Chapter 4

1527 Words
"DAMN! Sila na nga ang kinukuha bilang model, umaayaw pa! They should be thankful because we are still interested to have them as a model!" Malakas na isinara ni Dexter ang pinto ng office niya. Mabuti na lang at agad na nakapasok ako dahil kung hindi, baka natamaan ako ng pagkasara ng pinto. "Just calm down. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay umaayon sa gusto mo. Lahat dumadaan sa pagsubok," sabi ko. Hindi naman siya nagsalita kaya napabuntong hininga na lang ako. Kinapa ko ang cellphone ko sa sling bag na dala-dala ko palagi nang nag-vibrate iyon. Kinuha ko ang keypad na cellphone ko at sinagot ang tawag. "Hello? Fritz?! Ano ba naman! One million lang ang ipinadala mo?! Mahigit isang taon ka na diyan sa siyudad! Ngayon ka lang nagpadala?! Ano?! Kulang pa ito! Pambayad lang 'to sa pag-oopera sa Papa mo!" bungad na sigaw sa akin ng kabit ni Papa. Oo, may kabit ang Papa ko at nasa bahay namin siya nakatira. Nandoon rin ang Mama ko, gusto kong lumayo sa bahay na iyon pero ayaw ng Mama ko. Ayaw rin namin siyang iwan ng mga kapatid ko kaya nagtitiis kami na doon tumira. Hindi rin naman namin magawang kamuhian si Papa dahil Papa pa rin namin siya at wala kami kung wala siya. Ang kalagayan niya rin ang isa sa dahilan kung bakit hindi makaalis si Mama roon. Mahal ni Mama si Papa pero mas mahal ni Papa ang kabit niya. Gusto kong kasuhan ang kabit niya pero ayaw rin namin ng gulo. Saka baka mapaano si Mama kapag nagkagulo, may sakit pa naman siya sa puso. "Ano ba ang sinasabi mo? Malaking pera na 'yan! Kasama na riyan ang gamot ni Mama. Huwag ka ngang mukhang pera!" pabalik na sigaw ko. "Hindi maaari! Kulang na kulang ang perang ito! Sa Papa mo lang ang perang ito! Kulang pa nga ito sa mga gastusin sa treatment niya! Kumita ka pa ng malaki kung gusto mong may gamot ang Mama mo!" sunod-sunod na sigaw niya dahilan para tumulo ang luha ko. "Bwesit kang babae ka! Mamatay ka na!" sigaw ko pero pinatay na niya ang tawag. Napaupo na lang ako sa sofa at napatulala. Bakit ba kailangang mangyari 'to sa amin? Sa kanya ko pinapadala ang pera dahil hindi marunong kumuha ng pera si Mama at ang mga kapatid ko kapag nagpapadala ako. Nagpapaturo sa akin ang kapatid ko pero ayaw ni Papa dahil bata pa raw ang kapatid ko. Ako kasi ang panganay, fifteen years old ang sunod sa akin na lalaki, at twelve years old naman ang bunso namin na lalaki rin. Probinsiya ang lugar namin, malayo rin ito sa office ng Pera Padala kaya medyo mahirap talaga kung ang mga kapatid at Mama ko ang kukuha ng pera na pinapadala ko. Tiningnan ko si Dexter nang mapansin na hindi na siya nagsasalita. Nakita ko naman na nakatingin siya sa akin. "Ano? May appointment ka na naman ba? Saan?" Pinahiran ko ang luha ko at tumayo. "Nothing. It's already 5:00 pm. Wala ka bang balak umuwi?" tanong niya. Napatingin naman ako sa orasan. Tama, ang bilis ng oras. Tumayo ako at tinungo ang pintuan. "Wait..." Napahinto naman ako at napatingin kay Dexter. "I have many things to do. I need your assistance so you have to come with me. This will make your salary bigger." BINUKSAN ko ang refrigerator ni Dexter dito sa malaking bahay niya. Siya lang mag-isa ang nandito. Ang sabi niya, wala siyang maids. May driver siya pero sa may likod ng bahay nakatira. At nandito ako para ipagluto siya ng dinner dahil gutom na siya. Nasa study room yata siya ngayon. May inaasikasoo siyang papers about sa company nila at naghahanap rin yata siya ng mga models. Modeling company kasi ang kompanya nila. Ano kaya ang puwedeng lutuin? "Sino ka?" "Ay kabayo!" Napatingin naman ako sa nagsalita. May nakita akong matandang babae na kakapasok lang yata sa kusina. "Nagulat ba kita? Naku, pasensiya na." "Ayos lang po, may kailangan po ba kayo?" tanong ko. "Ako dapat ang magtanong niyan. Ngayon lang yata kita nakita dito, iha." "Ah opo, personal assistant ako ni Dexter," sabi ko. "Talaga? Ako si Manang Rosa, taga-luto rito sa bahay niya. Ngayon ko pa lang yata ulit nakita na may dinalang babae si Dexter dito sa bahay niya bukod kay Angel." Tumabi ako nang lumapit siya sa akin, may kinuha siyang ingredients sa refrigerator at isinara 'yon. Hindi naman ako humawak pa ng mga kung ano-ano at pinagmasdan na lang si Manang. Marunong akong magluto pero dahil may taga-luto naman pala siya, hindi na lang ako magluluto. "Angel?" "Oo. Si Angel, ang girlfriend ni Dexter dati. Simula noong naghiwalay sila, wala na sa katinuan si Dexter. Ewan ko ba sa batang 'yan. Ibang-iba na ang ugali e." "Ah Manang, sabi ni Dexter, wala siyang maids pero nandito ka naman," pag-iiba ko. Ayokong maging chismosa sa buhay ni Dexter, lalo na sa personal niyang buhay...hindi ako interesado. Gusto ko lang magkaroon ng kahit konting impormasyon tungkol sa buhay para kahit papaano ay maintindihan ko ang ugali niya at baka maiwasan ko pa na mainis sa kanya. "Wala siyang maids pero may taga-luto siya tuwing breakfast at dinner. May taga-linis din siya ng bahay, once a week." Nagsimula na siyang magluto habang ako naman ay nanonood lang. Madali akong matuto kaya mukhang matututo ako sa panonood sa kanya. Madadagdagan ang mga recipe ko sa pagluluto. "Matagal ka na ba niyang personal assistant?" tanong nito. "Almost one week pa lang po," sagot ko. "Talaga? May nabalitaan ako na nakakatakot daw siya maging amo, lalo na kapag kasama. Hindi naman... mabait naman si Dexter kapag nakilala mo na ng tuluyan. Siguro, ayaw lang niyang maging malapit sa nga tao dahil naiwanan na kasi siya," mahaba nitong sabi. Hindi naman ako umimik. Ang choosy naman pala niya. Naiwan lang, nag-iba na? Ako nga e, hindi lang naiwan kung 'di nawalan, hindi naman nagbago. Wala naman kasing perpekto sa buhay, acceptance lang ang nakakapanatili ng lahat. Ilang sandali lang ay natapos na si Manang Rosa. "Ako na po ang maghahatid niyan kay Dexter. Maraming salamat, Manang," may ngiting sabi ko at saka kinuha ang tray na may lamang pagkain. "Good for two ang niluto ko para sa inyong dalawa. Sige, magliligpit lang muna ako bago aalis." Tango lang ang isinagot ko bago nilisan ang kusina. Tinungo ko agad ang study room at nadatnan ko si Dexter na seryosong nakatingin sa mga papel sa harap niya. "Mamaya na 'yan, kain ka muna," sabi ko at inilapag sa isang maliit na table sa gilid ang tray na may lamang pagkain. Umupo ako sa may upuan sa harap niya at tiningnan siya. Seryoso pa rin ang tingin niya sa mga ginagawa niya. Napatulala naman ako nang maalala ang mga sinabi ng kabit ni Papa kanina sa cellphone. Mukhang kailangan ko yatang umuwi ng probinsiya para kay Mama. Napabalik ako sa reyalidad nang hagisan ako ni Dexter ng coat niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. Ano ba ang problema niya? Pinakalma ko na lang ang sarili. Ayoko munang mang-inis at mainis ngayon dahil problemado ako. "Kumain ka na, Mr. Santiago," kalmadong sabi ko. "Anong ulam?" tanong niya habang nakatingin na naman sa mga papers sa harap niya. "Hindi ko alam. 'Yong tagaluto mo ang nagluto. Hindi ko rin natanong kaya pasensya na," tanging sabi ko. Ilang sandali naman ay nagulat ako nang hampasin niya ng kamay niya ang desk sa harap namin. Baliw ba siya?! "I just said earlier that you should cook! Bakit hindi ikaw ang nagluto?!" may galit na sabi niya. Agad na napatayo naman ako. Medyo nagulat ako sa pagsigaw niya. "Ah... sige, magluluto ako," sabi ko at tinungo ang pinto. "Sandali..." Napahinto naman ako at napatingin sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Lumapit siya sa tenga ko at may ibinulong. "I don't want to eat anything except you. Are you willing to serve yourself for me?" Napapikit ako nang maramdaman ang labi niya na hinahalikan ang leeg ko paitaas sa likod ng tenga ko. Napasinghap ako sa sarap na dulot ng ginagawa niya. Napahawak ang dalawa kong kamay sa mga balikat niya dahil nanghihina na naman ako, nanghihina dahil sa mga halik niya. Kumawala siya at tiningnan ako. Ilang segundo lang ay binuhat niya ako na parang isa akong sako. "T-Teka! Saan mo ako dadalhin?!" gulat na tanong ko. Baka itapon niya ako sa kung saan! Wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Patuloy lang siya sa paglalakad. Ilang sandali ay nabuhayan naman ako ng loob nang pumasok siya sa isang kwarto. Mabuti at hindi niya naisipang ihagis ako sa kung saan. "Aray!" daing ko nang ihagis niya ako sa kama. Malambot ang kama pero may impact pa rin 'yon! "Bwesit ka talaga!" sigaw ko sa kanya. Pumaibabaw siya sa akin at hinalikan ako labi. Hindi naman ako nakapalag lalo na nang nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya. Bumigay naman ang katawan at isip ko sa bawat halik at paghawak niya sa iba't-ibang parte ng katawan ko. I think, I felt it again. The feeling of having lust in someone's touch—Dexter Santiago's touch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD