Chapter 2

970 Words
        "Dumating na po ba si kuya?" Tanong ni Jarcelle kay manang Rose pagkarating sa may salas.         "Nako iho, dumating na nga. Yun nga lang pagkatapos niyang kumain ay umalis ulit." Paliwanag ni manang Rose.         Napailing na lang siya.         Mayamaya pay dumating na ang family doctor nila. Magkasama silang pumasok sa loob ng silid na kinalalagyan ng walang malay na dalaga.         Agad namang pinakiramdaman ng doctor ang pulso nito, then check her if there's something wrong.         "Kamusta po siya doc?" kinakabahang tanong niya kay Dr. Ruiz.         Dr. Ruiz smile at him first before answering his question.         "Maayos lang siya, wala namang problema. Nabigla lang siya kaya siya nawalan ng malay."         Napatango na lang siya sa sinabi ng doctor.         After checking her at masigurong walang problema ay nagpaalam na rin si Dr. Ruiz. Hinatid muna niya sa labas bago siya bumalik sa kanyang siliid.         Hindi niya namalayang mataman na pala niyang pinagmamasdan ang dalaga. She really looked like a sleeping angel.         'She's beautiful.'         Napabuntong hininga na lang si Jarcelle tsaka marahang ipinilig ang ulo. Hindi siya dapat magkaganito sa isang babae. For him, girls are all the same, except---         He feel a fang of pain and sadness in his heart remembering Faith, remembering what happened to her. Agad niyang kinastigo ang sarili not to think about that painful past. Hindi na dapat iyon iniisip, because it only gave him an unbearable ache.         He looked at the unconscious lady in his bed once again, before he left. Mamaya na lang niya ito kakausapin, kapag nagkamalay na ito. ***         NAALIMPUNGATAN si Faye dahil sa pakiramdam na parang may mga matang naka tingin sa kanya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata saka linibot ng tingin ang paligid. Walang ibang tao, tanging siya lang ang nasa loob ng silid. The room is not familiar.         'Teka!? Nasaan ako?'         Once again she checked the entire room. Kulay skyblue and black with white combination ang kulay ng silid. Maayos at malinis itong tignan. Naka organized ang mga gamit. Pero hindi maipagkakailang lalaki ang may ari ng kwartong kinaroroonan niya ngayon.         Napadako ang kanyang tingin sa side table ng kama. Suddenly, a picture in frame got her attention. Inabot niya iyon para màkita ng malapitan.         Kamuntik mabitawan ni Faye ang frame dahil sa larawang tumambad sa kanya. Napakagat siya sa ibabang labi habang nanginginig ang mga kamay na hawak ang napaka pamilyar na larawan. Then memories flashback in her mind. The reason why she go to this place. •••••••••••Flash back...         Hawak ni Faye ang larawan ng taong gusto niyang pagbayarin. Ang taong dahilan kung bakit wala na ang kanyang ate. She wanted him to feel her pain right now. Ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahalaga sa kanyang buhay.         Mula sa Manila ay bumyahe siya pa Sta. Ignacio.         After looking at the picture ay agad niya rin itong ibinalik sa loob bag.         Isang simpling shoulder bag lang ang dala dala niya. She did not use her car too, instead she choosed to commute na lang para hindi masyadong halata ang sadya niya sa pupuntahang lugar.         May nakita siyang tindahan kaya tumigil muna siya sandal. Bumili si Faye ng soft drinks. Habang palinga-linga’y nahagip niya ng tingin ang naka paskil na 'Room for rent'         Napa ngiti na lang siya. Mukhang umaayon sa kanya ang panahon at pagkakataon. Agad niyang tinungo ang parentahan at kumatok sa may gate.         