PART 14

768 Words
"A-ano 'yon?!" Halos sabay-sabay na sambit nina Vhon, Dhoy at Kear. Napayuko sila dahil sa matinding gulat. An'lapit ng putok na iyon kasi sa kanila. At naisip nila agad na mga kalaban nila iyon na mga bandido. "Nagulat ba namin kayo?" Pero mayamaya ay patanong na tinig Lheizel sa kanila. Nasa likod nito sina Miyaka at Tiffany. Naginhawaan ang tatlong binata nang makita sa kanilang likuran ang mga kababaihan. Hawak ni Lheizel ang isang armalite. 'Yon 'yung pinapatok kanina. "Hinahanap niyo ba ang mga baril niyo?" "Aahmm.. Oo, akala kasi namin naiwala namin," nakangiting sagot ni Doy. Ngumiti na rin sina Vhon at Kear. Kanya-kanyang niyukoan ng mga ito sina Tiffany at Miyaka. "Huwag kayong mag-alala tinago lang namin dahil masyado itong mapanganib," ani Lheizel na iniabot ang hawak na armalite sa isang babae. Umalis ang babae dala ang armalite. Muling nagkatinginan ang tatlo. Gusto sana kasi nilang kunin na sana ang mga baril nila pero nahiya naman sila. "Halina kayo. Tanghali na. Kumain na muna kayo," anyaya sa kanila ni Lheizel. "Ahmm.. P- paano 'yung mga baril namin?" pero lakas-loob na tanong ni Vhon. Nilingon ito ni Lheizel na seryosong-seryoso ang mukha. "'Di ba sabi ko tinago muna namin? Makukuha niyo iyon 'pag umalis na kayo rito." Parang nakaramdam ng hiya si Vhon. Nahimas nito ang batok at maasim ang ngiting tiningnan si Miyaka. Lumakad na sila. Parang nag-aalinlangan man ay sumunod na lang sila. Nagtutulukan pa silang tatlo. Sa hapag kainan, kahit hindi gutom ay kumalam ang mga sikmura ng tatlo dahil parang ang sarap ulit ng inihain ng mga babaeng pagkain para sa kanila. Natakam agad sila sa karne na parang nilaga ang pagkakaluto. "Kumain na kayo," malambing ang tinig ni Miyaka na inilapag ang bagong lutong kanin. Muli silang nagkatinginan ni Vhon. Ang lagkit ng tingin ni Miyaka rito. "Bok, sunggaban mo na 'yan nagpaparamdam na," pabulong at siko ni Dhoy kay Vhon. "Ikaw talaga!" Kahit lalaki ay nag-blush si Vhon. Palibhasa ay 'di ito sanay sa pagdedeskarte sa babae. Matapang ito, oo sa gyera, pero aaminin nitong mahina ang loob nito pagdating sa babae. Pigil tawa sina Dhoy at Kear kay Dhoy. "Haisstt! Mauunahan mo na naman ako! Bakit ba kasi parang seryoso lagi ang mukha ni Lheizel ko," mahinang bigkas ni Dhoy. Tumingin ito kay Lheizel na nakatingin sa kanila. Kinindatan nito ito pero deadma lang ang babae. "Aiiisstt! Kainis naman. Akitin mo na rin ako dali!" at sabi nito sa loob-loob. Matindi na talaga ang pagnanasa nito kay Lheizel, pero 'di nito alam kung gusto rin ba ito nito o hindi. Inggit na inggit na si Dhoy sa mga kasamahan. "Sige na kumain na kayo," wika lang ni Lheizel na parang wala pa rin dito ang pagpapa-cute ni Dhoy. "Nasa'n nga pala 'yung isa niyong kasama?" "Nasa tabi-tabi lang siguro," sagot ni Kear habang pinapapakan ang karne na ang lambot sa pagkakaluto. "Sige hanapin niyo siya para makakain na," utos ni Lheizel sa dalawang babae na kasamahan. Nang biglang may dumating. Si Ashlene! Nagkatinginan silang magkapatid ng masama. Pagkuwa'y tumalikod na si Lheizel paalis. "Sumunod ka sa 'kin, Ashlene! Mag-usap tayo!" Isang sulyap muna ang ginawa ni Ashlene sa tatlong sundalo bago ito sumunod sa Ate Lheizel nito. Maang naman sina Kear at Vhon. Iyon pala si Ashlene na tinutukoy lagi ni Hilmar. Mukhang may gusto nga itong iparating sa kanila. Halata iyon kung paano sila tingnan ng dalaga. "Naman, oh!" Kamot-batok naman si Dhoy dahil umalis na naman si Lheizek. Wala itong pakialam kay Ashlene kahit pa parang tumindig ang mga balahibo nito sa braso sa tingin na iyon kanina sa kanila ni Ashlene. "Kumain ka na lang," sabi rito ni Kear. Winaglit na lang nila ang Ashlene na iyon. Kumain ulit sila kahit na may nararamdaman na silang kakaiba. 'Di nagtagal ay may mapansin si Dhoy sa karneng hinihimay ng mga kamay nito. Nagsalubong agad ang mga kilay at natigilan ito. Napatitig si Dhoy roon sa.karne. 'Di pa nakuntento ay nilapit nito bahagya ang mukha sa plato at tinitigan ang napansin nito sa karne. At may alalang bumalik sa isipan nito... "Aaahhhh! Ang sakit!!" hiyaw ni Darwyn. "Hahaha! Kaya mo 'yan para kang 'di lalaki!" kantyaw niya noon kay Darwyn. Isinama niya kasi ito noon para magpa-tattoo. An'dami nga niyang tawa noon dahil sa hita pa talaga ang napili ni Darwyn na lagyan ng tattoo. Kung 'di ito nagkakamali ay 'di pa sila graduate noon sa PMA. Mabilis na nilislis ni Dhoy ang manggas ng t-shirt nito pagkatapos ng ala-alang iyon, at tiningnan ang tattoo nito roon. At napa-sh*t ito na napatayo bigla nang mapagtantong tama ang hinala nito!..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD