Hindi ko na pinansin kung anong oras ko nareceived ang tawag ni Sean, dahil inunahan na ako ng saya. Wala atang pagsidlan ng saya ang puso ko nang sabihin niya sa akin, tanggap na ako. I shouldn't be partying this time dahil nararamdaman kong papahirapan niya ako pero wala na ata akong pakialam ngayon dahil konti nalang makikita ko na ang mga anak ko. Maaga akong nagising kinabukasan kahit sunday pa yun dahil magsisimba ako at pagkatapos ang mamimili ng pang opisinang damit. Gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil alam kong sya ang gumawa ng lahat ng ito. Nakasuot ako ngayon ng isang floral sunday dress at flatshoes. Nilugay ko ang mahaba kong buhok at kinulot ang tip nito. Pagkatapos kong magbihis ay tinawagan ko ang dalawang kaibigan ko dahil sabay sabay kaming magsisimba ngayon at magp

