Author's Note:
Before the continuation of my story, I would like to acknowledge that illegally copying of my story/ies will considered copyright infringement. It is illegal to copy large sections of someone else's copyrighted work without permission, even if you give the original author's credit . Under Philippine law, copyright infringement is punishable by the following: Imprisonment of between 1 to 3 years and a fine of between 50,000 to 150,000 pesos for the first offense. Imprisonment of 3 years and 1 day to six years plus a fine of between 150,000 to 500,000 pesos for the second offense. I have the rights of my work and to sue who will copy my story/ies on this site or even in different platforms. I am a registered writer in the Philippines and If you got caught I will sue you upon copyright infringement.
------
Nabuhay ang tensyon sa paligid ng lumabas ako mula sa sasakyan ng maiparada ko ito sa isang gilid. May ilang sumaludo ng makita nila ang pagdating namin. Sa kabilang banda ay may kinikimkim na ka ba ang unti unting bumubuhay sa sariling isip at dibdib habang papalapit sa lugar ng krimen.
"Ang pangalan niya ay Gael, labing pitong gulang. Ayon sa mga nakasaksi ay nakita pa nila itong pumunta sa isang tindahan sa baba ng tinutuluyan nitong apartment dis oras pasado alas kwatro imedya ng hapon. Ayon sa kaniyang ina ay wala siyang kaalam alam na tumungo ito sa tindahan at bumili ng mga junkfoods at alak upang mag inom. Amoy alak ang biktima at binawian siya sa predicted time na alasingko ng hapon. Sa ngayon ay tinitignan pa ang mga naturang cctv malapit sa naturang apartment nito."
Natuon ako sa pagmamasid sa paligid ng marinig si Officer Juarez na binabanggit ang mga impormasyon mula sa sa isang envelop na ibinigay ni Officer Leo kanina.
"Officer!"
Napalingon ako sa aking likod ng marinig ang isa sa mga kapwa pulis at isinenyasan na tumungo kame sa sasakyan niyang nakaparada habang ipinapakita ang hawak niyang USB.
"Ayon sa cctv na nakuha namin ay nakita kang lumabas sa building ng mga ala singko imedya ng hapon."
Seryoso akong napatitig sa laptop niya habang umaandar ang video roon.
"I've been living here for almost five months and maybe... yeah, maybe this is my first time being involve with crimes." tumatango ko pang saad habang patuloy na inuulit ang nasabing video.
"From the start naman ay lapitin ka na ng disgrasya di ba?" natatawang pagsingit pa ni Officer Juarez mula sa aking tabi.
"Thank you for your order ma'am," nakangiting sabi ng kahera.
Matipid akong ngumiti at maingat na ikinuha ang sariling tray na may lamang Ala King chicken fillet with large size of fries, a piece of burger, and a meduim size of coke. Kailangan ko ng maraming enerhiya bago tumungo sa Police station. Ito ang unang araw ko sa trabaho kaya naman kailangan kong lagyan ng laman ang utak para hindi ako mapahiya. Alam ko ang hirap na ibinibigay sa mga pulis na babae kaya naman bago sumabak sa laban marapat na may laman ang tiyan ko.
"s**t!"
Hindi ko napigilang magulat ng may biglang bumangga sa aking gilid na naging dahilan ng pagkahulog ng mga pagkaing laman ng tray.
"Sorry miss! Hindi ko sinasadya."
Agad na naagaw ang atensyon ng mga tao sa aming gawi kaya mabilis akong napatungo at na patingin sa lalaking nagpupulot ng mga natapong pagkain.
"Ay sir! kami na pong bahala maglinis niyan." pag agaw naman ng manager ng fastfood at ipinukaw naman ng pansin ng lalaki ang sarili niya sa akin habang nakakunot noo at may reaksyon humihingi ng paumanhin.
"Papalitan ko na lamang iyang ibinili mo. I am very sorry. Nagmamadali kase ako."
Mabilis na tumungo siya sa counter at mabilis na umorder ng mga pagkain na katulad ng ibinili ko. Hindi ako umiimik at nanatiling pinapanood ang kaniyang mga ikinikilos.
"Hoy, Officer! Naestatwa ka na riyan? Tara na at kailangan na nating kausapin ulit ang mga witness."
Napaayos ako ng tayo bago nagawang sumunod sa kaniya. Hindi ko kilala ang mga ilan sa mga taong nakatira sa lugar na ito sapagkat sa loob ng limang buwan ay tanging opisina at diretso sa kwarto tuwing umuuwi ako.
"Dito ka nakatira Officer, wala ka naman bang mai-share na naiisip mo ngayon? May nakita ka bang kakaiba bago ka umalis kanina?"
Nakatira ako sa ika-tatlong floor ng building at sa ikalawang floor naman nakatira ang biktima ngunit kahit anong pag iisip ay wala akong napansing kakaiba sa- si Mang Raul!
"Dala mo ba ang laptop? Akin na at papanuorin kong muli."
Napatigil pa ako sa paglalakad para lang sabihin iyon.
"Kanina bago ako sumakay sa sasakyan ay nakausap ko pa ang isa sa pamilya ng tenant sa lugar na ito. Mukhang magtatapon siya ng basura dahil sa bitbit bitbit niyang malaking sako."
"Raul Menuro? Kasali siya sa witness at suspek. Kailangan natin muli silang makausap upang kumpirmahin ang alibi nila. Sa ngayon lahat sila ay suspected witness or criminal sa kasong ito."
Nagtuloy lamang kame sa pag akyat hanggang makarating sa isang kwarto sa ika-dalawang palapag.
"Sir, hindi pa din po ba kame pwedeng umalis? Alas diyes na ng gabi at kailangan ko pang magpahinga sapagkat may klase ako bukas ng umaga."
"Oo nga naman sir! kanina pa kame dito. Hindi pa ba sapat yung mga sinabi namin sa iyo? Kaibigan ko si Gael pero wala na siya! Kailangan din naman naming magpahinga."
Naagaw lamang namin ang atensyon ng bantay sa mga witness bago siya tumango sa amin at umalis.
"Ikaw pala iha. Ikaw ba ang humahawak sa kaso?"
Matipid akong ngumiti at tumango bago isa isa silang pinapunta sa isang kwarto upang imbestigahan.
"Kailangan ba talaga paulit ulit pa naming sabihin ang mga alibi namin? Naglalaro lang ako ng video games ng mga oras ng pangyayaring iyon. Oo tinawagan niya akong mag inom daw kame dahil may problema siya ngunit dahil busy din ako sa paglalaro ay hindi ko na nareplyan pa." saad ni Mico na isa sa mga nakakita sa bakanteng lote.
'Mico, labing siyam na gulang. Nakatira sa dulong bahagi ng ikalawang palapag,' tumatango ko pang saad sa isip.
"Ang sabi ni Mrs. Cencio ay guro daw siya ni Gael ngayon taon at madalas daw itong hindi pumapasok sa eskwela kaya naman ay noong mismong hapon matapos ang klase ay nagtungo siya sa bahay nito upang makausap siya at malaman ang dahilan nito. Ikinumpirma naman ng ina ni Gael na kinausap nga siya ni Mrs. Cencio bago mangyare ang kalkuladong oras ng krimen."
"Ayon naman sa pakikipag usap ko kay Mang Raul ay naglilinis siya ng apartment niya at noong oras ng makita ko siya ay magtatapon siya ng mga nakaimbak na lumang gamit."
Mula sa loob ng sasakyan ay patuloy kaming nag iisip patungkol sa mga alibi na ibinahagi sa amin ng apat na suspek kanina lamang. Sa totoo lang ay lumilipad ang isip ko mula pa kanin ngunit dahil kailangan mairesolba ang kasong ito ay wala akong magagawa at patuloy na kikilos upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Gael.
Isa lamang siya sa bilang ng mga batang nadawit at biktima ng krimen sa lugar na ito.
"Sa ngayon ay magpahinga na muna tayo at bumalik na lamang bukas. Napagod ako sa kakaunting ginawa natin ngayong gabi. Wait! Ako na ang magmamaneho."
Mabilis na nagresponse ang sariling katawan at lumabas ako mula sa sasakyan patungo sa kabilang bahagi. Gusto din magpahinga ng sariling utak ko dahil sa mga bagay na nagbibigay ng dahilan sa akin upang maalala ang nakaraan.