CHAPTER 2

690 Words
NAGMAMAKTOL pa rin si Sam nang umalis ng bahay sakay ng kanyang Tamaraw FX. Hindi niya matanggap na mas kinampihan ng ama si Christian samantalang siya na nga lang ang nag-iisang babae sa kanilang pamilya. Kahit pa nga sabihing hindi siya ang bunso. Hindi man lang siya nito mapagbigyan. Ang sasakyan lang niyang iyon ang maituturing niyang bigay ng kanilang panganay na kapatid na si Hans bago ito nagtungo sa Australia upang magtrabaho. Ang Kuya Rex naman niyang professor sa PUP, kung saan siya nag-aaral, ay ni hindi niya mauto na tulungan siyang mapataas pa ang grade niya sa mga kakilala nitong professors niya. Hindi naman dahil sa nangangailangan siya ng tulong para tumaas ang kanyang mga grades dahil matataas naman ang mga iyon. Gusto lang talaga niyang maranasang pagbigyan nito, kahit minsan, ang kapritso niya. Pero wa epek talaga. Lalo na ang Kuya Roger niya. Sobra na ngang alaskador, wala pa siyang mahita rito. "Nakakainis! Lagi na lang 'pagbigyan mo na ang kapatid mo.' Hmp, asar talaga!" At kapag ganoong bad trip siya, lumilipad ang kanyang sasakyan—isa sa masasama niyang ugali. Ginagawa niya iyong eroplano kapag hindi maganda ang kanyang mood. She was so absorbed with her own thoughts that she didn't notice she just entered the premises of another village. Wala namang guwardiyang sumita sa kanya. Nagulat na lang siya nang biglang may sumulpot na itim na BMW sa kanyang harapan. Bigla ang pag-apak niya sa preno. Nagsagitsitan ang mga gulong ng FX niya. "s**t!" Buhay pa siya ngunit sa ekspresyon ng lalaking bumaba mula sa kabilang sasakyan ay parang hindi na siya magtatagal. "What the hell were you thinking?" gagad nito agad sa bahagyang nakabukas na bintana ng kanyang FX. "Nagpapakamatay ka ba?" "Yeah, after I've killed you," sarkastiko niyang sagot nang bumaba mula sa sariling sasakyan. "Nasa talampakan ba ang utak mo at hindi mo nababasa ang mga road signs dito? One-way lang dito, ah." "First of all, walang mga road signs dito sa Rancho Estate na gaya ng sinasabi mo. Second, I don't see any sticker in your car na nagsasabing residente ka ng village na ito. Ngayon, sino sa atin ang may kasalanan?" Noon lang niya napansin na hindi iyon ang dapat niyang daanan. Ngunit dala ng pride, hindi niya hinayaang makita nito ang kanyang pagkapahiya. "Wala akong pakialam!" sigaw niya. "Ikaw ang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan, 'tapos, ako itong sisisihin mo." Funny, hindi yata siya gaanong nagpi-freak out. Most of the time, kapag ganoong mainit ang kanyang ulo at may nakabunggo pa siyang kagaya rin niya ang mood, nakakasapak na agad siya. Oh, well, siguro nag-wear off na ang bad mood niya. She looked at the irritated man in front of her. Or maybe because he just happened to be the most good-looking guy she had ever seen. "You're crazy." Tumalikod na ito sa kanya at nagmamadaling bumalik sa sasakyan nito. Naalarma siya. Balak pa yata siya nitong takasan pagkatapos siyang sabihang "baliw." Mabilis na humarang siya sa daraanan nito. "Get out of my way!" sigaw nito. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo pinananagutan ang ginawa mo sa sasakyan ko." "I don't have time for you, lady. Late na ako sa appointment ko kaya umalis ka na riyan." "No way!" sigaw niya. "Bayaran mo muna ang damage ng FX ko." Nakita niyang naghalungkat ito sa loob ng kotse nito. Lumapit siya rito. "I only have my credit cards here." "I don't need that. I want cash!" saka niya hinablot ang hawak nitong wallet at kinuha roon ang kanina pa niya tinitingnan. "Hey! That's my license!" Sinundan siya nito sa kanyang sasakyan ngunit nakaakyat na siya roon at naisara na ang pinto. "Third Street, Goodrich Subdivision. Roger's Motorshop." "I don't know that place," nangigigil nitong wika. Salubong ang mga kilay nito. Cute, naisip niya. "We're just from around here. Gamitin mo iyang matangos mong ilong para makuha mo ulit ang iyong lisensiya," aniya na binuhay na ang makina ng sasakyan. "And, oh, check your zipper before you go out of your house." Naka-plaster na ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niyang tiningnan nito ang pantalon. Utu-uto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD