Thirty-six Carla... Maaga siyang nagising kinabukasan, dahil na din kailangan niyang gumayak ng maaga kasi may pupuntahan silang magkakaibigan. Pupunta sila ng Enchanted Kingdom para ilibot ang mga bata. Gustong gusto niya ang lakad na iyon dahil makakasama na naman nila ang mga anak ni Issay. Malapit kasi siya sa mga ito bukod sa ninang siya ng mga ito, dahil na din sa anak niya na hindi niya nakasama. Feeling kasi niya sa pagiging mabait niya sa mga anak ni Issay nakikita niya ang anak niya sa mga ito. "My love, breakfast muna"ani Jake sa kanya paglabas niya sa banyo. Tinanguan lang niya ito, masigla naman itong bumaba para magluto na ito ng kakainin nila ngayong agahan. Hindi naman siya nagtagal sa pag-aayos, kaya nakababa na siya. Magpi-prisinta na siya kay Jake na siya na ang ma

