Alam kong nagsasabi lamang si Miss D kung anong nasa utak niya at hindi ko naman sya pedeng kontrahin lalo na kung alam kong tama naman ito. I admit na ngayon pa lang nasasaktan na ako sa kaisipang di ako ang kilalang ina ng anak ko. Pero may magagawa pa ba ako? "My Labs? Ikaw na ba yan?" salubong sa akin ng isang matangkad na binatilyo habang may hawak na bola. Kumunot ang noo ko sa kanya. Ngumiti ito ng nakaloloko, ngiti palang alam kong siya si Rico. "Rico?" mas lalong lumapad ang ngiti nito. "Bakit ang laki-laki mo na?" di makapaniwalang tanong ko habang sinisipat ang kabuuan nito. Sinong mag aakala na 12 years old pa sya sa tindig niya. "The One and Only." ngumisi ito. "Oo nga pala, sayo yang kotse?" tanong niya habang nakatingin sa nakaparadang sasakyan ko sa harap ng apartment. K

