Cebu

2209 Words

Zacherson's POV "ANAK, bilisan mo na!" sigaw ng Mommy ni Jam, na nakilala kong si tita Rose. Kanina pa nga itong salita ng salita. Nakakatuwa. Napaaga kasi ako ng dating. Hindi ko nga alam kung bakit ang aga kong magising. Pakiramdam ko nakainom ako ng energy drinks dahil sa sigla ko ngayon. "Napakagwapo naman nitong batang 'to," ngiting-ngiti na sabi ni tita Rose habang pinagmamasdan ang mukha ko. Nahiya naman ako sa papuring iyon. Mabait ang mommy ni Jamie at napakagiliw ng pagtangaap nito sa akin. "Salamat po, Tita," sagot ko at ngumiti pa ng ubod tamis. "Ilang taon kana ba hijo?" Hindi pa rin maalis ang tingin sa akin ni tita Rose. Sinusuri nito ang bawat detalye ng mukha ko. "Twenty-Five po," magalang kong sagot. "Bata ka pa pala hijo. May girlfriend ka na ba?" usisa ulit nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD