PART 16

611 Words
Butlig-butlig ang pawis ni Hilmar sa noo nito. Sa bunganga na rin na nito ito humihinga dahil sa napakatinding kaba sa dibdib nito. Halos madinig na nito ang t***k ng puso nito, para iyong tinatambol sa sobrang kaba. "A-ate, b-baka daga lang 'yon," dinig nitong sabi ni Ashlene. Sana umubra! "Tingnan mo!" subalit utos pa rin ni Lheizel sa isang babae. Kumilos ang babae. Dahan-dahan itong lumapit sa lugar na may kumaluskos. Napapikit na lang ng mata si Ashlene. Wala na itong magagawa kapag mahuli ng Ate nito si Hilmar. "Wala naman, Lheizel. Baka daga nga lang," buti na lang ay saad ng babaeng tumingin. Napabuga ng hangin si Ashlene. Pati na rin si Hilmar na nagawang mabilis na ikubli sa ibang matataguan ang sarili. Kahit pa mas nakakasulasok ang amoy sa pinagsiksikan nito ngayon ng katawan. Nagtakip na lamang ito ng ilong. Pero nang makitang may katabi pala itong naaagnas na bangkay na parang nakaupo rin ay muntik na ulit itong nakagawa ng kaluskos. Napapailing na lang ito at napapasigaw ng walang tunog. "Juskolord! Iharap niyo na lang ako sa gyera keysa sa ganito. Whoa!" sa loob-loob ni Hilmar. "Sige tara na!" sabi ni Lheizel sa babae. Isang masamang sulyap ang ginawa muna nito kay Ashlene. Subalit 'di pa sila nakakalabas ay may mga humahangos na babaeng dumating. "May problema!" hingal nilang sabi kay Lhiezel. "Ano 'yon?!" tanong agad ni Lheizel. "'Yung tatlong sundalo mukhang alam na nila ang ginagawa natin!" Awtomatiko na nagsalubong ang dalawang kilay ni Lheizel. "Paanong nangyari 'yon?!" galit nitong sabi sabay hakbang ng alis, sunod ang mga babae. Natigilan si Hilmar sa narinig. Alam na nina Dhoy ang kasamaan ng mga babae? Buti naman! "Hilmar?" mahinang tawag ni Ashlene sa.pangalan nito. Kumilos si Hilmar at tumayo mula sa pinagtataguan. Nagngitian sila ni Ashlene, agad na sumugod ng yakap ang dalaga sa kanya. "Kinabahan ako sa 'yo kanina," wika ni Ashlene. "Oo nga, eh," sabi ni Hilmar na hinagud-hagod ang likod ng dalaga. "Pero narinig mo 'yon? Alam na raw ng mga kasama ko ang ginagawa nilang kasamaan!" Tumango si Ashlene na ngumiti. "Sana nga mailigtas nila ang sarili nila." Nadatnan nina Lheizel na sakal-sakal ni Dhoy si Tiffany, hinohostage ni Dhoy ang dalaga. May hawak si Dhoy na tinidor at tinututok iyon sa may leeg ni Tiffany. "H'wag kayong lalapit!" At pagbabanta ni Dhoy sa mga babaeng akmang lalapit dito. "Teka lang, Florez! Ano bang nangyayari sa 'yo?!" awat ni Kear sa kasama na tila nawawalan ng bait. Gayunman umaalalay sila ni Vhon kahit na nagtataka sila sa kinikilos ni Dhoy. Ang mga babae ay gumilid at natakot. "Tingnan niyo ang balat ng karneng pinapakain sa 'tin ng mga babaeng 'yan!" utos ni Dhoy kina Vhon at Kear. Ginawa iyon ni Vhon at lumaki rin ang mga mata nito. Tinuro nito kay Kear ang nakita at alam nila na tattoo iyon ni Darwyn. Halos masuka na sila sa natuklasan! "T-tulungan mo ako," pagmamakaawa ni Tiffany kay Kear. "Ginawa niyong baboy ang mga kasamahan namin!" singhal ni Dhoy kay Tiffany. "Tama si Pingol! Mga masasama kayong mga babae!" Kumilos na sila. Patalikod na silang untin-unting patakas sa kubo na iyon. Subalit... "Saan kayo pupunta?!" boses ni Lheizel sa likod nila. Paglingon nila ay nakatutok na sa kanila ang mga armalite nila. Hawak ito nina Miyaka, Franzes at Joylyn na nagpakita na sa kanila dahil alam na nila ang katotohanan. "Bitawan niyo si Tiffany?! Kung hindi patay kayo agad sa isang pitik ko lang!" babala ni Lheizel sa kanila. Lalong nagngitngit ang kalooban ni Dhoy. Ang sama ng tinginan nila kay Lheizel. Nakangisi na ulit sa kanila ang mga babae. Ngisi na parang sinasabing... "Patay kayo ngayon!".......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD