Chapter 69

1091 Words
"You don't have to... " Bago pa ito umalis ay hinila ko ang kamay nito at hinila patungo sa police station. "Officer! Sino yang kasama mo? !" Humabol pa sa amin sina Officer Garette ngunit imbes na huminto saglit para sabhin kung ano ang ginawa ko at sino ang kasama ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa parking lot katapat ng sasakyang gagamitin namin sa pagro-ronda. "Sakay." "Hindi ko alam na marami na nga talaga ang nagbago sayo." Napansin ko ang paghingal nito ngunit hindi ako nag abalang tanungin kung ayos lang ba ito dahil halata namang hindi ito maayos lalo pa't hindi lingid sa kaalaman ko kung anu-ano ang mga iniinda niya. "Sumakay ka na." Napangisi pa itong napalingon ng maramdaman ko ang presensya ng dalawa ko pang kasama kanina sa convinient store. "Sino ba yan Officer at pinapasakay mo dyan sa sasakyan?" Napalingon ako sa kanila bago sumagot. "Magro-ronda na tayo. Sumakay na din kayo sa likod. Sakaya na." Iginiya ko pa ang bukas na pinto kay Theo bago sinenyasan na pumasok na sa loob ng sasakyan. Ang akala ko ay magpapapilit pa ngunit sumakay na din pala. Nasa akin ang ang isang susi kaya naman sumakay na din ako sa driver seat. Hinintay ko pa silang sumakay bago pinaharurot ang sasakyan. "Nice. Masaya akong kahit papaano mukha na din akong pulis na nagroronda sa mga streets." "Hindi ko sinabing sasama ka. Hinahanap ka na nila." Natawa siya sa sinabi ko. "Nothing's new? Wala talaga akong balak na puntahan ka pero mukhang tadhana na talagang magkita tayo ngayon..." Napalingon pa siya sa likod at bumati sa kanila at magpakilala. "Pasensya na kung naistorbo ko ang trabaho niyo. I'm Theo." Iba ang atmosphere sa loob ng sasakyan ngunit hindi ko maaaring buksan iyon dahil mabilis na lalamigin ang katabi ko. Sa ilang taong hindi kami nagkita ay madami na ang pinagbago nito. He is still a jolly type but the problem is he can't talk that much dahil hihingalin lang siya. Kaunti pa nga lang ang sinasabi nito ay hiningal na siya. "She knows me and I think masyado siyang concern para ihatid pa talaga ako," sambit nito habang natatawa. "Kilala mo si Officer? Hindi ko alam na marami ka pala talgang kilala sa lugar na ito. Ang akala ko kase pinili lang niya ang mga kakausapin niya." Napalingon si Theo sa akin na nagtataka bago tuluyang mapatango na parang may napagtanto. "Actually, we are friends... more than friends." Napalingon ako dito dahil sa sinabi niya ngunit imbes na patulan pa ay hindi na lang ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. "More than friends? Kung ganoon matagal na nga kayong magkakilala?" "Yes. We know each other everesince gradeschool." Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinag uusapan nila hanggang sa makarating na kami sa tapat ng hospital. May mga ilang pulis na naroon at ani mo'y nagro-ronda din. "Sige na." "Tutal nandito ka na din naman, bakit hindi mo ko ihatid hanggang sa loob? Sigurado akong kung anu-ano na naman ang sasabihin nila sa akin." Kumunot ang noo ko at masama itong tinignan ngunit hindi na yata epektibo ang ganoong reaksyon ko dahil nanatili itong nakangiti sa akin. "Alam mo naman palang tatalakan ka ng pamilya, bakit ka tumakas?" "Nakakasawa kasi yung mga pagkain sa loob kaya lumabas ako para kumain." Walang patutunguan ang pagtatalo namin kaya napalingon pa ako sa dalawa na parehong nakatingin sa amin ni Theo. "Sige na, Officer. Hintayin ka na lang namin dito." Nagtaka ako sa matalim na tingin ni Officer Juarez pero hindi na ako nakipagtitigan pa at lumabas na din ng sasakyan para ihatid siya sa loob. "Sigurado akong matutuwa sila kapag nakita ka nila." Nauna na siya papasok ng hospital habang ako ay sumusunod lang. Napansin ko din ang pagtawag ng mga nurse sa telepono ng makitang pumasok na sa loob si Theo. May kaya ang pamilya nila kaya kahit papaano ay walang problema sa mga pangangailangan nito maliban kung paano gagaling si Theo. We have a good relationship way back that time and I am happy to see him again today. "Leigh!" Natauhan ako sa pagtawag nito sa hindi kalayuan. Naglalakad pa lang ako nang tuluyang dumating ang pamilya niya ngunit imbes na mangamba ito ay hindi pa din nawawala ang mga ngiti nito. I hope he can get a second chance. Bago pa ako makita ng pamilya nito ay tumalikod na ako pabalik sa sasakyan. I realize that God made us into a tough situation na wala na tayong pagpipilian. He's trying to survive and I am trying to keep the justice rise. Iba't iba ang pinagdadaanan ng mga tao sa mundo and you only have one choice, to keep yourself moving forward. Pagpasok ko sa sasakyan ay saglit pa akong lumingon sa entrance bago binuksan ang makina. "He's sick. Thomas Eliot Fernandez, isa sa mga anak ng may ari ng Fernandez Corporation," tugon ko. Alam kong madami silang tanong at bago pa nila umpisahan iyon ay binigay ko na sa kanila ang impormasyon maliban sa iba pang detalye. Tahimik kaming nagronda sa iba't ibang lugar na sakop ng lugar namin. Hindi na din sila nagtanong pa ng tungkol kay Theo. Wala naman kaming ginawa kundi mag ikot lang at panatiliin ang katahimikan sa lugar hanggang mag umaga. Saglit lang ang kasiyahang naramdaman ko at napalitan ng lungkot hanggang sa mapagpasiyahan kong dumalaw sa kaniya habang nakatitig sa keychain na ibinigay ko noon sa kaniya noong mga bata pa kami. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin noon dahil hindi din naman naging maganda ang mga sumunod na nakaraaan. "Siguraddo kang uuwi ka sa condo niyo?" Napalingon ako kay Officer Garette habang nakaakbay kay Juarez na nakakabingi ang katahimikan. Ugali din nitong magtanong ngunit kakaibang wala akong narinig na kahit ano sa unang duty ko matapos ang mahabang bakasyon. "Bakit?" "Sigurado akong madaming media ang naghihintay sa kapatid mo doon. Hindi ka ba tinawagan ni Rafaello?" Napatingin tuloy ako sa telepono kung tumawag nga ito ngunit wala maliban sa isang text nito na nagsasabing huwag muna akong uuwi sa condo o hindi naman kaya sabihan ko ito kung uuwi ako para ma-escort ako ng mga security niya. "Ako ng bahala. Alis na ko." Na-una na akong umalis ngunit imbes na umuwi ay saglit pa akong namili ng pagakin bago nagmaneho patungo sa hospital. As of the moment, I am not the cold hearted Officer that only wants justice. He's right, we are not friends because we really have a great bond to be called as more than friends.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD