Chapter 39

1239 Words
Didn't you forget where you really belong? Kung noon ay halos hindi ka magkanda ugaga sa paghahanap ng salarin bakit tila hindi ka makagalaw sa inuupuan mo? Bakit hindi ka makapaniwalang noon ay ito ang sandalan mo ngunit siya pa pala ang magtatanggal ng inuupuan mo. Nakatadhana ba talaga kayong magkita para mapunta sa ganitong pangyayari? We are hopeless about the truth but are we really that hopeless to make you stop for finding the really truth? Matapos kumain ay nilalabanan ko naman ang sariling antok upang makipag usap sa dalawang lalaking kasama ko ngayon. Hindi pa sila tapos kaya nilibang ko muna ang sarili ko sa isang gilid habang hawak ang pirasong dart at pinatama sa sentro ng board. Hindi lang lakas ang nagpatibay ng sarili ko para maging ganito kalaki ang isip ko ngunit nag aral din akong mabuti na ikinabilib naman ni Uncle. Masyadong maliit ang taong ibinigay ko sa sarili ko bago tumungtong sa lugar na ito. Saksi ito sa lahat ng hirap na dinanas ko para lang mabilis na makapunta sa oras na ito.  "Bakit parang ang tahimik niyong dalawa? Gutom pa ba kayo?" Saglit akong napalingon sa dalawa ngunit nagkamali ako ng paglingon dahil nakikita ko ang matalim na tingin sa akin ng kapatid ko. Kuya ko pa din siya kahit na minsan ay wala siya sa wisyo. Mas gugustuhin kong ako ang madalas na magalit sa aming dalawa dahil hindi maganda kung ito pa ang magalit at wasakin itong hiding studio ko. Nasa pangalan ko ang lahat ng bagay na naririto ngunit hindi ko maitatanggi na ang kapatid ko ang nagkunsinti sa akin para magkaroon ng ganitong pagtataguan.  Hindi ako mapalagay sa tinginan nila dahil baka magsira sila ng gamit dito sa baba. Mas okay ng doon sila sa labas magpatayan huwag lang dito. "Gaano mo kakilala ang kapatid ko?" Nanatili akong nakatalikod sa kaniya dahil sa personal na mga tanong nito sa kaniya. Hindi ko pa siya nakita sa ganoong pag aasta. Hindi ko na susubukan pang gumitna sa pagitan nila dahil usapang lalaki ang tanungan ng kapatid ko. "Hula ko, interesado ka sa kapatid ko. Anong gusto mong malaman at alamin sa kaniya? Sa akin mo itanong dahil marami akong alam tungkol sa kaniya hindi sa isang private investigator na kinuha mo noong nakaraang araw." Napatigil ako sa pagkuha ng dart na nakatusok matapos marinig ang sinasabi nito. Hindi ko alam na ngayon lang naiisipan ni Juarez na halughugin ang tungkol sa pagkatao ko. Hindi na tuloy ako makapaghintay pa para sa nalalaman niya. Wala akong inatupag noon kung hindi ang mag aral at magtrabaho tuwing walang klase bukod sa pag eensayo para sa pagsabak sa pagiging pulis. Mabilis kong nakuha ang black belter ko noong nasa kolehiyo ako ngunit kulang na kulang pa ang pagiging black belter upang matanya ko kung hanggang saan ang sukdulan ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ang nalalaman niya ngunit kung hindi ito mapipigilan ay hindi ko siya pipigilan. Kung ano man ang maaaring malaman niya tungkol sa pagkatao ko ay kailangan niyang tanggapin 'yun. Siguro nga ay nasilaw ang mata sa nakikita niya lang kaya naman hindi ko maisip kung ano ang magiging reaksyon niya kung gaano na katagal noong una naming pagkikita. "I told you not to go here, right? Why are you here?" "Tinuruan na kitang magtagalog pero inglesero ka pa din. Mag usap kase tayo, para ka namang tanga. Gusto mo pa pupunta ako para lang maayos ito? Kahit tomboy ako maglakad, babae pa din naman ako." "Don't you remember na ikaw ang may kasalanan?" "Malay ko bang magagalit ka? " "Kung tuktukan kaya keta?" "'Kita' kase yun! " "I can buy all the things you want. Don't let that prick go beside you again, understand?" "Maiintindihan ko na sana kung lumalabas ka dyan bago tayo nag uusap. Para kang nasa kulungan." Akala ko ay nakakita siya ng multo kaya kabado pa akong lumingon ngunit isang gwapong nerd pala ang nakita nito. "Kuya. Open the door." "Why are outside this late?" Pero imbes na magsalita ito ay saglit lang siyang tumingin sa akin bago pumasok na sa loob.  Hindi ganoon katagal niya akong nilingon ngunit napansin ko ang pintura sa damit niya at ang dumi sa likod nito kaya nagtaka ako. Siguro nga ay nagkaroon siya ng karanasan sa pagkakaroon ng bully sa paligid niya ngunit tignan mo nga naman ngayon ay siya pa ang modelo ng isang produkto nila.  "Bakit hindi ka makasagot? If you ask me anything about you, I can definitely answer." "Why?" Matapos kong maidart ang isa pang hawak ay mabilis akong napalingon sa gawi nila dahil sa unang beses na nagsalita ito. Wala siyang kibo at mukha wala din siya sa mood kanina tulad ko ngunit hindi ko napagtanto kung bakit. Dahil ba iyon sa pagiging magkakilala namin ng kapatid niya? "Anong kailangan niyo sa pamilya ko?" This time nanatili na lamang ang paningin ko sa hawak na dart habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng hugis na iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa maaaring sabihin pa nito sapagkat masasabi kong magaling ang private investigator nit... o hindi?  Anong plano mo Rafaello? "What do you mean? Anong nalalaman mo na ngayon? Bakit kailangan mo pang magtanim ng recording device sa ganitong klaseng lugar? Hindi ka ba natatakot sa maaari naming gawin dahil nasa teritoryo ka namin?" Napapabuntong hininga akong naglakad sa harap nila at kinuha sa ilalim ang kanina pang nakikita kong umiilaw bago muling lumingon sa computer hindi kalayuan sa amin, sakto lang upang mapanood kami nito sa nakatagilid na anggulo. "Mukhang hindi ka magaling magtago ng bakas. Don't mind it, tinatamad akong kunin lahat yan. You are the part of the process and it's okay." Nagugulat ang reaksyon nito ngunit hindi pa ako tapos kumuha ng atensyon nilang dalawa at mabilis na inilapag sa isang gilid ang selpon ni Papa. "Bago kayo mag interview sa isa't isa, ito dapat ang una nating kinakalikot." Matapos ilapag ay kinuha ko naman ang remote at may pinindot pago lumabas sa screen ang nakikita sa selpon. Ayokong mag isang magalit sa ano mang maaari naming malaman sa loob niyan kaya mas maganda na kaming tatlo na ang makakakita n'yon dahil mukhang madami ng nalalaman ang isang ito. "Para maging fair sa lahat, hindi ko muna tinignan ang laman ng selpon ng biktima." "See? How could I called myself to be part of the family!" Parang batang nagtatantrum ang kapatid ko matapos nitong makita ang wallpaper kung saan nandoon kaming tatlo at ako ang nasa gitna n'yon. "Do you mean... Is this the evidence-" "Para maging aware ka. Isa ito sa maaaring ibedensya para maging dahilan ng pagkamatay ni Officer Hanz. Kung tutuusin ay may kasalanan din ako dahil ako ang nag udyok na kunin yan sa lugar kung saan niya tinago. I'ts a long story and to make it short, may gusto saking ipakita sa loob niyan si Officer. Mas swerte ka dahil nandidito ka at malalaman mo ang laman ng lahat ng messages na nakatago dyan. Hindi pala text si Papa kaya kakaunti lang ang laman niyan..." "Gusto mo na ba malaman ang sagot kung bakit interesado ang pamilya namin sa inyo?" Wala pa siyang nalalaman ngunit nakikita ko sa mata niya ang gulat na may halong kaba para sa malalaman nito. Wala akong ideya ngunit kung totoo ngang may kinalaman ang isang miyembro ng pamilya nila, maaaring hindi ko na siya pagkakatiwalaan pa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD