Chapter 29

1698 Words
Hindi ko alam kung napansin ni Juarez ang pagiging tahimik ko habang nagbabasa ng isang dokumento. Wala ako sa mood makipag usap ng matino ngayon ngunit ano man ang gawin ko ay siya naman ang gumagawa ng paraan upang ibuka ko ang sariling bibig o makipag usap sa kaniya. He is discussing about the case of one incident we caught in action last night. Nagsasalita lang ako kapag kailangan at kung nangungulit na siya ng isasagot ko. Kahit sa pagroronda sa labas ay tamad na tamad ako. Kailan ba ako huling nagkaganito? I don't remember the last moment that I felt being empty. Hindi biro ang maging isang pulis dahil maaaring hindi mo nalalaman ay nariyan na pala ang kalaban sa likod pero masarap naman sa pakiramdam na may nagagawa ka para mabawasan ang krimen at panganib.  "Officer, anong plano natin? Wala pa akong naririnig na kahit anong plano mo para sa kaso ni Officer Hanz." Marahil ay nagtataka ito dahil tila parang nakakalimot na ako ng dapat gawin upang bigyang hustisya ang pagkamatay ni Hanzel. Alam kong may alam sila ngunit ayaw naman nilang sabihin sa akin.  "Officer? Okay ka lang ba? Para kang wala sa sarili mo?"  "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ba ang susunod na gagawin ko. We both know that this is not an accident. " Tulala lang ako habang nakatitig sa kalsadang wala namang dumadaang kahit na anong sasakyan at ingay ng gamu gamo lang ang maririnig. "May problema ba?" "Can we don't talk about that today? I am not yet sure what step I should take." Mukhang hindi naintindihan ni Juarez ang pinupunto ko ngunit hindi ko na muli pang inulit ang sinabi ko. Buong gabi ay halos hindi matino ang ginagawa ko. Muntik pa akong masaksak ng kutsilyo ng holdaper na nakasagupa namin. Mabuti na lamang ay hiwa lang sa braso ang natamo ko.  "Sigurado ka bang ayos ka lang talaga? Mas malala ang galos mo ngayon kumpara noong isang gabi. " Patuloy lang siya sa paggagamot niyon matapos naming makabalik sa istasyon. Kung hindi lang sana ako sumali sa dinner na iyon ay hindi na muli sanang mauungkat ang natatagong emosyon tuwing naaalala ko ang pangyayareng iyon.  "Kaya mo bang magdrive?" Sa totoo lamang ay naiinis ako sa ginagawang pagiging maaalalahanin ni Juarez ngunit wala ako sa mood upang komprontahin siya. Sana ay alam nito ang limitasyon niya. Ayokong pagdating sa hinaharap ay pagsisihan niya ang ginagawa niya. Nang makauwi ay higaan agad ang unang pinuntahan ko dahil tila pagod na pagod ako. Katulad kahapon, halos gabi na ng magising ako. Masyado pang maaga para pumasok kaya matapos mag asikaso ng sarili ay balak kong kumain at matulog muli ngunit paglabas ng kwarto ay mukha naman ng kapatid ko ang una kong nakita. Pumunta ako sa maliit na kusina at ipinagtataka ko ang mga pagkaing naroon at ano mo'y naghihintay na lamang sa akin. Base sa mga pagkaing naroroon ay binili na naman ito ng magaling kong kapatid. Hindi siya marunong magluto kaya puro bili lang ang ginagawa niya. Imbes na magbigay ng reaksyon ay tahimik na lamang akong kumain habang siya naman ay may pasulyap sulyap pang nalalaman.  "What?" "You okay?" Hindi ko siya sinagot sa tanong niya at mabilis na lamang tinapos ang pagkain. "Are you mad?" "Ang dami mong pera pero hindi ka man lang matutong magluto. Kaya ka hindi nagkakajowa dahil puro bili lang ang ipapakain mo." Nagulat siya sa sinabi ko bago siya muling nagbigay ng reaksyon na animo'y hindi ko maririnig iyon. "Akala mo siya meron." "Alis na ako." "Teka! Maaga pa." "Pati schedule ko alam mo." Mahina lamang sana iyon ngunit tila narinig niya kaya hindi na lamang siya kumibo. Wala akong balak makipagtalo pa sa kaniya kaya lumabas na lamang ako sa balcony upang manigarilyo. Tama siya na masyado pang maaga para umalis pero gusto ko namang umiwas na pag usapan ang pangyayare kagabi.  Hindi ko alam kung kailan ako natutong manigarilyo dahil namalayan ko na lang na hinahanap ko ito tuwing nabuburyo ako. Hindi man sabihin ng kapatid ko ngunit alam kong nag aalala siya sa maaaring mangyare sa akin kung kaya't hindi ko siya masisisi kung pinili niyang manatili ng Pilipinas para lang bantayan at panatiliing ligtas ako. Napapabuntong hininga na lamang akong tinapos ang isang stick ng sigarilyo bago lumabas upang magpaalam na. Masyadong kakaiba ang linggong ito dahil sa pagiging emosyonal ko. Kailangan kong maging malakas at makaisip ng paraan sa bagong plano kaya naman halos nagmamadali akong nagpunta sa Istasyon upang kausapin ang ilan sa mga kapwa pulis na nandoon upang magtanong. Hindi ko alam kung pumasok muna si Hanzel sa istasyon bago magtungo sa tinutuluyan ko kaya kailangan kong mag imbestiga kahit pa malaman ni Chief ang ginagawa ko. Pinagbawalan niya ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pagkamatay nito ngunit ilang linggo na ba ang nakalipas para isipin nito na hindi na ako interesadong malaman ang biglang pagpanaw niya. Hindi biro ang ginawang trabaho ni Officer noong mga panahon na ang tanging ginagawa ko ay manmanan siya sa kaniyang ginagawa. Maaaring hindi alam ni Officer ngunit isa ako sa nakasaksi kung paanong namatay ang asawa niya. *flashback "Ineng, parang gusto mo na yatang ubusin ang tinda ko? Kanina ko pa napapansin ang pananatili mo habang nakain ng paninda ko." Tila nabuhayan ang diwa ko matapos mag umpisa ng konbersasyon si manong na nagtitinda ng streetfoods sakay ng isang food cart. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko upang manatili doon ngunit may nag uudyok sa akin na manatili at maghintay sa gagawin ng lalaking nakikita ko. Ilang taon na ba ang nakalipas? Hindi ko lubos maisip na mananatili pa siyang maging pulis matapos ng kaso ng pamilya ko. Hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang gumawa sa kanila niyon ay hindi ako titigil.  "Ineng?" Napalingon akong muli kay manong bago ngumiti sa kaniya. "Ayaw niyo po yun? Mauubos ang paninda ninyo sa akin?" Natawa siya sa sinabi ko bago ako muling tumingin sa isang building kung saan siya madalas magtungo ng ganitong oras. "Sa ilang beses na nagpupunta ka dito ay napapaisip ako kung paninda ko ba ang iyong dinadayo o iyang building na tinitignan mo diyan." Hindi na ako nagulat sa pagiging interesante niya sa ginagawa kong pagtambay sa lugar ngunit upang itanggi ito ay mabilis na lamang akong nagpagpag ng damit bago kumuha ng pera sa wallet upang magbayad. "Manong sa susunod pupunta ulit ako dito para bumili sa inyo. Hindi talaga ako kumakain sa unibersidad para lang dayuhin ang street foods niyo." "Salamat ineng. Asahan kong babalik ka ha?" "Aba oo naman po manong." Saglit pa kaming nagpaalamanan bago ako tuluyang umalis. Kung maaari lamang sanang lapitan siya upang magtanong ngunit habang tumatagal ay unti unti akong natututo na hindi lahat ng tao ay maaari kong lapitan dahil maaaring may alam sila ngunit dahil maaaring may kinalaman sila sa pangyayare. Ayokong magbintang ng kahit sino o kung sarili man naming kabaryo ang maaaring gumawa noon. Sa ngayon ay kailangan kong malaman kung anong ginagawa niya at sino siya.  Nang sumunod na linggo ay sinubukan ko muling puntahan siya ngunit trauma lamang ang inabot ko ng gabing iyon. Ang akala kong normal lamang na insidente iyon ngunit isang trahedya pala na tatapos sa buhay ng asawa niya. Kulang na kulang pa ang panahon upang magpakita ako sa kaniya ngunit mas inuna ko ang kapakanan ni manong na malapit lamang sa pangyayareng iyon. Pababa pa lamang siya kasama ng asawa niya ngunit mabilis na nagkagulo ang lahat ng makarinig ako ng sunod sunod na putok. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila nabuhay sa alaala ko ang nangyare sa sariling pamilya. Nabalitaan ko na lamang na patay na ang asawa niya. Hindi ko pa siya lubos na kilala ngunit base sa ginagawa nito tuwing nagtutungo doon ay nakakasiguro akong hindi naman negatibo ang pagkakakilala ko sa kaniya. "Saan ka na naman nanggaling bata ka?! Puputi ng maaga ang buhok dahil sa stress sa iyo Karen Leigh!" Tulala ako ng makauwi ngunit hindi naman iyon napansin ni uncle kaya isinaayos ko ang sarili bagong napapabuntong hiningang binaba ang bag ko. "Ano? Ipapatawag na naman ba ako ha? Bakit panay ang buntong hininga mo dyan?!" Matapos maglakad patungo sa ref at uminom ng kalahating basong tubig ay napatingin ako sa kaniya. "Uncle, naisip ko lang... Pwede ba akong magtrabaho sa Cafe mo?" Tila napapalakpak pa ang binabae kong uncle dahil sa suhesyon ko. Maaaring iniisip niya na doon ko na lamang abalahin ang sarili kaysa makipag away sa school na wala man lang magandang gawin kundi ipatawag siya at bigyan ng warning. Kung hindi lang malakassi uncle sa admin ay sigurado akong ligwak na ako sa unibersidad na iyon. "Mabuti naman at may naiisip ka pa palang matino? Sa wakas at sinabi mo na iyan dahil naghihintay na lang akong magsabi ka. Nakakahiya naman kase sayo." Napailing na lamang ako bago nagpaalam na umakyat na sa sariling kwarto. Gusto kong bigyan ng space ang pulis na minamanmanan ko para sa namatay niyang asawa.Hindi ko lubos maisip na maaaring ganoon ang kahihinatnan ko kung sakaling makapasa ako bilang pulis. Subalit kahit na ano man ang mangyare ay buo naman ang loob ko upang malaman ang totoo sa kabila ng poot at lungkot na nararamdaman ko matapos nilang mawala. Ganoon ba talaga kapag nawawalan ng taong mahal sa buhay? Natututo akong pahalagahan ang bawat minuto? Naiisip ko kung hindi ko ipagpapatuloy ang pagiging pulis, sino ang gagawa upang makuha ang hustisya sa pagkawala nila? Hindi ko alam ang tinatakbo ng utak ni lolo ngunit marahil kahit papaano ay nalulungkot pa din ito dahil sa pagkawala ni mama. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon upang patawarin nila ang isa't isa. Sa kabilang banda ay hindi mawala sa isip ko kung paano nangyare ang mga putok ng baril na iyon. Kung kasama ko ba sila Papa ng gabing iyon, makakasiguro ba akong ligtas sila? O maaaring wala na ba ako sa mundong ito kung pati na ako ay mababaril at masasaksak nila? Siguro nga mali ngunit mas gugustuhin ko pang makasama sila kaysa mag isa kong harapin lahat ng ito sa hinaharap. *end of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD