Jamie's POV NAGMULAT ako ng mga mata ng marinig ang boses ni Mommy na nagsasabing gumising na ako at nand'yan si Maggie. Madilim sa labas at siguradong gabi na. Kinusot ko ang aking mga mata at humikab. "Anak, bumangon ka na!" sigaw ulit ni Mommy. Napasimangot ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Umupo ako sa gilid ng kama at tumingin sa labas. Wala na ang sikat ng araw, buhay na ang ilaw ng mga kapit-bahay at bahagya na ring lumalabas ang kalahating buwan. Hindi ko namalayan na matagal pala akong nakatulog. Naalala ko lahat ng sinabi ni Andrew. Tatapusin na niya ang laro. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko dahil sa kakaisip sa bagay na iyon. Hindi ko pa rin maunawaan. Sino siya Napapitlag ako ng maalalang nadiyan nga pala si Maggie. Baka nandiyan din si Zach. Agad akong tumayo at n

