Simula ng mapagtanto ko sa sarili ko ang mga 'What If's", ginagawa ko ang makakaya ko para iwasan si Sean. Palagi akong maagang nagigising at umalis ng bahay ng hindi sya nakakasabay. Tinatawagan niya ako at lagi ko naman ginagawan ng alibi na maraming ginagawa sa school. Nagkataon din na naging busy na din sya sa opisina kaya di niya ako magawang sunduin. Alam kong di normal ang pagiging mag asawa namin kahit alam na ng buong bansa dahil sa simula pa lang ay hindi na naman ito normal. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko bakit lagi daw akong nagmamadaling umuwi at bakit di na ako sinusundo ng asawa ko. Lagi ko namang sinasabi na peak season ngayon at naging abala na sya sa trabaho. Minsan late na din akong umuuwi ng bahay para siguraduhing tulog na sya pagdating ko. Tulad nalang ngayon, n

