Zacherson's POV HINDI ko alam kung nanalo ba kami sa larong iyon o hindi. Ang mahalaga lang sa amin ay ang nailigtas namin si Maggie sa ginawa ng mga hayop na iyon. Kahit sobrang kinakabahan ako sa nangyari, pinili ko pa ring itago iyon. Ayaw kong ipakita kay Jam na pati ako ay natatakot. Nakahinga lang ako ng maayos ng mahanap namin si Maggie. Hindi ko rin alam pero no'ng paulit-ulit kong inisip ang clue na ibinigay ng killer, pumasok sa isip ko ang compartment ng kotse. Kung nasaan ka, nandoon ako. Nainis nga ako dahil bakit noon ko lang naisip na maaaring sa compartment ng kotse itinago si Maggie. Naisip ko lang iyon dahil sa paulit-ulit kong pag-iisip sa clue. Tahimik lang akong nakaupo.sa swivel chair at nakapatong ang mga paa ko sa table. Hawak ko ang lapis at nilalaro iyon. Sim

