Galaxy's P.O.V
"ARAY!! Depunggal ang sakit" I winced. Ang bigat naman ng kamay nito potek.
"Tiisin mo lang. Bat ka kasi nag paka-hero?" Tanong ng hinayupak na lalaki habang ginagamot ang sugat ko sa labi.
"Eh shunga ka ba? Alangan namang pabayaan ko ung babae na marape. Ang swerte naman nung dalawang lalaking yun" inirapan ok ito.
He sighed "Right. It's a crime. But you should just call the police or-"
"Sus andyan nanaman yang pulis na yan. Dumadating lang sila pag tapos na narape ung babae at pag nakatakas na ung mga lalaki." Napanguso ako. Ganun naman kasi ung laging nangyayari eh. Laging nahuhuli ung mga pulis sa aksyon.
"Don't worry I'll make sure na mahuhuli ung gumawa sayo nito" seryoso nitong sabi habang nakatitig sa aking mga labi kaya tinitigan ko rin ung sa kaniya.
"Ang pula ng labi mo noh? Masarap kayang halikan yan?" ngumisi ako.
"Gusto mo i-try" pakikipagsabayan nito sa biro ko.
Gamit ang dalawa kong daliri ay tinulak ko ng dahan-dahan ang kaniyang noo. Masyadong malapit eh, baka mahalikan wala sa oras. Kasuhan pa ako ng ano, ahm s****l assault? Ewan kasi bobo ako sa mga batas.
"Ulol, hindi noh. Anyway highway kumain ka na ba?" pag-iiba ko ng topic
Napa-isip si Poseidon "Hindi pa"
Tumayo si Gal "wait ka lang dito, kukuha lang ako ng pagkain" saka ako umalis at pumuntang kusina.
So ayun nga, sabi niya makikistay daw siya dito sa bahay namin. Eh pumayag naman ako. Wala naman ung dalawa kong kaibigang mas ma-issue pa sa mga Marites. Mahirap na baka kung ano nanaman ang isipin ng mga yun.
At dahil wala na akong time magluto ay kumuha nalang ako ng dalawang malalaking jajangmyeon in a cup. Isa itong korean noodles na may sauce na gawa sa chunjang or ung sweet bean sauce tapos may sliced pork tsaka vegetables. Nang medyo okay na ang noodle ay bumalik na ako sa sala at inabot sa kaniya ang isa.
"Yan lang muna ah. Hindi ako nakaluto eh tsaka sure akong gutom ka na dahil gutom n talaga ako" sabi ko habang mini-mix ang jajangmyeon gamit ang chopsticks.
"Ayos lang" wika ni Poseidon saka ginaya ang ginagawa ko.
Matapos kumain ay biglang akong nagulat nang marinig na may umutot. Syempre alam kong si Poseidon yun dahil hindi naman ako at kami lang ang tao dito. Alangan namang multo.
Lumanghap ako ng hangin at potek pinagsisihan ko yun "Shet ka Tol ang baho" napatawa ako kaso napatigil rin dahil may lumabas na hangin sa butas ng pwet ko. Shuta ang lakas men. Kaso mas malakas ung tawa ni Poseidon potek.
"Mas mabaho ung sayo shet ka-" napatigil siya ng kumulo ang tiyan niya at ganun rin ako.
Iba na at'to potek "Bahal ka na diyan" agad akong tumayo at tumakbo papuntang CR kaya sumunod naman agad si Poseidon. Sapo namin ang aming tiyan habang tumatakbo.
Nang nakarating sa pinakamalapit na CR ay agad akong hinila ni Poseidon palabas ng banyo saka sinarado ang pinto, narinig ko ang pag-lock nito.
"Kingina kang lalaki ka. Bwakinangshet ka, hayop! Ako nauna dyan ka eh!" Inis na sigaw ko habang pinupokpok ang pinto ng banyo. Tumakbo ako paakyat sa second floor saka pumasok sa aking kwarto tapos ay dali-daling pumunta sa banyo at doon ko binuhos ang sama ng aking loob.
.
.
.
.
.
"BAKIT kasi hindi mo tinitignan ang expiration date?" Pagalit ng sabi ni Poseidon.
"Eh sa gutom na ako" napanguso naman ako. Nandito kami ulit sa sala matapos ma-ilabad ang aming mga hinanakit sa loob ng banyo. Nakatayo siya habang ako ay naka-upo sa sofa.
Tumahimik ang paligit at bigla nalang
napatawa si Poseidon. Luh? Pati ata utak niya naapektuhan.
"Kingina Tol ang epic ng mukha mo kanina" pabagsak siyang umupo sa tabi ko.
Napahagikgik ako nang maalala ko ung mga mukha namin kanina "Ulol mas epic ung sayo. Para kang tanga" ung mukha talaga niya ih, parang di ma-ipinta.
Natigilan lang sila ng may nagdoor bell. Gague sino namang magdodoor bell sa alas-dyes ng gabi? Pumunta ako sa gate at pagbukas ay nakita ko si kuya na nagdi-deliver ng mga foods. Gague nag-order nga pala kami kanina.
"Thank you po" sabi ko saka pumasok sa loob at bumalik sa sala. Niyaya ko siya sa aking kwarto upang manood ng movie. Mas maganda dun kasi may aircon.
Kumakain kami ng fried chicken at umiinom ng milk tea sa couch. Kaharap namin ang malaking tv.
"Ay kingina!" Nagulat si Poseidon ng lumabas ung multo.
Napatawa naman ako "takrutis ka pala eh"
"Psh" inirapan ako nito. Ang taray bwiset.
Tahimik nanaman kaming nanonood nang ginulat niya ako.
"Putlig tiil! Depunggal ka" pinalo ko siya sa kaniyang braso. Ay ang tigas men.
Napatawa naman si Poseidon "takrutis pala ah" hayuf talaga.
Nakahinga kami ng maluwag nang matapos ang movie. Tahimik ang paligid ng magsalit si ako. "Oi samahan mo ako sa CR" wala, trip ko lang magpasama bakit ba? Takot? Huh? Di ako takot ah. Astig ako eh.
Napatawa si Poseidon. "Sige. Ihing-ihi na rin ako eh" nays may kasama ako.
Sabay kaming pumasok sa banyo.
"Ako mauna, tumalikod ka. Wag kang aalis ah" sabi ko kaya sumunod naman si Poseidon.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos akong umihi. "Okay tapos na" sabi ko matapos i-flush ang toilet.
Humarap siya sakin "Ako naman. Wag kang aalis"
"Aalis na ako~" pagbibiro ko.
"Sige umalis ka, may multo sa labas" tumalikod si Poseidon kaya tumalikod na rin ako. Hindi ako manyak ah.
"Joke lang. Toh naman di mabiro!" Wala akong nagawa kaya hinintay nalang siya.
"Ahhh goodness~~" rinig kong sabi niya.
Matapos naming maghugas ng kamay ay lumabas na kami.
"May extra ka na toothbrush?"
Tanong ni Poseidon.
"Ako pa!" pagmamalaki ko naman. Binigay ko sa kaniya ang bagong bukas ko na toothbrush at ayun, sabay kami nag toothbrush.
"Mabango na ba?" Tanong ko matapos magtoothbrush. Nagtiptoe ako at binugahan siya sa kaniyang mukha.
"Ang baho pa rin" umiwas siya ng tingin habang tintakpan ang ilong. Apaka-oa bwiset.
"Uy grabe ka!" Pinalo ko siya sa braso.
"Aray! Bakal ba yang kamay mo?" Sabi ni Poseidon habang hinihimas ang sariling braso. Apaka-oa talaga. Onti nalang sasaksakin ko na 'to.
Dinilaan ko siya at lumabas kaya sumunod na rin siya. Umupo ako sa aking kama.
"Dun ka sa sofa. Malaki yan kaya kasya ka diyan" sabi ko habang inaayos ang aking higaan.
"Ayoko" umupo siya sa tabi ko.
"Ano?!" Tanong ko na kunwari ay naiirita.
"Tabi tayo" pagmamaktol nito na parang bata habang kinakamot ang batok.
"Ayoko nga" ayaw ko siyang katabi noh. Baka picturan pa ako nito habang natutulog ako.
"Sige ka, baka magising ka mamayang alas tres may katabi ka na na hindi natin kilala" pananakot niya.
Napalunok naman ako "Joke nga lang, ito naman. Sige na nga." Nahiga na ako habang yakap-yakap ang malaking Baymax na stuff toy.
