Zacherson's POV Tahimik lang kami ni Jam, habang nakaupo sa sofa. Hindi ko alam pero sa tuwing kami lang dalawa ang magkasama, may kakaibang tensyon akong nadarama. Nakaupo kami sa sofa at may ilang inches na pagitan. Kami lang ang nandito. Kapwa nasa trabaho si Tita at Tito, samantalang si Maggie ay nasa kanila para kumuha ng ilang gamit niya. Napagdesisyunan kasi namin na mas mabuti kung mananatili muna si Maggie sa bahay nila Jam, hanggat hindi nakikilala ang killer. "Anong iniisip mo Zach?" pukaw ni Jam sa akin. Bahagya na pala akong natulala. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti. "Iniisip ko lang kung ano ang maaaring sunod na hakbang ng killer," sagot ko habang magkadikit ang mga kamay ko. Nakita kong napaisip din siya. Hindi ko mahulaan kung ano ang maaari nilang gawin. Ano nga kaya

