Cassandra's POV
Napasigaw na ako. "WHAT?!"
Grabe! Kiss him torridly.
Torridly.. Para bang nag-echo sa tenga ko ang katagang ito. s**t! First kiss nga wala pa ko tapos kiss na torrid pa?!
"Hey Techy! Are you out of your mind? Tsk..” Napahilamos ako sa mukha ko.
“Hey Techy! Wala pa akong first kiss. Hindi ko pa nga nailalapat ang labi ko sa ibang labi tapos sasabihin mo na I need to kiss this robot torridly?!" Sabay turo ko sa robot na nasa harapan ko.
"It seems that you don't know how to. Put your hands at the back of the neck and cradle the back of his head. This will make you closer to him. Fill in the space or the gap between the two of you then start kissing with light and gentle motions. As your temperature rises, the kiss can become firmer. Suck his upper lip. Then gently place your tongue so that your tongue is between his teeth and upper lip. Your tongue will look like you are touching your nose. Gently run your tongue left to right."
Napahalf-open ang bibig ko.
"No! No. And no! I can't believe this is happening! Ugh!" Napasabunot ako sa buhok ko. Why is this happening to me?
Dagdag ko pa "Why does he need a kiss?! Torrid pa ang kailangan!"
"He needs an intense heat."
May narinig ako kaninang heat human interface e.
"Bakit hindi ba pwedeng makuha yun sa ibang paraan?! Sa paghawak? O, ayan o!” Hinawakan ko ang braso ng robot.
"Just think how Jenny saved Eugene's life in Ghost Fighter."
Ah! Yung kiniss ni Jenny si Eugene. Pero....
"Intense heat lang ba ang kelangan niya? E di sa sun makakakuha siya dun. Diba?! Hindi lang intense heat. Sun burn pa!"
"A sun's heat may help only if he's already activated. The heat that he will get from it will not be enough to wake or activate him. Also, remember that he is a robot. So, he won't get sun burn."
Mukhang wala na talaga akong choice ha! Pero teka nga...
"Techy, hindi naman torrid ang kiss ni Jenny kay Eugene ha? Nilapat lang ni Jenny ang lips niya kay Eugene tapos well.. Medyo binuka niya pala yung lips niya para magfit sa lips ni Eugene. Pero hindi torrid!"
"Well, I should say that Eugene of Ghost Fighter and Rob 001 are different. Their cases aren't the same. Besides, you shouldn't compare."
"Ugh! I gave up!"
Napaupo ako. I messed up my hair out of frustration. Why do I need to activate this robot anyway? What’s in it for me?
Iwan ko nalang kaya at takpan tulad ng kanina.
Wala naman nakakita na pumasok ako rito. Aalis ako nang parang walang nangyari.
Tama! Tumayo ako nang maayos. Tinakpan ko na ang robot. Inayos kung paano nakatakip ang puting tela sa kanya kanina. Bye, Rob 001! Sana makagawa rin ako ng isang tulad mo.
Maglalakad na sana ako papuntang pinto nang marinig kong may nag-uusap.
Agad akong nagtago sa likod ng pinto.
May dalawang taong nag-uusap. Lalaki at babae. “Asan na ang robot?” Tanong nung babae. Ang boses niya parang ka-edad ko lang.
“Andyan miss..” Sagot nung lalaki.
Papasok pa ata sila ng kuwarto. Nagbutil-butil ang pawis ko. Iginilid ko ang sarili ko ng husto.
Ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba. Parang sasabog ung dibdib ko. Nabibingi at tangi ko lang naririnig ang kabog ng puso ko.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang umurong sila. Pinatay nila ang ilaw at umalis. Sinarado nila ang pinto.
“Hooo..” Pinunasan ko ang pawis ko sa noo.
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto para malaman kung umalis na ba talaga sila. Pipihitin ko na sana ang door knob para makaalis ngunit..
“Locked?!” Oh my God! What should I do?
Oh no! Inhale. Exhale. Kalma lang, Cass.
Kinuha ko ang cellphone ko sa back pocket ng pants ko. Binuksan ang flashlight at binuksan ulit ang ilaw.
Anong oras na ba? Oh no! 6 pm na! 7 pm magsasara na ang Robo Corp. Tawagan ko na lang si daddy.
3% remaining nalang ang phone ko at malolowbat na. Kailangan ko na kausapin si daddy.
Calling... Daddy
Please, pick up the phone, dad.
“Cass..”
“Dad! Hello, dad!” Tinignan ko ang phone ko. God!! Namatay na. Nalowbat ang phone ko. What to do? What to do? Ayaw ko maiwan dito.
Nangatok na ako sa pinto. “May tao po rito! Tulong po!”
Nilakasan ko ang boses ko pero parang walang nakakarinig.
Napaupo ako sa tabi ng robot. Nanghina ako bigla. Yan, Cass! Pinahamak mo pa sarili mo.
Buti nalang may ilaw pa rin.
Tinanggal ko ang puting tela na nakatakip sa robot.
“Uy! Buti ka pa kalmado!” Sabi ko kay Rob 001. Napatawa ako. Pero nag-aalala talaga ako sa sitwasyon ko ngayon.
Bigla kong naisip na pwede.. pwede akong matulungan nito. Kasi nga robot siya at malakas siya.
Pero kailangan ko siya mapagana. At ang kailangan niya.. torrid kiss.
Ano ba yan?! Kaya ko ba?
Pero gusto ko na makaalis dito. Iisipin ko na lang na eto si Christopher De Vera aka Top. The man of my dreams! Ang aking future boyfriend. Napahalakhak ako na animo'y nagwagi sa isang palaro.
Bahala na! Tumayo ako sa harap ng robot. Si Rob 001.
Inalala ko ang sinabi ni Techy. Yumuko ako ng kaunti. Napatitig ako sa kulay hazelnut niyang mga mata. Hinawi ko ang light brown niyang buhok ng bahagya. First kiss ko mapupunta sa isang robot. Isang guwapong robot.
Ang sabi nga nila hindi importante kung sino ang nauna. Ang mahalaga ay kung sino ang huli. Kaya lang syempre memorable ang mga first.
Pero seriously, feeling ko user ako kasi gagawin ko to dahil kailangan ko ng tulong niya. Sorry Rob 001.
Iniligay at ipinulupot ko ang mga kamay ko sa likod ng kanyang leeg and cradle his back. Paano ko kaya maiimagine sayo si Top e kabaliktaran mo siya.
Siya ay may kulay itim na buhok at may mga malalalim na mata. Ang mata niya ay kulay brown din naman.
Ugh! Ipinikit ko ang mga mata ko para isiping si Top yun at unti-unting inilapat ang mga labi ko sa kanya.
Infairness, malambot. I sucked the upper lip. Pagkatapos humiwalay na ako.
"Hey Techy! What's going on?! Hindi naman siya na activate!"
"Checking....."
"The heat is not enough! 75% is still needed."
What the heck! Anung kelangan ko gawin?! Tama naman ang ginawa ko ah! Errr... Hindi ko sinama yung part na kelangan kasama yung tongue. Waaaaa.... What to do? What to do?
"Attention! All the staff should go out now. Thank you!"
Waaaaaaa..... Pano na to?! Kelangan ko makaalis dito.
Alam ko na! From the top! Ipinatong ko ang kamay ko sa magkabila niyang balikat. Pumikit ako. Hinalikan ko siya.
Isipin mong si Top yan Cass.
Concentrate Cass. I sucked his lips. Medyo ginalaw-galaw ko ang ulo ko habang kinikisan ko siya.
Tinanggal ko ang isang kamay ko sa balikat niya at hinawakan ang kanyang baba para medyo maibuka ko ang bibig niya. Nang bumuka na ibinalik ko ang isang kamay ko sa balikat niya. Ipinasok ko na ang tongue ko at tinry ko gawin ang sinabi ni Techy.
Nagulat ako nang biglang may humawak sa bewang ko. Napamulat ako ng mata at nakita kong kumukurap na yung robot si Rob 001.
"Completed! Rob 001 is now activated!"