Tumabi naman sakin si Poseidon at nilagyan ng unan ang gitna namin. Apaka-piling. Ano sa tingin niya gagawin ko?
Inirapan ko ito "Off mo ang ilaw"
"Wag na tsk" sabi niya.
"Sige na. May magic ako" sabi ko naman.
Umupo siya saka tumingin sa'kin "Samahan mo ako" sabi niya.
"Ok fine" inirapan ko ulit ito saka umupo.
Kaya ayun, sa sobrang takot niya, oo siya lang kasi astig ako. Sabay kaming pumunta sa may switch at pinatay ang ilaw. In-on ko ang aking flashlight dahil napakadilim ng paligid. Malamang naka-off na ung ilaw. Sabay kaming bumalik sa pagkakahiga. May kinuha akong remote sa aking bedside table at pinindot ang on.
"Wow" Poseidon said, amazed while looking at the ceiling.
The lights resembled a galaxy, complete with stars, planets, and nebulae. It's beautiful and magical, and everyone would love to see it.
"Tulog na tayo" I said while smiling.
I noticed him smile as he looked at me. "Okay. Goodnight" he said softly.
I yawned and mumbled "Goodnight" as I closed my eyes.
.
.
.
.
.
Third Person's P.O.V
Poseidon stood up and went outside the veranda when he heard her snoring. He took his phone from his pocket and dialed a number.
"How's the two men? Did you took them already?" Poseidon asked when the person on the other line answered his call.
"Yes sir" the man said on the other line.
"Good. Make sure they didn't get away, or you'll find out what I'll do to you." Poseidon said.
Ang laki nang pinagka-iba ng Poseidon na nakilala ni Gal at ng Poseidon ngayon na may ka-usap sa telepono. Napakaseryoso neto at talaga hindi mo mabibiro.
"Yes sir"
"Okay thanks" He hung up the phone and went inside. He sat down on the bed. He chuckled as he gazed at Gal, who was snoring peacefully beside him. Okay, he's back to his old self.
.
.
.
.
Galaxy's P.O.V
Nagising akong dahil sa liwanag na tumatawa sa mukha. Napahawak ako sa aking likod nang maramdamang sumasakit ito.
"Sakit ng likod ko" humikab ako saka umupo. Teka! Amputek bat nasa sahig ako? Tengene kaya pala ansakit ng likod ko shuta. Ang laki-laki ng higaan ko bat ako nandito?
"Piste!" Napatayo ako habang kumakamot ng ulo. Tumingin ako sa paligid ako walang tao. Boset nasan na ung hayuf na yun?
Lalabas na sana ako ngunit bigla akong natipalok sa isang matigas na bagay. Ayun, dumiretso ako sa sahig.
"Shet na yan" tumayo ako ulit at tumingin sa baba. Ayun ang hayuf! Tulog na tulog sa sahig. Umupo ako sa tabi niya.
"Pst uy Tol, gising!" Sabi ko saka tinapik-tapik ang kaniyang pisnge.
"Hmmm" aba! Ang hirap naman gisingin netong depunggal na'to. Kilitiin ko nalang sa tagiliran.
"Ano ba~~" Napahagikgik naman si Poseidon. Asus napakapabebe.
"Bangon na ha! May trabaho pa tayo potek!" Sigaw ko.
He sat up and opened his eyes. He looked even hotter in his messy hair. He yawned and scratched his back as he looked around. He appeared befuddled.
"Anong ginagawa ko rito?" Takang tanong neto.
"Ulol ka ba? Ang likot mong matulog kagabi. Ung siko mo bumabangga sa boobies ko. Hayop ka" sabi ko. Legit ang sakit ng dibdib ko shuta. Ang tigas ba naman ng siko.
"Eh ikaw nga ung tuhod mo bumabangga sa betlog ko." Sabi naman niya kaya napa-irap nalang ako.
"Hindi tayo pwedeng magsama sa iisang kama. Jusmiyo marimar na yan. Tumayo ka na at tulungan mo akong magluto" tumayo ako at nagpamaywang.
Napakamot si Poseidon sa batok at tumayo. Naghilamos muna ako at umihi na rin. Paglabas ko ng banyo ay wala siya kaya dumiretso nalang ako sa kusina.
Nakita ko siyang nakatunganga habang hawak-hawak ang pan.
"Oh? Anong lulutuin mo?" Tanong ko.
"I don't know how to cook" he said while pouting. His forehead crumpled.
Napanganga naman ako. "Kahit itlog?" Tanong ko.
"Yup"
I looked at him at disbelief. "Watdapak? Seryoso ka ba?"
"Oo nga" napakamot siya sa kaniyang batok. "Teach me, please?" Tinitigan ako nito habang hinihintay sa kung anong isasagot ko. Jusko, puros maid siguro nagluluto dito or baka may sariling chef sa kanilang bahay.
Napabuntong hininga nalang ako. "Sige garud. Ano ba gusto mong kainin?" Tanong ko
"Pancake and bacon with scrambled egg" sabi naman niya.
"Sus napaka basic naman yan" sabi ko naman.
So ayun nga, kinuha ko ung isang box ng pancake mix sa aparador, tapos ung isang bacon sa freezer at tatlong itlog sa ref. Pinabatil ko muna siya ng itlog at ayun, andaming nabuhos kaya dumagdag pa ako ng isa. Tapos pinamix ko nalang sa kaniya ung pancake at ayun ang kalat. Syempre tanggap ko yun kasi beginner eh. Pero ang hindi ko tanggap ay ung bacon. Bakit? Prinito niya kahit nag-a-ice pa. Bigla tuloy umapoy ung pan tapos napaso siya. Haynako nalang!
"Patingin nga. Masakit?" Tanong ko.
"Pasuin kaya kita tapos tanungin kita kung masakit or hindi" Sabi neto. Edi shing. Ako na nga tong concerned citizen of the Earth.
"Ewan ko sayo! Kung bat naman kasi nag-una-una ka sa pagluluto potek ka!" Sabi ko naman habang kumukuha ng ice cube tapos ay nilagyan ang daliri nitong napaso. Matapos ay nilagyan ko ito ng ointment tapos pina-upo nalang at ako nalang nagluto.
Matapos maluto ay syempre kumain na kami. Tahimik lang kami dahil ayokong magsalita. Ang tigas ng ulo eh.
"Hey, I'm sorry" he said.
Tumingin ako dito. "Bakit? Ano bang kasalanan mo?" Tanong ko.
"I-I didn't follow your instructions" he said
"At? Anong nangyari?"
"Malapit na masunog ung house mo"
"Tapos? Anong nagyari sayo?"
"Ahm .... napaso" sabi niya.
I sighed "It's okay. Just shut up and eat. Mag-ingat ka kasi sa sunod" sabi ko habang kumakain ng pancake at sinasawsaw sa kalamansi syrup na ginawa ko.
.
.
.
.
.
Third Person's P.O.V
They both washed their dishes after eating. Galaxy wants to wash it because he has burned fingers, but Poseidon insists that it isn't that painful, so Galaxy decides that they should both wash the dishes to avoid frustration and annoyance. Knowing Poseidon, he will not give up easily until he obtains his desired outcome.
"Wala ka ba talagang alam na gawaing bahay?" Sabi ni Gal habang tinuturuang maghugas si Poseidon.
Di na nga siya marunong magluto, di pa siya marunong maghugas. Rich kid yarn? Marami namang kilalang rich kid si Galaxy pero marunong rin naman sa mga gawaing bahay ket papaano.
"Wala"
"Palibhasa may katulong kayo" sabi nalang ni Gal.
"Ayaw kasi akong pinapagod ni Mommy"
"Ahh sana oil. Samantang ako nung bata ako halos gusto ko ng lumayas samin kasi puro utos si mama palibhasa ako bunso kaya hindi lang si mama ang umuutos sakin pati na rin ang mga demonyo kong kapatid. Susmiyo" napa-iling nalang si Gal na ikinatawa ni Poseidon.
Poseidon bid her farewell after washing the dishes and invited her to dinner later; she told her that she didn't know yet because she had a lot of work to do.
Sinamahan niya ito sa may gate at laking gulat niya nang nandoon na ang kotse ni Poseidon eh wala naman ito kagabi. Syempre tinanong ni Gal at sabi lang ni Poseidon ay "I find ways" tapos ayun umalis na. Kahit nagtataka si Gal ay pumasok nalang ito dahil late na siya sa trabaho niya.
-Kinky Krinkles