Chapter 11

1057 Words
"Bakit kanina ko pa nararamdaman ang pananahimik mo? May problema ba?" Habang ngumunguya ng street food na binili namin ay hindi ko mapigilang magtaka dahil hindi ko man lang siya naririnig magsalita. Parang kulang na lamang ay tunay na mawalan siya ng boses para masabing siya ay pipe. "Let's break up." Isusubo ka palang ang nag iisang pirasong kwek kwek nang matgilan dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa araw na ito tila biglang nawala ang masayang mood ko. "Anong sabi mo?" pag uuulit pang sabi ko. "Let's break up. I don't need I need you know. You can do what you want and go whenever you want." Nanatiling seryoso ang paningin nito at tila walang halong biro itong nakatitig sa akin. "Gutom lang yan. Pero sabi mo naman kanina wala kang gana? May problema ka ba?" "I am getting married to the girl I loved. Thank you for everything. I should go. She must be waiting for me." Natutulala ako sa bigla nitong pagsakay sa sariling sasakyan at mabilis na umalis. Nanatiling nakapikit ang matang naaalala ang isang bagay na matagal ko na'ng paulit ulit iniwawaglit sa isipan ko. Matapos imulat ang mga mata ay si Officer Hans ang nakita. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo roon habang hinihintay siya. "Marunong kang matulog na nakatayo?" Nagtatawa niya pang ikinaway ang kaliwang kamay malapit sa aking mukha. "What do you want to know? And what do you know?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at itinanong na ang pakay sa kaniya. "Ang seryoso mo naman Officer. Chill ka lang. May lakad ka ba at nagmamadali ka?" Katulad ng madalas kong ginagawa ay naglabas ako ng isang pirasong sigarilyo at sinindihan iyon. Habang malalim ang iniisip ay nananatili pa rin itong nakatingin sa akin ng seryoso. "What?" "Kilala mo yung mga lalaking nahuli natin noong nakaraan." Hindi ko siya sinagot habang umiihip ang malakas na hangin. Kaya ito ang madalas kong puntahan ay nakakapag isip ako ng walang kahit na sinong tao ang mangugulo sa akin. "Naghanap ako sa mga nakatambak na file sa basement room at may nakita akong pamilyar na kaso. Bagong pulis pa lamang ako ng mga panahong iyon kung kaya't alam ko." Tila lumakas ang loob ko ng magsalita siya tungkol sa isang bagay na hinihintay ko. Hindi ako nagkamaling si Officer Hans ang pinili kong partner sa lugar na ito. Maaring iniisip niyang may malaking dahilan nga ang ginagawa kong pagtitiis sa lugar na ito kung saan talamak ang mga droga at mga nagtatagong wanted mula sa ibang lugar. "Habang nagtatagal ay nakikita ko ang iteresante sa iyong mukha?" Tila binibitin ako nito at natatawa pa dahil sa kaniyang nakikita. "Sabihin mo na lamang ang kailangan mong sabihin." "Ano ang ugnayan mo sa pamilyang De Villa?" Walang nabago sa apelyedo ko kung kaya't maaaring hinalukay niya ang ilan sa mga papeles na nag uugnay sa pagkatao ko. Ni-minsan ay hindi ko itinatago ang tunay na katauhan ko ngunit maaaring nagiging misteryoso para da kanila kung sino ako dahil sa oras na maungkat iyon ay sigurado akong lahat ng nasa nakaraan ay muling mabubuksan. Hindi kilala ang pamilya namin sa lugar naito ngunit maaaring maraming nakakakilala sa mukha at ugali namin. Isa sa dahil kung bakit hindi nila nakikilala ang isang katulad ko sapagkat hindi sila maniniwalang madaming nabago sa pag uugali at kilos ko. "Anong nalalaman mo sa pamilyang iyon?" "Ito ang isa sa mga hindi ko malilimutang kaso ko. Maaaring tadhana na talaga ang ibinibigay upang magkita at magkausap tayo ngayon. Ang papel na nasa loob nito ay ilan sa mga dokumentong nagsasaad ng kaso tungkol sa pangyayaring iyon." "Peke maaari ang nakita mo." Tila sumilay ang napakagandang ngiti nito matapos ng sinabi ko. Kinuha ko sa kamay niya ang ilang dokumento at isa isang tinignan ang mga papel. Ilang saglit pa ang nagtagal bago ako natapos sa pagbabasa habang nanatiling pinagmamasdan ako ng may pagdududang tingin. "Base sa report na nakalagay diyan, ang ama at ina ay kasama ng panganay nitong anak ay namatay dahil sa tama ng baril. Sinusuwerte pa ako ng makita ko itong dyaryo sa pagitan niyang kaso." Maliit na papel lamang iyon at tila sinadya pang punitin kung saan nababasa ko ang tungkol sa pagkamatay ng isang pamilya at naiwang nakaligtas ang nakakabatang anak ng mga ito. Magaling mag imbestiga si Officer Hans dahil nagawa niyang maghalungkat ng nakaraan matapos lamang ng ilang araw. "Maaaring kakaibang hindi man lang kita namumukhaan? Hindi mo ba ako nakikilala?" "Una pa lamang ay kilala na kita. Alam ko kung sino ka at nakakatuwang suwerteng ikaw paang naging partner ko sa police station na iyon. Maaaring maraming nagbago ngunit ang nakaraan ay nananatili pa din. Sarado na ang kaso ngunit tila may kakayahan ka upang buksan iyon?" Ilang buwan akong nananatili sa lugar na ito ngunit tila maraming bagay na lumilitaw na kakaibang nagagawa ni Officer Hans. Mataas ang katungkulan ko sa kaniya ngunit tila ako ang bgo sa aming dalawa ngayon. Hindi tulad ng mga nakaraan na tila lutang siya at kung saan saan napapadpad ang isip, ngayon ay makakatulong pa upang mabuksan na ang kasong matagal ko ng hinihintay. Ilang oras pa kaming nanatili doon habang tila parehong malalim ang iniisip. Alam niya ang pasikot sikot sa basement. "Mukhang hindi mo na kailangan pang magpahinga at ituon lahat ng oras mo para sa hustisya?" Sinubukan ko na noong patahimikin na lamang ang sarili at gumawa na lamang ng panibagong buhay ngunit sa tuwing nag iisa ay doon lamang pumapasok sa isip ko na hindi sasapat ang pananahimik upang tulyang makalaya. "Nakakapagtakang mabilis kang nakakahanap ng paraan upang alamin kung sino ako?" "Marami na nga talagang nabago sa iyo. Sa aking pagkakatanda ay madaldal ang batang kilala ko noon ngunit tila pipe at kakaiba na ang kilos ngayon." Hindi ganoon kalayo ang agwat naming dalawa ngunit alam kong mas marami siyang nalalaman sa lugar na ito. Minsan ay isang beses sa isang taon ko lamang siya nakikita sa lugar na ito ngunit ngayon ay halos araw araw at partner ko pa. "Linggo ngayon, nasaan ang anak mo?" Alam ko ang ikinamatay ng asawa niya kaya alam ko ang hirap niya kung paano ba papalakihin ito ng maayos. "Sa tingin ko ay mas maganda kung sasamahan mo akong sunduin siya." ****to be continue****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD