Chapter 46

1094 Words
"Are you sure you don't want to go inside?" Dahil walang dalang sasakyan ang mga kasama ay ako pa ang naghahatid sundo sa kanila. Kung tutuusin ay kung maaari lang ay dapat ko ng tigilan ito at hayaan silang sumakay sa mga sarili nilang sasakyan ngunit sa ngayon ay kailangan ko munang alamin kung tunay ngang patay na si Officer Hans o namamalikmata lang talaga ako. Bukod doon ay inaasahan ko naman ang dalawa upang maghanap ng bagong proweba na malapit sa amin ang kailangan ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba silang pagkatiwalaan matapos marinig ang mga usapan noong nasa Pangasinan pa kami. Siguro nga ay lumalaki na ang trust issue ko habang papalapit ng papalapit sa mga taong ito. Matapos mamatay ng lider ay hindi ako huminto sa pagsasaliksik sa mga nalalaman nito. Sa grupo namin nakaatas ang kaso kung kaya't ng mga sumunod na araw ay kinailangan naming magpabalik balik sa mga lugar na pinuntahan ng suspek. Dahil din sa pangyayare ay mas pinili ng grupo naming tigilan ang nakaatas na duty tuwing gabi at ibigay iyon sa ibang nakatokang pulis. Kinailangan din namin ang mga salaysay ng mga tauhan nito kabilang na ang taong kausap niya ng mga oras na iyon. Kung kailangan silang purgahin upang malaman lang namin ang katutuhan ay gagawin ko. Masyado ng tahimik ang isang buwan matapos pumanaw ni Officer Hans ngunit hindi pa din ako kumbensidong namatay nga ito. Hindi ko alam kung sinadya ba nitong ipakilala sa akin ang anak upang kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan ay alam niyang nasa maayos na kamay ang anak niya. Madami pa akong gustong itanong sa kaniya kaya hanggat maaari ay hindi ko sinasarado ang pag asang buhay pa siya. Sa kabilang banda ay nanatili lang ang paningin ko sa kotseng pumasok sa gate ng mga Juarez matapos ihatid ito papauwi.  "Cool," tila nakuha din ng sasakyan ang atensyon ni Garette dahil doon din siya nakatingin. Silang dalawa ang nakatoka sa gasolina kaya kahit labag man sa loob kong ihatid at sunduin sila. "Tara na." Hindi ko na pinansin pa ang tanong ni Juarez at papasok na sana sa loob ng sasakyan ng may sumigaw at papalapit sa gawi namin. "Hi Ms. Go." Hindi na sana ako nakipag usap pa saglit kay Juarez at mabilis na lang ding umalis. She look innocent and I am not. Hindi naman ako galit sa kaniya dahil sa nangyare noon ngunit ito ang bagay na inaasahan ko.  "We are having our lunch. Hope you won't mind joining us?" "I'm sor-" "Why not? This is my first time in the the of Juarez. Hi Mrs. Juarez, we saw each other again." "Are you the one- the elevator guy! Nice meeting you. I didn't know na may kasama pala kayo." Nanatili ang ngisi ni Garette sa asawa ni Oz na ani mo'y may naiisip na kalokohan.  "Wala naman kaming gagawin kundi kumain at matulog and it is nice ot be invited by you." I don't want to cross over on this land pero wala na akong nagawa ng lahat sila ay sumang ayon para makisabay sa tanghalian nila. Mas gugustuhin ko pang umuwi at magluto ng sariling pagkain kaysa magpunta sa lugar na ito. Para akong sinasakal ng hangin sa tuwing nandidito ako kaya mas iniisip ko na lang na bibilisan ko na lang sa pagkain dahil yun lang naman ang pakay ni Garette at umalis na para makahinga na ako ng maluwag. "Are you sure it's okay-" "May magagawa pa ba ako?" Napakamot pa sa ulo si Juarez habang patungo kami sa loob ng bahay nila. Sana lang ay wala dito ang mga magulang nila dahil mas makakaramdam ako ng tensyon kahit hindi naman na dapat ako makaramdam niyon. Papasok pa lang kame sa loob ng salubungin kami ni Oz. Nagugulat pa ito habang sinusuyod ang tingin sa amin bago ibinigay sa asawa niya ang sariling atensyon.  "Nice meeting you-" "My name is Brixton Garette. Actually, Rafaello tells me everything about you. I am grateful to finally meet you. We can talk some other time about businesses." Mali siguro na tinanggap ko pa ang kaibigan ng kapatid dahil tila pangalawang bersyon niya lang ang nakikita ko. Habang nag uusap sila ay saglit pa akong lumingon kay Juarez dahil sa pagtawag niya sa akin. Saglit na kunot lang ang itinugon ko matapos niyang magpaalam na aakyat muna sa kwarto para magbihis. Hindi ko alam para saan pa't nagpapaalam siya dahil wala naman akong balak alamin kung saan siya pupunta. Ngayon pa lang ay nagsisisi na akong pumayag akong sumabay sa pagkain sa kanila dahil tila nararamdaman ko ang mga tinginan nila mula sa gawi ko.  "We can wait for him in the dinning area. Wait- how should I call you from now on? Palagi tayong nagkikita pero palaging Ms. Go ang tawag ko." Napahinga pa ako ng malalim ng hilahin ako nito patungo sa dinning area nila. Sa tagal ng panahon ay wala pa ding pinagbago ang lugar na ito kaya hindi na nakakapagtakang alam ko kung saan ang pwesto ng dinning area nila. "L-leigh..." Sa hindi mapangalanang dahilan ay iyon ang lumabas sa bibig ko. Lahat ng mga taong malalapit sa akin ay Leigh ang tawag habang ang iba naman ay Karen na ang tawag sa akin. Hindi kami close at wala akong balak na maging malapit kami.  "You can call me Zeya." Imbes na makipagngitian ay tumango lang ako sa kanya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nag uumpisa na kaming kumain matapos makababa ni Juarez galing sa kung saan. Nanatili akong tahimik habang kumakain at paminsang tumitigil at nakikisabay sa pinag uusapan dahil kailangan kong magsalita sa tuwing magtatanong sila.  "At ikaw naman Ace, kailan mo balak mag girlfriend? Kahit na sino ay wala ka pang napapakilala sa amin ng kuya mo." Hindi ko alam kung bakit ako saglit na napangisi ako dahil sa pagtatanong ni Zeya. Sa isang buwan na naging kasama ko ito sa duty ay minsan napapaisip ako kung ano ba talaga ang kasarian niya. Minsan pa ng kumain kami sa gitna ng duty ay nakahiwalay pa ang huling daliri niya sa paghawak ng tinapay.  "Are you laughing at me?" Napalingon ako sa gawi nito dahil napansin niya pa iyon kahit na segundo lang iyon nagtagal sa labi ko. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?  "I am not." Minsan lang ako matatawa ay sa lamesa pang ito. Kung alam ko lang na pag uusapan lang din yan ay hindi na sana ako nakinig dahil sa nakakatakot na tingin ni Ace Juarez sa gawi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD