Chapter 49

2112 Words
Sunday ngayon at imbes na magmukmok sa loob ng kwarto at magbawi ng tulog ay hindi pa man gaanong lumiliwanag ay nagbihis na ako ng komportableng damit upang lumabas at magsimulang mag jogging. Kailangan kong i-relax ang isip ko dahil sa mga pangyayare noong nakaraan ngunit bago pa man ako umalis ay isang taong agad ang narinig ko sa bagong gising na kapatid ko. "Okay ka lang?"   Sa tinagal tagal na pamamalagi ko sa condo nito ay hindi ko man lang magawa ang bagay na ito sa tuwing nagkakaroon ng bakanteng oras. Batid kong nalalaman na ngayon ng kapatid ko ang mga bagay na nangyayare sa paligid ko dahil sa kaibigan nitong ayaw na yatang umalis at umuwi sa tuwing may bagong bagay kaming malalaman.  "Where are you going?" Matapos magsalin ng tubig sa isang basong hawak ay saglit akong napatingin sa kapatid bago inumin ang tubig. Bakit ba nagtatanong pa ito kung alam naman niya kung ano ang isasagot ko?  "What about you? Pati ba naman linggo may pasok ka? Mabilis makatanda ang pagiging tutok sa negosyo. Ang mabuti pa samahan mo na lang kaya akong maglakad lakad para naman makahanap ka na ng bagong taga-luto mo." Naghintay pa ako ng ilang minuto bago kami sabay na lumabas upang maglakad lakad sa labas upang mawala ang lahat ng stress na nanatili na yata sa katawan ko ng ilang buwan. "It feels so good na nagkaroon ka na din ng oras sa akin. We should do this twice a week. Para naman kahit papaano ay umayos naman ang timpla mo sa tuwing magkikita tayo." Sa hindi mapangalanang dahilan ay imbes na huwag pakinggang ang mga sinasabi na na madalas kong ginagawa ay kabaliktaran ang nangyayare ngayon. Sinarado ko ang utak ko sa ibang bagay pansamantala. Ito na siguro ang pinaunang pagkakataon na makasama ang sariling kapatid na mag ikot sa buong lugar. Hindi ko pa naranasan ang ganitong klaseng bonding-kung bonding man itong maituturing. Masaya lang ako ngayon dahil kahit papaano ay may kapatid pa din akong tulad ng isang ito.  "Anong balita? Ano na ang kinukuwento ng bagong kapatid mo?" Imbes na magjogging ay nanatili pa din kaming naglalakad na ani mo'y parang namamasyal lang. Kahit na summer na ngayon ay ramdam ko pa din ang malamig na hanging sa oras na ito kaya naman magaan talaga sa pakiramdam ang maglakad lakad at mag ehersisyo. "What about him?" "Playing innocent?" Napailing na lang siya sa sinabi ko at nag umpisa na sa pag jojogging. Iniiwasan niya ang tanong ko at wala din naman akong balak na marinig pa ang sagot niya kaya sumabay na lamang ako sa ginagawa niya. Sa kalagitnaan ay napatigil ako upang huminga muna dahil sa nakakapagod na pagtakbo. Siguro nga ay kailangan naming ulitin ito tuwing sabado at linggo upang magkaroon naman ako ng malakas na istamina. Napapunas tuloy ako saglit ng pawis habang naglalakad pa din at sumusunod lang sa kaniya hindi kalayuan sa akin. Saglit pa itong tumigil sa pag takbo ng tignan niya ang gawi ko.  "Naisip ko lang. We should spend our whole day together today. Mukhang wala ka namang gagawin." I didn't expect na sasabihin niya ito ngunit imbes na tumutuol ay tumango pa ako na ikinatigil naman nito. "Really?" "Huwag ka ng magtanong at baka magbago pa ang isip ko." Nagpatuloy ang araw na iyon kung saan imbes na mag almusal sa condo ay sa baba pa ng condo kami kumain. Halatang nasiyahan siya sa pagpayag ko na samahan siya sa lahat ng gagawin niya ngayon.  Pabalik pa lang kami sa condo nang mapataas ang kilay ko dahil sa lalaking papasalubong sa amin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito at nakakapagtaka ding naririto ang presensya niya ng ganito ka-aga. "Anong ginagawa mo dito?" Sa ilang araw na pag absent niya ay wala akong nalalaman sa dahilan niya ngunit ayokong magtanong pa dahil halata namang wala sioyang balak sabihin sa akin kung ano ang dahilan niya. Dalawang beses pa nang sinubukan naming maghintay sa labas ng bahay nila ngunit kahit na isang beses ay hindi ito nagpakita hanggang sa malaman na lang namin kay chief na naka file ng leave ng ilang araw. "What are you doing here, Kayden Ace Juarez?" Imbes na sagutin ang tanong nito ay tumingin lang ito sa gawi ko. "Woah! anong meron?" Sadya talaga sigurong mapaglaro ang tadhana. Sinarado ko muna ang isip ko sa ibang bagay at inisip na magrelax lang ngunit sila pa talaga ang dadalaw sa araw na ito para pigilan akong magsaya.  "Let's go inside." Walang gustong magsalita kaya inimbitahan na lang ito ni Kuya na pumasok sa condo at ginawa pa talagang sumunod ng kaibigan nito upang makiisyoso. Wala akong balak magtanong dahil hindi ko naman kailangang malaman pa ang bagay na iyon. I don't want to cross the line.  Halos ilang minuto din akong nanatili sa banyo habang silang tatlo naman ay iniwan ko sa sala. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila at kung may balak an akong alamin 'yun ay kanina ko pa sana ginawa. Halata namang gusto niya akong makausap ngunit huwag ngayon.  Halos abutin ako ng isa't kalahating oras bago lumabas ng kwarto kung saan nagugulat akong madatnan sila na naglalaro ng play station. Hindi ko alam na mayroon pa lang video games dito ang kapatid ko. Halos ingay nila ang naririnig ko habang ako naman ay tumingin pa sa ref upang tignan kung anong pwedeng kainin kahit na kakakain lang naman naming ng breakfast sa ibaba. Hindi ko alam kung anong balak ng kapatid ko at nalimutan na yata nitong niyayakag niya akong lumabas kasama siya. Paano pa ba mangyayare yun kung kasama itong dalawa dito. Kanina lang ay parang seryoso at may tensyon ang hangin at ngayon naman ay mas matindi pa sa ingay sa planegke ang mga bibig nila dahil sa nilalaro nila. "Ang tagal mo naman. Kanina ka pa namin hinihintay." Nagtataka ako sa kapatid ko matapos nilang maglaro ay lumapit ito sa akin habang inaayos pa ang buhok. "Huh?" "Nakalimutan mo na agad? Ang akala ko ba ay sasamahan mo ako ngayong araw?" "Ang akala ko din ay tayong dalawa lang?" Natawa ito ng taasan ko siya ng kilay dahil wala akong balak na isama silang dalawa dahil wala naman kaming trabaho ngayon. "Mas marami, mas masaya. Tara na." Ang akala ko ay bonding lang naming magkapatid ang araw na ito ngunit nagkamali ako. Kahit na ganoon ay hindi ko naman sasakyan ang ginamit namin kaya kahit papaano ay nagkaroon ako ng tsansa na pagmasdan ang labas ng bintana habang bumabyahe kami sa lugar na gusto nilang puntahan. Walang kaong maisa-suggest dahil hindi naman ako ganoon ka-gala. Nagkaroon pa ng pagtatalo sa loob ng sasakyan kung saan kami pupunta ngunit sa huli ay sa mall lang din pala ang bagsak naming tatlo. I never had friends and roam a lot like this before and it's some kind of unusual to me.  "Dude, tinatapon mo ba lahat ng damit mo kada suot mo? Parang last week lang tatlong bagong coat yata ang nabili mo." Tamad na tamad ako sa pagsunod sa kanila. Kung tutuusin ay madalas pa kaming pagtinginan ng tao dahil ang ingay ng dalawang matanda. Matagal na silang magkaibigan ngunit parang wala pa din silang nalalaman sa isa't isa. Pasyonista ang kaptid ko kaya hindi ko itatanggi na suki talaga siya ng mga clothig stores.  "Are you getting bored here, too?" Napalingon ako sa isa pang kasama namin na halatang walang kahilig hilig sa pasyon pero maayos naman ang tipo nito sa pananamit hindi lang gaya ng kapatid ko na halos araw araw yata ay laman ng mga bagong labas na iba't ibang uri ng damit.  "Do you want Ice cream?" Napabuntong hininga na lang akong tumango para makaalis sa dalawang sakit sa ulong magkaibigan. Siguro sa susunod ay kailangan ko silang isama sa charity para malaman nila na hindi lang pag gastos para sa sarili ang kailangan nila. Nagpunta kami sa food court ng mall at bumili ng ice cream bago naisipang umupo habang hinihintay ang dalawa. " Are you sure na hindi ka pinilit ng kapatid mong sumama ngayon? You look bored." "How about you, why are you here?" Natigilan siya sa tanong ko at umayos pa ng pagkakaupo para sabihin ang rason niya. There's nothing wrong if I am curious but of course curious is not crossing the line. Mukhang napilitan lang din siyang sumama sa gala na ito at iba talaga ang rason niya kaya siya pumunta kanina. Iyon yata ang unang beses na pagpunta niya sa condo namin. " I just thought that you need my explanation why I didn't tell you I filed the leave last few days." "Do I really need to know about it? If I wanted to, I would file a leave without the awareness of my partner too-" "Nandyan lang pala kayong dalawa! Kanina pa namin kayo hinahanap. Let's eat." Nauna na ako sa pagtayo at na-una na ding umalis para hindi na nila ako hintayin pa bago sila maglakad papunta sa lugar na kakainan namin for lunch. "Saan niyo gusto kumain? It's my treat." Ngayon ay hindi maipagkakailang babae nga talaga kung gumasta ang kapatid ko kaya hindi na ako magtataka kung isipin ng marami na magkarelasyon sila ng bestfriend nitong si Garette.  "Obviously, ikaw ang manlibre dahil sinama mo kami dito." "Sa steak house na lang tayo." Nakakatawang siya din pala ang nasunod na pabor naman sa akin dahil suki ako ng karne kaysa gulay. Nakakatwang pagdating pa namin doon ay isang bagay ka agad ang pumasok sa isip ko kung bakit ito ang pinili niya. Noong mga bata pa kami ay dito namin pinipilit sina Mama at Papa kumain tuwing mayroong oras upang maglibang kaming lahat. Hindi ko na maalala ang iba pang detalye dahil maliit pa kami noon pero itong lugar na ito ang unang naging pagkakasundo namin ng kapatid ko. Pareho kami ng hilig sa pagkain ngunit maselan siya sa tipo ng karne na kakainin niya.  "It's nice to see you again, sir." Sa lahat ng restaurant, dito ang isa sa mga lugar na sigurado akong babalik balikan. Suki na ang kapatid ko dito at ngayon lang talaga niya ako naisipang dito dalhin.  Napailing p ako dahil sa pasaring ko sa madalas nitong pagpunta sa restaurant na ito ng hindi man lang niya naisip na matagal na din ang huling punta ko dito. "Order everything you wanted to eat," nagyayabang pang tugon nito sa aming tatlo habang nakatingin sa menu na hawak.  Matapos mag order ay tila napataas ang kilay ko dahil sa pagsingit na bulong nito sa kapatid ko. "Should I tell our main chef that you are here, sir?" Mukhang gayundin ang chef dito ay kilala na niya.  "Don't." Napansin ko pa ang pagtingin niya sa akin dahil narinig ko ang sinabi ng waitress bago ito sinagot ang tanong. Steak house ang pinuntahan namin pero malansa ang naaamoy ko. Ngunit imbes na asarin siya ay tinaasan ko na lang siya ng kilay na naging dahilan naman ng pagtingin din ng waitress sa akin. "Sir, hindi niyo naman po sinabing may girlfri-" "Everything is good right? WAla na ba kayong order?- That's all thank you." Matapos umalis ng waitress ay nakiha ko naman ang atensyon ng dalawa dahil sa mabilis kong tanong sa kapatid. Tahimik lang ako magmula pa kanina ngunit ngayon ay ginanahan na ako para asarin siya. " Hindi ko alam na sobrang napamahal na pala sayo ang resto na ito, kuya. Hindi ko na nga halos maalalang ito ang paborito nating resto dito." Huminga pa ito ng malalim bago sinagot ang tanong ko. "Minsan lang naman ako pumunta dito. Alam mong pihikan ako sa kinakain ko." "Phikan ka din siguro sa taga-luto ng pagkain mo?" Nanatiling seryoso ang boses ko ngunit kaunti na lang ay bibigay na ito para tuluyang matawa dahil sa pamumula ng mukha niya. "What are you trying to say?" "Nothing." Hindi na nasunod pa ang pag uusap namin at naghintay pa ng ilang minuto bago dumating ang mga inorder ng bawat isa sa amin. Hanggang sa mapalingon ako saglit sa gawi ng restricted area for employees only dahil napansin kong may nakatingin sa amin. Hindi ko sana papansin iyon ngunit nanlaki pa ang mata nito ng makita ako bago muling nagtago. "Okay, let's eat." Unang kagat pa lang sa karne ay sigurado kong tama lang na ito ang resto na gugustuhin kong balik balikan.  Sa kabilang banda ay saglit akong muling napalingon sa gawing iyon upang saglit na matigilan sa pagkain at napatingin sa kapatid. Namumula pa din ang mukha nito kung kaya't bigla akong may naisip na kalokohan ngayon. *to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD