hanaia's pob
sa halos isang buwan na kasama nya c Raphael ay unti unting nakikilala nya nito..arogante,walang preno Kung magsalita,d iniisip Ang binibitiwang salita sa kapwa at higit sa lahat.kung Anu aNG deal kahit ano pang reason,d pwedeng d matuloy Yun.pero sa Kabila ng mga pangit nyang pag uugali may bukod tangi Naman syang katauhan na kanyang nagustuhan at Yun ay Yung kapag Alam nyang Mali sya..marunong syang humingi NG tawad.
natapos na Rin Ang Operation ng kanyang mama..naging maayos Naman..Yun nga Lang Hindi pa sya nakalabas NG hospital gang ngayon.
na set up narin ni Raphael Ang lahat .bagong unit para sa kanyang Ina kasama Ang private nurse,yes,ginawa nito Ang mga Yun kahit pa Wala sa kasunduan nila at malaking pasalamat nya dito,
Ang kaibigan nitong c mayumi dahil Ito Ang kunausap nyang magbantay sa kanyang mama habang sya ay may trabaho na mas maganda sa malayo nga Lang ,Yun ang paliwanag nya dito..Ang kanyang kaibigan ay walang Alam sa pinasok nya ngunit kahit tila Hindi kapani paniwala Yung explanation nya dito ay mas pinili na lamang nitong wag magtanong ...Mula nung unang may nangyari sa Kanila ay nasundan pa Ito at halos Gabi gabi dahil na Rin sa kagustuhan nyang makabuo agad..Kaya Naman napapaisip ako kung paano na pag nakapanganak ako..sa kanya Ang bata,malinaw Yun sakin..pero ako Ang Ina..panu Naman ako...ganun na Lang ba?dahil sa kasunduan. ibibigay ko nlng sya Nang ganun ganun?nakalimutan ko.Yung contract ni di ko man Lang nabasa Yun Nung pirmahan ko dahil Wala na akong panahon pa na makipag arguments sa Kung anung mga kondesyones nya duon. dahil Ang mahalaga Nung mga oras na iyon ay Pera,Pera para sa pang opera ni mama.
iisang copy ba Yun?
tanungin ko nlng sya pagdating nya..
Isa pa mag aalas sais na..maghahanda na sya NG ililuto..kahit papano magaling syang magluto..at pasado Ito Kay raf..raf?haist. Kung tutuusin para silang mag Asawa.nagkakasundo Naman Sila..Yun nga Lang at nagsasama Lang sila dahil sa kontrata. at Anu ba?Kung Anu Anu nang pumapasok sa isip nya..
gwapo Naman Kasi si Raphael at parang minsan..nagiging malambing Ito Lalo na pag napag kukwentuhan nila Ang kanyang pagbubuntis na sya Namang lihim na ikinatutuwa NG kanyang kalooban..ahhh????? ano ba..Ewan..pero Hindi pwedeng humantong pa Ito sa araw na mahulog sya dito,Hindi nya maikakaila pero mas nagiging malapit cla sa isat Isa,o mas madaling sabihin na,mas lumalapit Ang loob nya dito,at kaylangan nyang pigilan Ang nararamdaman nya na Yun,dahil Alam nyang masasaktan Lang sya sa huli.