Bumukas ang gate at lumabas ang isang Gng. Saglit lang ang aming pag-uusap at agad naman siyang nakakuha ng bakanting apartment. One month advance, one month deposit ang renting policy nila. Nagtaka pa siya dahil ang mura ng upa kumpara sa syudad.         Kinabukasan ay maagang nagising si Faye. Plano niyang magtanong-tanong kung may nakaka kilala sa taong sadya niya. Nagpaalam siya sa kanyang landlady na may dadalawing         kaibigan. Hindi niya namalayang napalayo na siya dahil sa tuloy tuloy na paglalakad. Palingalinga pa siya habang patawid sa kalsada nang biglang may humaharorot na sasakyan na biglang sumulpot.         Hindi siya agad nakakilos. Pakiramdam niya’y namanhid ang buong katawan. Hindi namalayan ni Faye na unti-unting dumilim ang kanyang paningin. Bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay ay nahagip pa niya ng tingin ang pigura ng papalapit na lalaki. Then everything's black. ••••••••••••••End of flashback...         NAGBALIK ang diwa ni Faye nang mapansin ang bahagyang pagpihit ng pinto. Agad siyang bumalik muli sa pagkakahiga. Maging ang frame na hawak ay agad rin niyang ibinalik sa dati nitong pwesto.         Nagkunwari siyang animo'y kakagising lang mula sa pagkakatulog.         "N-Nagkamalay ka na pala Miss." Wika ng lalaking kakapasok lang.         Pinakunot niya ang kanyang noo saka bahagyang ilinibot ang tingin sa kabooan ng silid. Saka muling tumingin sa lalaking kakapasok lang ng silid.         "Nasaan ako? A-anong nangyari?" Kuwaring naguguluhang tanong niya rito.         Pansin niya ang klase ng titig nito. Tila tinatantiya nito ang reaksiyon niya.         "Kamuntik na kitang masagasahan kanina. Mabuti na lang at malakas ang preno ng sasakyan ko. Pero mukhang nabigla ka ata kaya nawalan ka ng malay." Paliwanag nito habang matamang nakatingin sa kanya.         Kunwari’y natigilan siya’t saglit na nag-isip. Kung sa pilikula’y pwede na siyang parangalang best actress dahil sa galing niyang umarte.         "G-Ganon ba." Bahagya siyang napayuko. Sa luob-luob niya’y gusto na niyang sugurin ng sampal ang lalaking kausap.         "Nagugutom ka na ba? Ikukuha kita ng makakain." Basag nito sa katahimikan. Pansin niya rin ang tila nabunutan ito ng tinik sa lalamunan. Marahil dahil sa akala nito aya nabunggo siya nito.         Tumingin siya sa orasang nasa side table. Mag wa-one na ng tanghali. Ibig sabihi’y hindi pa nanananghalian. Idag-dag pa na hindi rin siya nakapag breakfast kaninang umaga.         "Kahit hindi na lang." kiming tanggi niya sa alok ng binata.         Bahagyang sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso and it’s because of his smile. Parang may kakaibang damdamin na nagising mula sa kaiboturan ng kanyang pagkatao. This is something that she can’t explain either and it’s because of that simple smile.         'Sh*t! What is happening to me?'         Napa iwas si Faye ng tingin. Bgla siyang nailang.         "Alam kong nahihiya ka lang." Wika nito na hindi parin inaalis ang ngiti sa mga labi.         Muli siyang napatingin sa binata. Hindi niya magawang tumingin ng tuwid sa mga mata nito. Sobrang naiilang siya sa hindi niya malamang dahilan.         Hindi siya ganito makitungo sa mga lalaki. Lalo pa sa taong dahilan ng sakit na naramdaman niya. She’s not this type of girl, kilala siya sa pagiging maldita, mataray at masungit sa mga lalaki. But now, parang hindi siya ito.         "Hmp!.." Hindi pa siya nakakapagsalita nang muling magsalita ito.         "Maiwan na muna kita. Ikukuha kita ng makakain."         Nanatiling nakatitig siya sa saradong pinto kung saan lumabas ang binata. She’s not supposedly feel this kind of undetermined feelings. Specially to that guy. Because she is Faye Myla Francesco. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD