Seventeen Carla... Nagising siyang parang may nakadagan sa kanya at hirap siyang makahinga. Pagmulat ng mga mata niya nakita niyang nakayakap pala sa kanya si Jake with matching dantay pa ng hita nito sa kanya kaya bigat na bigat siya ngayon. Dahan dahan niyang inalis ang braso at hita nito sa kanya para hindi ito magising. Dahan dahan din siya bumangon sa pagkakahiga, alam niya maaga pa para bumangon pero ayaw niyang mabungaran siya ni Jake ngayon na katabi nito. Naalala niya kasi ang nangyari sa kanila kagabi, alam niya ang buong pangyayari. Napahilamos pa siya sa mukha niya ng maalala kung gaano kalakas siya kung makaungol at halinghing kagabi. Nakakahiya. Nang makatayo siya naramdaman niya ang sakit ng buo niyang katawan. Pakiramdam niya binugbog siya sa sobrang sakit ng katawan

