Chapter 62

1063 Words
Buong araw wala akong ginagawa kundi magpaikot ikot lang sa buong kwarto. Hindi na ako ganoon nilalagnat ngunit sinisipon pa din ako at may kasamang kaunting ubo. Hindi ko din akalaing seseryosohin ng kapatid ko ang sinabi niya kaninang umaga. Nagpadala pa siya ng pagkain dahil may biglaan daw itong meeting. Kung hindi ko pa ito pagtatabuyan ay hindi pa ito aalis para sa meeting na iyon. I am definitely strong enough than I was a kid. Kahit papaano ay hindi na ako ganoon ka-sakitin dahil bukod sa abala sa pang araw araw kong ginagawa ay walang mag aalaga sa akin. I only have myself for over six years that's why I need to take care of myself. Hindi siguro sanay ang kapatid ko na ganito na ako sa tuwing nagkakasakit dahil noon pa man ay sanay na siyang ako ang palaging inaalagaan sa aming magkakapatid dahil sa dalas kong magkasakit. Sa dami ng pagkaing pinadala nito sa akin ay ito na ang inatupag ko habang bukas ang tv. Pa-minsan minsan din ay tumatawag sa akin si Kuya Jeri at nanay Cecile dahil nalaman nilang may sakit ako. Natigilan ako sa pagnguya nang marinig na may nag doorbell. Tamad na tamad tuloy akong tumayo bago sinilip kung sino ang tao sa labas. "What?" Hindi ko binuksan ang pnto at ginamit na lamang ang speaker na nakaconnect sa labas para makipag usap sa taong naroon. "May sakit ka ba talaga? Bakit parang dumoble yata ang init ng ulo mo?" Napabuntong hininga na lang ako bago muling nagsalita. "Bakit nga?" "Wala lang naisip ko lang baka nababagot ka na dyan sa loob." "Nang aasar ka ba? I'm busy. Do whatever you planned today." Hindi ko inalis ang pagkakunot ng noo ko kahit pa hindi naman nakikita ni Officer Garette ang mukha. Kanina ay siya din ang nag abot ng pagkain ko at pinipilit pa nitong pumasok sa loob kung hindi ko lang sinabi na mahahawa siya sa sakit ko. Masyadong concious ang isang ito sa kalusugan at halata naman dahil hindi ko pa ito nakitang hindi kaaya aya ang ayos. Natural lang din naman sa mga mayayaman ang maarte kaya bagay talaga sila ng kapatid ko. Parehong may kaniya kaniyang kaartehan sa katawan. "Yun nga ang malala dahil wala akong plano. Bakit ba kase linggo pa ngayon? Tinawagan ko si Officer Juarez kanina ngunit ayaw naman niyang maggala kasama ako." Siya na siguro ang mayaman na kaunti lang ang kilalang kaibigan sa Pilipinas. Marunong naman itong magsalita ng tagalog at dito din siya pinanganak ngunit mas madami pa siyang kilalang kaibigan sa ibang bansa kaysa sa lupang sinilangan niya. "Okay fine. To ease your bored why not help me with something?" Nakikita ko ang sarili nito sa screen na nasa gilid ng pinto kaya nakikita ko din ang reaction niya. Hindi ko dapat gawin ito dahil dapat ako ang gumagawa ng bagay na ito ngunit dahil wala naman siyang ginagawa at mapilit siyang inisin ako habang nanonood ng movie ay mas mabuti pang may pagkaabalahan din siya. "Nice! So, what is it? If it's about work, you should pay me!" Napailing ako dahil nagmando pa itong bayaran ko siya. Kung nakakalabas lang ako ay ako na ang mismo gagawa nito. "Okay. Listen..." Napahinga pa ako ng malalim bago sinabi sa kaniya ang gagawin nito at nang sumang ayon ito bago umalis ay bumalik na ako sa sofa at pinagpatuloy ang pinapanood. Hindi ko alam kung paano niya gagawin ang sinabi ko ngunit dahil kuryoso talaga akong malaman ngunit hindi makalabas ay sa kaniya ko na pinagawa iyon. Habang nanonood ay hindi pa din mawala sa isip ko ang napag usapan kagabi. Sa sobrang dami kong tanong ay gusto ko ng tawagan muli si- Naihinto ko tuloy saglit ang palabas bago kinuha ang telepono at hinanap ang numero na ipinantawag sa akin ni Officer Hans. Dahil alam kong buhay nga talaga siya ay mas nagkakaroon ng laman ang lahat ng nangyayare. Sinubukan ko itong tawagan ngunit sa kasamaang palad ay hindi man lang ito nag ring. Ano nga ba ang silbi ng pagtatago niya kung malalaman ko din naman na buhay siya? Sino ba ang tinataguan niya at bakit mas pinili niyang iwan ang anak niya imbes na dapat ay kasama nito siya? Dahil sa pag iisip ay hindi ko namalayang natawagan ko na pala si Uncle. Hindi ko alam kung alam ba nitong may kapatid pa silang isa ngunit alam ba din nitong pamangkin niya ang kasa-kasama niyang iniwan ko doon? Sa pagpapatuloy ng panonood ay hindi ko namlayang mas itututok ko ang sarili ang bawt eksena sa isang romantikong palabas. Sa sobrang adik ng kapatid ko sa romance ay hindi ko maitatangging maganda din naman ang mga napipili nitong panoorin. I have to look back on my past while watching this movie. Para akong inaalis sa mundong magulo dahil sa pinapanood ko. Sa sobrang reyalidad ng nasa movie ay nadadala ako nito. SA tuwing may nakakaluha sa eksena ay napapadalas ang pagtutok ko sa pagkain kaysa sa pinapanood ko. Sino ba naman ang hindi maiiyak kung kailangang umalis ng babae upang iwan ang lalaking bida para mailigtas ang sarili sa lungkot dahil nakikita pa nitong mahal ng lalaki ang ibang babae kaysa sa kaniya? Para akong nawala sa reyalidad at hindi ko namalayang dumating na pala ang kapatid at nakikinood na pala ito. "Are you crying?" Nagugulat akong napaiwas ng tingin dito at pasimple pang pinunasan ang sariling luha bago marahas na tumayo. "Kanina ka pa ba diyan?! Nakita mo ng sinisipon ako tapos sasabihin mong umiiyak ako?! Ofcourse not!" "Okay fine you are not. Did you already drink your medicine?" "I did." "Nasa baba si Brix. What's going on?" Nangunot ang noo ko at napalingon sa kapatid. "why?" "It's looks like he is doing something. He's not that type to talk to every staffs in this hotel as if he is stalking someone." Napailing pa ito habang nagpapaliwanag habang ako naman ay nagpanggap na inosente. Hindi ko alam kung paano niya gagawin ang pinapagawa ko ngunit mukhang kuryoso din talaga itong malaman ang gusto kong alamin. He's good. "Ewan ko doon, masyadong buryong buryo na sa buhay." If he finds something on that woman, It might be interesting to the Juarez Family. Finding something and investigating something about Juarez Family should be starting by now, and Officer Brixton Garette would find it out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD