Kabanata 17

423 Words
Samantha’s POV “Minsan Hindi Mo Kailangang Lumayo Para Mapansin — Kailangan Mo Lang Tumigil sa Paghihintay.” A few weeks had passed. Tahimik pa rin ang mundo ko — pero iba na ang tahimik ngayon. Hindi na kasing bigat. Hindi na kasing gulo. Tuloy pa rin ang gabi-gabi kong pag-uwi sa condo. Tuloy ang trabaho, ang mga charity events, ang mga simpleng dinner na kasama si Lucas at ang team. At sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman kong unti-unti kong binubuo ulit ang sarili ko. Until one Saturday morning — Bumalik ako sa bahay namin dahil may family brunch. Pagbaba ko ng sasakyan, nandun siya. Si Gavin. Nakatayo sa may garahe nila. Walang salita. Walang ngiti. Naramdaman ko agad ang titig niya habang pababa ako ng sasakyan. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Ngumiti lang ako sa parents niya na bumati sa akin. Pero kahit hindi ako lumingon, ramdam kong sinundan niya ako ng tingin. ‘Yung tipong may gustong itanong… pero hindi alam kung paano. Inside the house, I heard mom whisper, “Gavin was asking if you’ll come today.” Napatigil ako saglit. “Bakit?” She shrugged. “I think he just wanted to see you.” Gusto ko sanang ngumiti. O maramdaman kahit konting kilig. Pero wala na. Wala na ‘yung kilig sa tanong. May kirot pa rin — oo. Pero hindi na ako umaasa sa sagot. Later that day, we ran into each other sa garden. “Hey,” he said. I nodded. “Hi.” May awkward silence. Unlike before. Wala na ‘yung banter. Wala na ‘yung asaran. Parang may pader sa pagitan naming dalawa. “Long time no see,” he said, trying to sound casual. “Yeah. I’ve been busy,” sagot ko habang iniwas ang mata ko sa kanya. “Sa trabaho? O sa bagong kasama mo?” Tumigil ako. Napatingin sa kanya. Hindi galit ang tono niya. Pero may halong… alam mo ‘yung hindi niya alam kung may karapatan pa siyang magselos? And I smiled. Soft. Controlled. “Both,” sagot ko. “Masaya akong maraming nangyayari ngayon.” Tahimik siya. That’s when I saw it — ‘yung bahagyang paggalaw ng panga niya, ‘yung hindi niya inaamin pero halatang may nararamdaman. But I didn’t give him more. Because for once, I didn't feel the need to explain myself to someone who never chose me. That night, habang naglalakad ako pauwi, I realized something: He was finally looking. Finally noticing. But I was no longer standing still.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD