Chapter 73

1454 Words
I always see the world extra ordinary. It feels like I have to remember everything in this world. I wanted my memories to last forever. I am not completely happy because It looks like I am finding something I don't know what is it. Para lang akong nakalutang at iniisip kung ano ba ang magagawa ko at maitutulong ko sa mundo. "Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang tinig ni Theo. Hindi ko namalayan na sinasabayan pala ako nito sa paglalakad. "Ang akala ko ay umuwi ka na?" Masyado ng hapon ngunit nakikita pa din ang liwanag. Kinailangan ko kasing sabayan ang ibang mga kasama sa isang organisasyon na kinabibilangan bago umuwi. I am not that smart pero napapaligiran ako ng mga matatalino sa paligid ko. "Kanina pa kita hinihintay sa labas ng gate. Late na naman kayo natapos dahil may event na naman?" Tumango ako bilang tugon dito at sinabayan siya sa paglalakad. Nakilala ko si Theo noong mga bata pa lang kame. Hindi ko nga inaasahan na hanggang sa high school ay susundan ako nito. "Theo, anong pangarap mo?" Bigla ko iyong nasambit habang naglalakad. "Well... I am finally thinking about that. What about you? Anong pangarap mo?" Napalingon ako sa kaniya habang naglalakad at mabilis na iniiwas din ang sarili upang tignan ang dinadaanan. "Ang totoo ang unang pumapasok ko ay maging isang pulis." "Kung ganoon ay gusto ko ding maging pulis!" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya na nagtataka. "Hindi porket gusto maging pulis, gugustuhin mo na din!" "Bakit ba! Eh sa gusto ko ding maging kagaya mo!" Tinanggap ko iyon bilang biro sa pagitan naming dalawa at nang naglaon ay nagtuloy na kaming muli sa paglalakad. "Ang totoo ay hindi ko alam kung anong gusto ko. Gusto kong maging pulis dahil binase ko kung ano ang madalas kong gawin. Naalala mo noong mga bata pa tayo? Kung wala ako doon ay siguradong hindi tayo magiging magkaibigan!" Natawa siya sa sinabi ko imbes na maasar na ipinaalala ko sa kaniya ang nakaraang iyon. "Kung gusto mong maging pulis ay gusto ko din kung ano ang gugustuhin mo! Hindi mo ba inisip na kaya kita kinaibigan dahil gusto kong maging kagaya mo? Sa sobrang duwag ko noon ay hindi mo maaalis sa akin na humanga sayo ng mga panahong iyon!" Paano kung ayoko pala talagang maging pulis, gugustuhin niya pa din ba ang gugustuhin ko? Patuloy akong binagabag kinagabihan ng makauwi galing sa eskwela. Hindi ko alam kung ano ang mangyayare sa hinarap at hindi ko din alam kung anong klaseng tao ako sa mga susunod na tayo. Hindi ko makita ng malinaw kung ano ang future. Kung gagaya ba ako sa pangarap ng mga taong malapit sa puso ko, ay mamahalin ko din ang propesyon na kagaya ng sa kaniya? Magiging masaya pa ba ako? It's been hours pero kahit na anong gawing pwesto para makatulog ay walang saysay. Gusto ng magpahinga ng katawan ko ngunit kahit na anong gawin ko ay gising na gising pa din ang diwa ko. I never imagine na babalik ako sa ganito. It looks like my brain is the world at lahat ng mga nangyayare sa paligid ko ay sabay sabay na nagpe-play sa utak ko. I wanted to go outside and continue searching but I don't know where to start again. It looks like I am lost, again. Hindi tama ito dahil nakabukas na ang kaso. Nakasindi na ang ilaw na dadaanan ko para malaman ang pagkamatay ng pamilya ko ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din ako kumbinsido kung magiging masaya pa ba ako. One day, It looks like a perfect world and only matters is the happiness around me and then, the next day I am in the dark trying to find even a small light to walk through the just. Hindi ko din alam kung galit ba talaga ang naging dahilan ng pagiging makalimutin ko sa nakaraan. Noong nakita ko si Theo kagabi, hindi ko alam kung bakit parang sila ang kusang bumabalik sa akin upang ipaalala na hindi naman ako ganito at kailangan kong magising sa nakakatakot na panaginip na ito. Bago pa maubos ang oras ko sa kakaisip ng ganitong mga bagay ay naghanda na lamang ako para sa panibagong duty. Matapos makaligo ay imbes na magbihis ng uniporme ay pambahay muna ang isinuot ko bago lumabas ng kwarto. Napalingon ako saglit sa gilid upang silipin kung nag eersisyo pa din si Juarez. Hindi ko iniisip ang sinabi niya kanina dahil magulo pa ang isip ko sa ibang bagay. May mga pagkakataon din naman siya lang ang laman ng isip ko kahit na akong gawing pagbura ng mga pangyayareng naaalala ko. Nagtungo ako sa rooftop para magpahangin. Hindi na lingod sa kaalaman ko ang bahaging ito. Sa sobrang pwedeng gawin sa lugar na ito ay mas gugustuhin ko dito na lang din tumira katulad ng iniisip ni Officer Garette. Ito yung lugar kung saan makakapag isip ka ng ayos at walang ingay ng mga sasakyan na maririnig o di kaya naman kapit bahay na nagpapatugtog ng mga rock songs. Hindi ko na din kailangang samaan ng tingin ang mga nagchi-chismis tuwing papasok at lalabas ng elevator. Katulad ng madalas kong gawin tuwing hindi makatulog ay kumuha ako ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan iyon. I am not a fan of cigarettes not until I take it to calm my nerves. I wanted a peace of mind. "Naninigarilyo ka na naman?" Napalingon ako sa nagsalita bago muling tumingin mula sa malayo. Hindi pa din pala umaalis itong si Juarez. Ang akala ko ay pumunta lang siya saglit dito at uuwi na din ngunit hindi ko inaasahang pareho sila ni Officer Garette na nahumaling na sa lugar na ito. Ilang minutong naging tahimik ang paligid at nang tuluyang maubos ang sigarilyong nasa bibig ay muli akong kumuha ng isa at sinindihan iyong muli. "What are you thinking?" Hindi ko inaasahang magsasalita siya bigla. "Wala ka bang balak umuwi?" Natawa ito sa sinabi ko. "Sa pagkakaalam ko kase ay hindi pa tayo tapos mag usap kanina kaya hindi ko na ginawang umuwi." Ang akala ko ay tapos na siya sa pangyayare kanina ngunti heto't kinukulin na naman ako nito habang pinapakalma ang sarili mula sa tanawing nakikita. "Mabilis akong makalimot." "What?!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at napaatras pa papalayo sa kaniya. "Ano ba? Wag ka ngang sumigaw!" Seryoso naman ang pananalita ko ngunit parang bata naman ang kausap ko. "Gusto mong ipaalala ko sayo?" Imbes na sumagot ay hindi ko na lang pinansin ang kahibangan niya bago muling nagpatuloy sa pagtanaw sa malayong mahagi kung saan naroon ang syudad na puno ng mga nagtataasang gusali. "Balibhasa kase ang manhid mo. More than friends pala!" Malakas ang pagpaparinig nito ngunit wala ako sa mood para makisakay sa trip niya. Kahit na anong gawin ko kasing pagtutok sa sinasabi nito ay nanatili ang isip ko sa kung saan. "Nasasaktan ka dahil may sakit iyong Theo na iyon? At talagang pinuntahan mo pa talaga siya para malaman kung anong lagay niya? Sana nagtagal ka pa doon!" Sa isang banda ay hindi ko napigilang mapangisi sa mga naririnig dito. Okyupado nga ang utak ko ng ibang bagay at hindi ko akalaing ito na namang lalaking ito ang kasama ko. "Ngayon ko lang kasi siya muling nakita matapos ng ilang taon." Normal naman ang pananalita ko ngunit may nakasabit pa ding pang aasar sa sinabi ko. "Ang tibay mo! Talagang sa akin mo sasabihin yan?!" "Theo is sick long time ago and he's right. We are not friends." Matapos ibuga ang usok ng sigarilyo ay muli akong tumingin sa gawi nito upang ipagpatuloy ang sasabihin. "He is my responsibility." Natawa siya sa sinabi ko habang ako ay nakangiti pa din sa harap niya. Nakikita ko ang lahat ng klase ng reaksyon na ipinapakita niya kaya hindi na wawala ang ngiti sa labi ko. He's not capable of doing something like Officer Hans saying. He's part of Juarez family but he's not part of the claim of being a suspected murders. "Binabusted mo ba ako?!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil sa muling sinabi nito. Hindi ko naman alam na ganoon ang sasabihin niya ngunit hindi ko mapigilang matuwa upang kahit papaano ay maiiwas ang sarili sa muling pag iisip. Whenever I think of the past, siya lagi ang nasa tabi ko and he would do stupid acts na siyang ikakatawa ko. "May sinasabi ba ako?" Inupos ko na ang sigarilyo matapos ang huling pag ihip ng usok bago muli itong tinignan dahil mukhang natigilan ito. Bago pa siya magsalita ay pumasok na akong muli sa loob upang maghanap ng pagkain dahil sa gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD