Chapter 52

1175 Words
"Good afternoon," bati ni Officer Juarez matapos pumasok sa loob ng sasakyan habang ako naman ay tumango lang at minaneho na ang sasakyan papunta ng istasyon. Ang agenda naming ngayong araw ay hanapin ang sasakyan na ginamit ng lalake sa likod ng pagkakaroon ng pera ng mga tauhan ng isa sa mga wanted ng lugar na ito. Ngunit pagpasok sa opisina ay agad kaming pinatawag sa hindi ko nalalaman na dahilan. Dalawang araw lang akong nawala ay mayroon na naman yatang naganap. Nadinig ko sa mga ilang pulis ay bad mood daw si Chief kaya naman hinanda ko na ang sarili para saluhin lahat ng galit na maaari nitong ibato sa akin. "Good afternoon, chief." Sumaludo ako dito habang siya naman ay tutok naman sa ginagawa nito.  "Officer De Villa, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Napag alaman ko sa tropa na nagtutungo ka daw sa presinto para sa hindi ko na lalaamang dahilan. Wala akong nalalamang may bagong report ka para sa namatay na drug lord? Anong nakalap mo at anong ginagawa niyong tatlo? Hindi ba dapat ay inirereport niyo ito sa opisina ko?" Napakatransparent ng aksyon namin kaya maaaring matuklasan talaga ng nakakataas sa amin ang ginagawa ko. Dahil kilala ko ang ilang pulis na nakadestino doon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon upang makausap ang ilan sa kanila ngunit isa lang ang nakuha ko at kulang pa. Kailangan tuloy namin mangapa pa ng ilang mga bagay na makakapagturo sa amin kung na saan ang lalaking hinahanap namin.  "Officer De Villa?" Natauhan lang ako dahil sa boses ng chief officer kaya inayos ko pa ang sarili bago tuluyang sinagot ang tanong niya. "Yes sir! Napag-alaman namin na may pumopondo sa kanilang pagtakas kung kaya't nahirapan kami na matunton sila. Hindi ko na nailagay sa report dahil biglaan ding namatay ang tinuturo nilang lider nga mga suspek-" "Natunton niyo ba kung sino sila?" Natiligilan ako dahil sa mala interesado nitong tinig ngunit nanatiling normal lang ang reaksyon ko. "No, sir! Wala pa kaming hawak na kahit anong makakapagturo sa amin sa pumopondo sa mga wanted na ito. Makakaasa kayong sa oras na may makalap kaming kaalaman sa pagkakakilanlan nito ay mabilis akong gagawa ng report." Tumango tango pa ito bago ako pinalabas na ng opisina niya. Hindi ko alam kung bakit parang nagkakaroon ng sense ang pagsisinungaling ko at saan ito pumupunto kaya kailangan kong mag ingat. Wala akong dapat pagkatiwalaan sa mga impormasyong nakukuha ko. "Anong sabi ni Chief?" Ganoon agad ang bungad ng dalawa nang makabalik ako sa lamesa't upuan ko. Nagtataka sila dahil ako lang ang pinatawag. Hindi ko sila sinagot at umupo na lang muna bago inayos ang mga papel sa lamesa ko bago ko binuksan ang computer upang magscan sa website ng stasyon.  "Anong ginagawa mo?" Tumingin pa si Officer Garette sa monitor kaya ganoon na lamang ang mabilis ding pagtayo ni Officer Juarez mula sa sariling upuan area nito at tinignan ang ginagawa ko. Kailangan ko ng bagong impormasyon kaya inuna kong hanapin ang kaso ng mga drug users sa lugar na ito. Maaaring malayo sa katotohanan ngunit kailangan kong subukan. Hindi ako nagsalita at nakaktutok lang sa monitor ng ilang minuto habang binabasa ang report. Hindi ko akalain na report pala ito ni Officer Leo. Sa kasamaang palad ay nasa pang umagang duty siya ngayong buwan kung kaya't hindi kami nagkakatagpo sa loob ng istasyon. nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa mapatigil dahil sa isang van sa hindi kalayuan. Litratong kuha ito ng isa sa mga pulis kung saan pinapakitang nakaposas ang ilan sa mga drug users habang may mga nakapalibot na tao sa hindi kalayuan. Sinubukan ko pang magsaliksik sa mga pictures hanggang sa matigilan ako dahil sa kotseng nasa malayong parte ng kuha. Nandoon ang isang crossover utility vehicle kung saan may plate number na OY23-3486. Halos inabot ako ng isa't kalahating oras bago ako tumayo para simulan na ang pagroronda sa lugar. "Anong meron, Officer? Bakit parang bigla kang naka-mute ulit? Parang kahapon lan-" Bago pa niya simulan ang usapan ay mabilis kong itinapal ang hawak na papel at pinatago iyon at nag abot ng isa pa at ibinigay kay Juarez bago ko paandarin ang sasakyan. Pareho ko silang parner at ito ang unang trabaho namin para tuntunin ang sa mga taong kasama ng druglord upang makausap sila. Base sa obserbasyon ko ay matagal na silang may koneksyon sa hindi mapangalanang tao. Nakalaya ang dalawa sa kanila kaya doon kame magsisimula habang ako naman ay susundan ang bawat kilos ni Officer Leo.  "Base sa sinabi ng kanang kamay ng drug lord na namatay- base sa sinabi ni ex Officer Derino, hindi niya kilala ang taong nagpopondo sa kanila ng mga illegal na gamot na binebenta at ginagamit nila ngunit isang beses ay napansin niya ang isang crossover utility vehicle na paalis kasama ng ilan pang mga tauhan na kasunod ng isang van. Hindi niya nakikilala pero base sa pagkakaalala niya ay mga nasa mid 30's daw ang lalake. Nakatalikod niya itong nakita kaya hindi niya matukoy ang mukha nito." Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang nag iikot sa lugar habang ang dalawa naman ay nag uusap sa mga nangyare noong wala siya. "Alam ni Chief ang ginagawa natin ngunit hindi ko sinabing may nalalaman na tayong kaunting impormasyon. He looked curious. Kailangan nating maghiwalay para makahanap ng bagong impormasyon. Tatlong bagay ang kailangan nating alamin. Ano ang kinalaman ng taong ito kay Officer Hanz? Bakit niya kailangang pondohan ang ganitong uri ng mga tao? At anong kinalaman ng kasong ito sa mga kasong sinusulusyunan namin ni Officer Hans. Ngunit ang pinakamalaking problema, wala kaming bagong kasong inuungkat at hinahanapan ng sagot kundi ang Family De Villa case." Inihinto ko ang sasakyan sa isang madilim na gilid at pinatay ang gasulina bago tumingin sa kanilang dalawa.  "Kayong dalawa ang nakatoka sa paghahanap ng sasakyan na iyan at ako naman ang magmamanman kay Officer Leo." Hindi ko pa hustong nakikilala ang kalaban kaya kailangan kong alamin kung ano ang pakinabang niya sa mga ginagawa ko. Alam ko malaki ang ginagampanang role ni Officer Leo at gusto kong malaman kung ano iyon. "Bakit si Officer Leo? Anong meron sa kaniya?" "Siya ang gumawa ng report tungkol sa drug lord na namatay sa selda pitong taon na ang nakakaraan. Nakatakas ang drug lord na ito sa isang taong pananatili niya sa selda. Gusto ko ding alamin kung paano ito nakatakas at kung sinoa ng mga maaaring tumulong sa kaniya at ang dahilan na ito. Matapos ng ilang taong paghahanap ay isa ito sa mga lumitaw sa drug operation namin sa santolan street..." "Ibibigay ko ang ilang detalye mamayang umaga. Sa ngayon ay manatili tayong walang alam sa pagkakakilanlan ng taong tinutukoy ng ex Officer." Walang kumibo sa kaniya kaya napalingon ako sa gawi nila at nagtataka ang ibinigay na reaksyon. "Pareho tayo ng iniisip di ba, Officer Juarez?" "H-ha?" "Mukhang malabo na nating makikita ang taong kasama lang natin kahapon. She change easily." Napakamot na lang ako sa sintido at muling binuksan ang sasakyan upang lumibot sa buong lugar. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD