sagot niya dito. “Sure ka baby?” Nag-aalalang tanong ulit nito sa kanya. Call sign nila iyon para ‘di  mahalatang bading ng mga kaeskuwela si Ellijah. Nagpapanggap din silang magjowa para makaiwas si Ellijah sa mga nagpapacute sa kanyang babae. “Sorry..” tanging nasabi ni Keizha sa lalaking nakabungguan at tumalikod na . Hinatak niyang ang nagtatakang si Ellijah. Habang palayo sila ay nakatingin ng mariin sa kanya ang lalaki at matalim ang pagkakatingin sa magkahawak nilang kamay ni eEllijah. “Ang akin ay akin lang! Humanda ka Keizha, sapagkat kapag naging akin ka na ng tuluyan ay hindi ka na maagaw pa ng iba!  Nakangising sabi nito saka tumungong opisina nito. ------------------------------------------------------------------------------------------------------- A/N: Corny na lines. Wahahaha! Ipagpaumanhin na lang po ninyo. Pafollow naman po sa story na ito at sa inyong abang author. Salamat! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD