Huminga ako ng malalim at pinilit na wag isipin ang anumang sinabi ng babae kanina sa lobby. Pero di maiwasan ang pagiging tahimik ko habang lulan ang elevator paakyat sa opisina si Sean. Napatigil ako ng pag iisip ng biglang hawakan ni Sean ang kamay ko. Napapitlag pa ako sa gulat. May narinig pa akong mahinang tili sa likuran namin. Napalunok ako. Okay, he's starting to make PDA. Tiningnan ko ang kamay naming dalawa at inangat ang tingin sa seryoso niyang mukang nakatoon lamang sa harapan na parang walang pakialam sa paligid. "Ang sweet ni Sir Isaac. s**t kainggit." "Sarap magrequest na kung pedeng makipagpalit ng posisyon sa asawa niya." Tapos nag hagikhikan sila. Umiling nalang ako at humawak sa braso ni Sean. He look at me for a second and smile. "s**t!! Kita mo yun? Ngumiti sya

