Nagulat ako ng magtext siya at nais makipagkita "Bakit dito mo gustong magusap tayo?" tanong ko sa kaniya "Para tahimik" simple niyang sagot "Baka tahimik sa bar" sarcastic kong sabi sa kaniya "Masungit ka pa din" sabi naman niya Umirap lang naman ako sa kaniya at naupo sa harapan niya. Nagsalin ako ng alak sa baso na nasa harapan ko. "Akala ko ba hindi ka naghahard?" Tanong niya Hindi ko siya sinagot at nilaklak lang ang alak na sinalin ko. "So, mayaman ka pala?" tanong niyang muli "Ano ngayon? Is that enough reason for you to leave me?" matapang kong tanong. May lakas na din akong sabihin sa kaniya dahil may tama na din ako ng alak. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ba talaga kita kilala o peke lang ang pagkakilala ko sa iyo?" matalim niyang tanon

