NAGISING ako dahil sa katok na nagmumula sa labas ng pinto ng apartment. Tiningnan ko ang orasan na nakadikit sa dingding ng kwarto ko. Alas singko na ng hapon? Malapit nang magsimula ang pool party! Tumayo ako at pinuntahan ang pinto. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang delivery guy. Delivery guy? Wala naman akong naalala na may inorder akong kung ano. "Package for Miss Fritz Tolentino." "Kanino galing?" tanong ko. "From Mr. Francisco Rytch, pirmahan niyo na lang po rito." Kay Mr. Rytch? Package? Ano namang pinadala niya sa akin? Pinirmahan ko naman ang papel na inabot niya at kinuha ang box na para raw sa akin. Galing kay Mr. Rytch? Nagpasalamat ako sa delivery guy at isinara ko ang pinto. Bumalik ako sa kwarto saka binuksan ang may kalakihang box na may pulang ri

