Chapter 23

1323 Words
"Pinatawag niyo daw ako, Chief?" Pagpasok ko pa lamang sa opisina niya ay nandoon si Officer Leo at mayroon yatang seryosong pinag uusapan. Nagpaalam din agad ito kaya hindi na ako nag abala pang umalis at hinarap na lamang ang Chief Officer namin. Nanatili ang paningin niya sa akin bago umalis ng upo. "Hindi ko akalain na mangyayare ito. Pinatawag kita dahil gusto kong malaman kung paano nahantong si Officer Hanz sa ganoon. Ikaw ang partner niya kaya nakakasiguro akong may nalalaman ka sa mga nangyayare." "If you would allow me to go inside of this case, aalamin ko kung sino ang gumawa niyon sa kaniya. Sa pagkakakilala ko kay Officer ay hindi niya ugaling hindi magsabi kung anong mga ginagawa niya. " "Nasa labas siya ng apartment na tinutuluyan mo. " "Wala akong nalalaman na pupunta siya doon. Sino man sa mga kapwa ko pulis ay hindi pumunta sa building na iyon maliban sa akin. Sa pagkakaalam ko din ay nasa opisina na siya ng mga oras na iyon, habang ako naman ay malapit na din sanang makarating dito sa estasyon kung hindi ko lang nalaman ang nagyare kay Officer Hanz." Hindi ko alam kung anong gustog malaman ni Chief tungkol sa pangyayare ngunit wala akong balak na magbigay ng kahit na anong dahilan sa kaniya o ibedensiya na maaaring may kinalaman sa pangyayare. Ganoon na lamang ang paghinga ko ng malalim ng hindi ko narinig na magsalita si Juarez sa nangyare noongnakaraan. Alam kong may pareho kaming mata sa opisina na ito kaya hangga't maaari ay ayokong pagkatiwalaan ang kahit na sino. Matapos ng pag uusap namin ay saglit pa akong hinarang ng ilan sa mga Officers upang alamin ang nangyare o di kaya naman ay makiramay sa pagkamatay ng partner ko. Kahit na nilalambot ay hindi parang hindi ako napagod at napadpad na lamang sa anak nito upang tignan ang kalagayan niya. I saw myself on her. He used to bve with her parents but now, she has no one.  "Ate!" Nang makita ako nito ay nakangiti pa siyang kumaway sa akin. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng mga ngiti nito ay hindi na niya makikita pa ang Daddy niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya hanggang sa mapatingin pa ito sa kaliwat kanan na animo'y may hinahanap. " Wala po si Daddy?" "May pinuntahan k-kasi siyang malayo..Kaya a-ako lang." "Ganun po ba? binibisita niyo po ba ako?" "Oo naman. Wala naman akong bibisitahing iba dito kundi ikaw eh. Pagpasensyajhan mo na ang daddy mo ha? Alam mo naman kaming pulis..hindi ba?" Saglit pa kaming nag usap bago ako tuluyang kinausap ang nag aalaga sa kaniya. Halos hindi m,akapaniwala ito sa sinabi ko. Sinabi ko din dito na huwag na munang sabihin sa bata dahil sigurado akong masasaktan siya.  Sa kabilang banda ay hindi ako pinayagan ni Chief na sumali sa imbes tigasyon ngunit dahil sa katigasan ng ulo ko ay patago akong nakikipagkita kay Juarez upang malaman ang nakuha nilang impormasyon hanggang sa matapos lamang ng dalawang araw ay sinarado na din ang kaso. Hindi na ako nagulat pa sapagkat matagal na nilang ginagawa ang ganitong uri ng trabaho. Bago pa may maungkat na iba ay isasarado na nila ito upang wala ng iba pang matuklasan sa kaso. Ilang araw din akong nagpabalik balik sa daycare na iyon upang bisitahin ang anak ni Hanzel. Ayokong maramdaman ng bata ang pangungulila ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayare ay bigla na lamang siyang umiyak ng sumunod kong punta doon. "Sobrang layo ba talaga ang pinuntahan ni Daddy? Narinig ng mga kasama kong bata na hindi na daw babalik si Daddy! Uniwan na daw niya ako!" Wala akong magawa upang patahanin siya dahil ramdam ko ang nararamdaman niya. Minsan na din akong nawalan ng pamilya at hindi ko alam kung saan akong yayakap upang huminahon sa pag iyak. Mas mahirap ang sitwasyon niya sapagkat kahit na sinong kamag anak ang puntahan ko ay ayaw siyang kunin o ampunin. Iyak lang ito ng iyak habang ako naman ay nakaakap lang sa kaniya upang maramdaman niyang may tao siyang masasndalan o maiiyakan.  "I-ito ba?.." Isang beses pa ng isama ko si Juarez sa lugar na tinutuluyan ng bata. Hindi na ako nag isip na maaaring involve siya dahil Juarez siya. Kung ano man ang kinalaman niya ay ako mismo ang gagawa ng paraan upang tapusin siya. Araw araw at walang palya ang pag dalaw ko kasama si Juarez ngunit nanatiling hindi masaya ang bata. Nakakasiguro akong alam na niyang wala na ang daddy niya.  Isa sa pinakamasakit na mararamdaman mo sa buhay ay hindi ang hirap ng buhay kundi ang sakit maaari mong makuha kung sakaling iwan ka ng lahat kasama na din doon ang mahal mo sa buhay. Kahit anong hirap ng exam sa paaralan o di kaya naman sa hirap ng pagtatrabnaho at pagtataguyod ng pamilya ay mas malala ang sakit kung maiiwan kang mag isa. Sa edad na bente ay nawalan ako ng pakiramdam na maramdaman na magkaroon ng pamilya kong maituturing. Natuto akong pagsabayin ang sakit ng paghihirap sa reyalidad at sa sakit na reyalidad na mag isa na lamang ako at iniisip kung paano pa ba mabubuhay ng wala na sila sa tabi ko. I learned to realize na hindi sa lahat ng oras kasama mo sila. Na sa kabila ng sakit ng mundo ay nariyan sila upang pagaanin ang damdamin mo tuwing nalulungkot ka. Life is short. Life is unfair. Pinapahirapan na tayo ng totoong reyalidad ngunit pinapasakit naman tayo gamit ang mga mahal natin sa buhay. Ganoon nga siguro ang itsura ko noong nalaman kong wala na sila Mama. Nawala ako sa sarili ko kahit naiintindihan ko naman ang nangyayare ngunit kaya kong magtanong kahit na alam kong hindi naman masasagot. Ngunit ang batang katabi ko ngayon ay iba. Hindi siya kasing lakas ko. Hindi niya naramdaman ang maging masaya dahil bata pa lang siya ay pinagkait na sa kanya ang mga magulang niya. I should be punished for ruining his parents lives. Sa simula't sapul ay pamilya ko ang rason kung bakit siya nawalan din ngayon.   "Gusto mo ba ng Ice cream?" Imbes na magsalita ay iginalaw na lamang nito ang kaniyang ulo upang sabihing ayaw nito. Nasa isang playground pa din kame habang papalubog na ang araw. Maliwanag pa din ang paligid ngunit hanggang ngayon ay sigurado akong madami pa ding tanong ang bata sa kaniyang isip.  "Gusto mo bang sumama sa akin?" Sa isang banda ay isa lamang ang napipili kong paraan upang mapunta siya sa mabuting lugar. Kahit na may naiwan si Hanzel sa anak niya ay hindi sapat iyon para sa presensya niya. Gusto kong mapabuti ang bata at alam kong magiging masaya siya kung hindi ibang tao ang makakasama siya. "Sumama ka sa akin at hindi ka na mananatili dito, naintindihan mo?" Saglit pang nag angat ang ulo niya bago siya napatungo muli. Alam kong naintindihan niya ang gusto kong sabihin ngunit hindi sapat iyon upang maunawaan niya at marinig sa bibig ko. "Alam ko ba, ang sabi ng uncle ko. Kumain lang daw ako ng Ice cream tuwing nalulungkot ako? Ang sabi din niya sa akin na tumingin lang daw ako sa langit dahil makikita ko doon ang Mama at Papa ko?" Ganoon na lamang muli ang pag angat ng ulo niya dahil sa sinabi ko. Para bang nagkakaintindihan kame base sa ekspresyon nito. "Ang sabi ni Daddy nasa stars lang daw si Mommy." "At sigurado akong masaya na siya kasama ni Mommy mo. Sigurado din akong nakasalubong na niya ang Mama at Papa ko." Hindi ko tuloy napigilang tumingin sa langit katulad ng madalas kong gawin. Noong hapon ding iyon ay inayos ko ang papeles niya upang sumama sa akin. Ayokong pati na siya ay gawing pananggala ng mga kriminal na iyon upang itago nila ang sariling reputasyon nila. This time, hindi na ako magpapapigil pa kahit na buhay ko pa ang kapalit para sa hustisya nilang lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD