Part 7

1749 Words

MANILA Hotel. Halos mapuno ng bisita ang bulwagan. Si Jasmine ay sa mesa na ng mga magulang naupo bagaman itinataboy siya ng mga ito na dapat ay kasama siya roon sa presidential table. Nauna na silang umalis na mag-anak. Hindi na nila sinaksihan pa ang ilang seremonyas at tradisyon sa araw ng kasal. Nagpaalam din siya sa tatay ni Caroline na noong umaga lang din na iyon lumuwas mula sa San Roque. Hindi siya observant pero hindi rin niya matandaang sumilay ang ngiti sa mga labi ng ama ni Caroline. Ito lang at isang kapatid na babae ni Caroline ang dumalo sa partido ng bride. “Hija, gusto ng mommy mong panoorin ang last full show ng Daylight.” Nasa tabi niya ang ama. Siya pa rin ang nagmamaneho ng sasakyan. “Aabot pa kaya kayo? Past eight na.” Sinulyapan niya ang digital clock sa kotse

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD